Chapter 1

9 0 0
                                    


Nakahiga ako ngayon sa aking kama, habang nakikinig ng paborito kong kanta.

(Tadhana by Up Dharma Down)

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na naidugtong
Damang dama na ang ugong nito

Hindi pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipaparanas sayo

Naka headphones ako kaya, hindi ko naririnig ang away nila dad and mom. Bakit ba sila ganyan? magaasawa tapos magsasakitan lang. Hindi ba nila naisip na sinasayang lang nila ang lahat ng pingsamahan nila, hindi ba sila ng hihinayang sa mga memories na nabuo nila nang magkasama sila?

Lumabas ako sa kuwarto at pumunta sa kitchen ng nakaheadphones. Nagpatimpla ako ng milk kay yaya at kumain ng cookies.

"Thanks yaya."

Buti pa si yaya, hindi ako iniiwan simula 5 year old ako siya na ang nagalaga sakin kay siya lang ang nakakaintindi sakin eh.

"Sige, matulog na ako anak, puwede bang ikaw nalang ang magpatay na mga ilaw."

Tumango nalang ako, kawawa kasi si yaya 4:00 am palang gising na, para asikasuhin ang baon ko, tapos 10:00 na matutulog.

Habang kumakain ako, nakita ko si mom na lumabas sa kuwarto ng umiiyak at lumabas ng bahay. Siguro dun muna siya matutulog sa condominium niya, lagi naman eh halos di na nga siya umuwi dito. At narinig ko naman si Dad na nagwawala sa kuwarto kahit naka headphones ako. Grabe sila!

Pinatay ko nalang ang lahat ng ilaw at pumasok na sa kuwarto. Humiga nalang ako at humagulgol ng iyak, hindi ba sila nagsasawa magaway?

5:00 AM

Kakagising ko lang, tiningnan ko ang mukah ko sa salamin ko at nakita kong namamaga ang mga mata ko dahil sa kakaiyak kagabi. Naligo at nagtoothbrush muna ako at bumaba na para kumain. Nakita ko naman si Dad na may kausap sa phone, habang umiiyak, bakit siya umiiyak?

"Dad bat ka umiiyak?"

Linapitan ko siya at binigyan ng tubig.

"Athena ang mom mo naaksidente kagabi."

"Ha!"

Tumakbo na ako at pumunta sa car. Sa sobrang pagmamadali ko nakalimutan kong tanungin si dad kung saan si mom dinalang hospital kaya tinawagan ko nalang siya.

"Dad san daw si mom dinalang hospital?"

"Sa Bernardino General Hospital daw." Sabi ni Dad sa kabilang linya, at halatang kinakabahan.

Pagkadating namin sa hospital tinanong ko sa may nurse station kung nasan si Mom.

"Nasan po si Jessie Yu?"

Chineck niya muna ang log book niya at hinanap ang name ni mom.

"Nasa ICU pa po siya.

Tumakbo na ako papuntang ICU at umupo muna sa may upuan malapit dun. Tumawag muna ako kay Ahri para eexcuse ako sa class namin. Busy ang phone niya kaya nagiwan nalang ako ng message sa kanya.

To: Best Ahri

Ahri excuse mo muna ako sa class natin ha, may emergency kasi nabangga ang mom ko kagabi kaya andito ako sa hospital. Thankyou!!

√ SENT

Dumating na si dad na may dalang coffee. At binigyan ako ng isa.

"Anak pumasok ka nalang, ako nalang magbabantay sa mom mo, ako naman ang may kasalanan nitong lahat eh."

"Dad bakit??"

"Anong bakit?"

"Bakit kayo laging nagaaway ni mom?"

"May hindi pa kasi kami nasasabi sayo anak, nagkaroon ako ng kasalanan sa mom mo
, nagkaroon ako ng babae, kaya nagaaway kami ng mom mo palagi."

Nagulat ako sa sinabi ni dad, bakit nangyayari samin toh? Nagpakabait naman ako bat ganun?

Tumakbo nalang ako at pumunta sa maliit na chapel sa hospital.

"Bakit mo ba ako pinaparusahan ng ganito ha? Mabait naman ako ha? Bakit sakin pa nangyayari toh? Ang raming tao sa mundo bat sakin pa ha?"

Sinisii ko ang diyos, sa mga nangyayari. Masama man pero ginawa ko parin.

"Alam mo miss hindi naman siya magbibigay ng ganyang situation sayo kung hindi ka makakaisip ng paraan kung pano yan lalagpasan."

Tumingin ako sa likod ko, at may nakita akong lalake na nagabot sakin ng panyo.Kinuha ko nalang ang panyo at pinunasan ko ang ang mga mata ko.

"Salamat ha."

"Bakit ka sakin nagpapasalamat, dapat sa diyos ka nagpapasalamat kasi siya ang nagpadala sakin dito para tulungan ka miss."

"Ha! Ano?"

"Wala Miss! Sabi ko dapat hindi mo siya sinisisi sa mga nangyayari."

"Pero bakit niya ginagawa sakin toh?"

"Siguro miss, para mas palakasin ka."

"Siguro nga!"

Lumabas nalang ako sa chapel at pinuntahan si dad.

"Dad, kamusta si mom?"

"Anak, nasa coma pa ang mom mo."

Bigla nalang tumulo ang luha ko, at tiningnan ko si dad na umiiyak.

"Dad, bakit satin nangyayari toh?"

"Anak siguro kaya nangyayari ang mga bagay na toh, para mas patatagin tayo."

At umupo ako sa tabi ni dad, para damayan siya.

"Siguro nga dad."

"Anak, umuwi ka muna at magpahinga papuntahin mo dito si yaya Mara, at gusto ko na pumasok ka na bukas ha."

"Ok dad."

Pagkadating ko sa bahay ay natulog nalang muna ako, dahil nakakapagod rin ang mga nangyari.



A/N: Sorry po kung maikli lang ah, sana po nagustuhan niyo ang chapter na to. Nakakaiyak naman ang first chapter....

[Thanks for Reading]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Happy Break-upTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon