EXPERIMENT STORY.
NO SILENT READERS, PLEASE VOTE OR COMMENT :)
THANK YOU
-------------------------------------------
KEANO'S POV
"Mia ilang beses ko ba sasabihin sayo na ilagay mo sa labahan yung mga damit mo, kababae mong tao kinakalat mo sa sahig yung mga damit mo, para kang sawa"
ako nga pala si keano, keano Livara, dakilang alalay ni Miabi Tan, joke lang. childhood friend ko si Mia, sa iisang apartment complex lang kami naka tira kaya simula pa lang nung naka diaper na kami mag kasama na kami, si Mia isa siyang magandang babae na lalake pumorma. de joke lang. hahahaha. di siya maganda pangit nga niya ee, ang laki ng muka tapos tigyawatin pa, yung buhok niya parang walis tambo, tapos kutuhin pa. medyo chubby siya, di din siya maputi, lagi ko siya inaasar na kakulay niya yung kalawang sa double deck namin. pero kahit na ganyan siya, mahal na mahal ko yan. kaso di niya alam yun secret lang natin to huh. shhh.
"hoy lalake, umamin kna nga. bakla kba? bakit ba lagi mo na lang ako pinakekealaman? bwisit ka" tong babaeng pangit na to, pasalamat ka mahal kita, kundi binigwasan na kita.
"hoy babaeng kulay ulikba, pasalamat ka pa nga at sinasamahan pa kita, sa pogi kong to. tingnan mo ko babae, sa pogi kong to dapat yung mga chicks yung sinasamahan ko, hindi yung babaeng katulad mo" sabi ko habang turo turo ko yung muka ko. ganito talaga kami mag usap ni mia. ito kasing si mia napaka burara, nag aalala lang naman ako sa kanya ee, muka na nga siyang basura, mag mumukang pang basura yung kwarto niya.
"edi umalis ka. tae ka, sino ba nag sabing pumunta ka dito, aga aga nang iistorbo ka, ang yabang mo. pshh. umalis kna. BUWISIT."
"OO NA AALIS NA, PWEH, BUMANGON KNA HUH, MAY MAG OOPENING SPEACH AKO MAMAYA, WAG KA MALELATE, TSAKA ISA PA WAG MO KALIMUTAN MAG TOOTHBRUSH MAMAYA, BAHO NG HININGA MO EE" oo na masakit ako mag salita, e simula nung bata pa lang kami ganito na ko.
pre school days
"keano, sabi ni auntie mag laro daw tayong dalawa"
"bakit ayaw ba nila makipag laro sa baboy?"
elementary days
"huhuhuhuhu. susumbong ko kayo kay mama"
"hoy tigilan niyo nga si miabi, ang pangit na nga niya lalo niyo pa pinapapangit, pag di kayo
tumigil mahahawa kayo ng sumpa niya, magiging pangit kayo katulad niya"
highschool days
"anong ginagawa mo dito keano, diba pang umaga ka"
"feeling mo naman ikaw pinuntahan ko. pangit na pilingera, blehhhh"
college na kami ni miabi, pero di parin nawawala yung mga panlalait ko sa kanya, KSP ako ee, Kulang Sa Pagmamahal ni Mia, hahaha. corny ko no. bat ba kasi ayaw tumalab ng magic powers ko kay mia, mahalin mo lang ako mia, nasaakin na ang lahat.
"hoy kean, tulala kna naman, iniisip mo na naman si mia noh?"
"malabo na ata mata nung babaeng yun jojo" akala niyo si mia lang kaibigan ko no. nagkakamali kayo, kahit ganito ugali ko famous ako sa campus namin, mala daniel padilla ata ako kung dumamoves.
"pano mo naman nasabi?"
"ee di man lang niya mapansin tong kapogian ko"