-1-

3.1K 62 4
                                    

-1-

"Hoy ! Akin na'yan ! Nanlalabo na ang mga mata ko !!" pilit kong inaabot yung eye glasses na kinuha ng mga schoolmates ko pinagtitripan na naman kase ako ehh Tsk !

"Hahaha ! abutin mo . Ay hindi ka nga pala kataasan Haha"

At ayun tumawa tawa pa sila 

Huhu , yung eye glasses ko ibigay nyo na saken nanlalabo na mga mata ko ehh ..

Pilit kong inaabot yung eye glasses ko nang ..

May dumating na isang gwapo- este isang anghel na lalake ..

"Ehemm .. Anong kaguluhan 'to ?? Mga pare ? ang aaga pa ah . Nangtitrip agad kayo ?"

Natigil yung mga nangtitrip sa salamin ko at mukhang natakot yata sila sa dumating na lalake ehh binigay nila agad yung eye glasses ko dun sa lalake

Hala ! Ano siya dito ? Maton ?

Tinanggap nya yung eye glasses at dali daling nagtakbuhan yung mga lalake palayo

Haha natakot yata ?

"Uhmm ..miss .. okay ka lang ?" 

teka , kinakausap nya ba ako ?

Nagkatinginan kami .

Sheemay ! Ang gwapooooo nya .. Ang taas ng ilong tsaka chinito eyes pa

Feeling ko nag spark yung mga mata ko sa pagkakatitig sa kanya tsaka parang may lumalabas na heart pa haha . Ang weird ko talaga noh ?

"Miss ?" sambit nya .

"Ahh .. -- s-salamat .." nagka utal utal pa ako

Ngumiti siya . Sinuot nya yung eye glasses sa mata ko

O_O

"Pagpasensyaan mo na yung mga lalakeng yun .. talagang maraming sunction na yun sa dean's office .mga pasaway kase" aniya hanggang sa nasuot na nya yung eye glasses sa mata ko

Ako naman naka nganga lang

Ngumiti siya .

"Im Greg .. and you are ??" 

Hala !.akikipag shake hands siya agad saken ? O_O

Tiningnan ko yung kamay nya na nakalahad saken para mkipag shakehands

"Ahhh ... S-sige .. mauna na ako .. m-may pasok pa ako ehh" 

Takte ! Hiyang hiya na ako ehh T^T

Kaya umalis na ako sa harapan nya

Dali dali akong pumasok sa room namin at naupo agad sa chair ko

GREG .. Greg yung pangalan nya .. Ang gwapo nya tsaka ang bait pa . Akalain mo yun ?

Ehh .. Ba't ko ba iniisip yung lalakeng yun ? Kababago lang naming nagkakilala tsaka haler , tinulungan lang nya ako na makuha yung salamin ko sa mga lalakeng yun

Pero alam nyo , parang nag shining shimmering agad yung mga mata ko at ang lakas ng tibok ng puso ko pagkakita ko sa kanya *_____*

But i think nasa mga 20's na siya

Siguro 4th yr student na yun dito

Okay tama na nga ang pagpapantasya Alyssa !

Andito na yung prof namin sa Algebra kaya tahimik na kaming lahat

------

Tapos na yung klase namin .. Hmm . Wala na akong klase ehh .

Tama ! Pupunta ako sa Dean's Office ngayon mag a-apply ako bilang student assistant dun . Mas maganda kase yung doble yung scholarship ko scholar ako dito tsaka scholar din ako sa tita ko hehe . Tita ko nalang kase nagpapaaral saken .

Pagpasok ko dun sa Dean's Office . Busy sila kaya hahanap ako ng tyempo na makakapagtanong ako tungkol sa mag aapply bilang student assistant

"G-good morning ho .. Sa'n po ba pwdeng magpasa ng requirements para dun sa mag aapply bilang student assistant ?"

lalake yung tinanong ko

Nakayuko pa siya at may sinusulat .

"Asa'n na yung requirements mo?" 

At pag angat nya ng mukha ..

O_O

S-Siya yung ....

lalakeng nagligtas saken kanina !

Si Greg O_O *____*

Nagkatinginan kami .. Nakangiti sya saken

"Hi .. We meet again" aniya at nakangiti

Ako naman NGANGA ..

Tumayo siya at nagtungo sa kabilang table 

Takte ! Kaya pala takot sa kanya yung mga studyanteng nangtrip saken kanina dahil Dean's Staff ata siya 

"So , mag aapply ka pala bilang student assistant dito?"

Nilapag nya yung mga requirements ko

"Ahh .. o-oo .." ngiti ngiti ko

Tiningnan nya ako

"Ow .. that's good ..."sabay upo nya pabalik dun sa table nya

"By the way .. tinakasan mo ako kanina .. Ano bang pangalan mo ?"

Napatingin ako sa kanya yung nahihiyang tingin

"Alyssa .. Alyssa Chavez"

Tumango tango siya .

"Nice name .. pero napakamahiyain mo"

"Pasensyahan nyo na ho ako .. ganito lang talaga ako ehh"

Nahihiya na ako nyan ! Grabe !

Medyo natawa pa siya 

"Ano ka ba ! wag kang mahiya saken .. Tsaka 20 lang ako kaya tawagin mo lang akong Greg" aniya na di mawala yung ngiti nya .

Ngumiti nalang ako at tumango tango sa kanya

"Sige ... m-mauna na ako .. Yan lang talaga ang sadya ko dito ehh ."

Akmang aalis na ako nang ..

"Teka sandali .." kaya napahinto ako sa may pintuan

"Tanggap ka na .. Needed kasi namin ngayon ang mga student assistants"

O_O ANO DAW ?

Tanggap na ako ??

Napalingon ako sa kanya .At napangiti sa tuwa .

"S-Salamat .. Salamat !!"pagkatuwa ko

At ngumiti lang siya at umalis na ako

YESS !Tanggap na agad ako !

YESSSSS !

My Assuming GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon