Chapter 2

16 1 1
                                    

This chapter is dedicated to XxxalehsqoxxX :)

Anna's POV

Wow! Wow lang! Pinapunta ako sa Principal's office dahil tinulak ko raw si Amihan sa putik. Sino si Amihan? Si Christian. Amihan ang tawag ko sa kanya dahil sobra ang hanging dala niya. Pinaglihi yata to sa electric fan.

Tahimik ko lang siyang tinitigan--- hindi simpleng titig kundi DEATH GLARE. Ganun din ang ginawa niya, kaya tinindihan ko ang pagtitig. Hindi ako magpapatalo noh!

"Magtititigan lang ba kayong dalawa?" pagbasag ng Principal sa katahimikan.

"Madam. Principal, hindi niyo po ba siya paparusahan? Tignan niyo nga itong uniform ko? Ang aga-aga nagmumukha na akong basahan!" masungit na sabi niya. Inirapan ko siya. Ang arte! Kala mo babae. Bakla ata to.

"Hindi ko naman kayo tinawag dito para parusahan. Pagbabatian ko kayong dalawa." sabi ng Principal.

"Oh, narinig mo? Mag sorry ka na. Dali!" sabi ko sakanya habang naka crossed legs at crossed arms.

"Bakit ako? Ikaw kaya yung may kasalanan!" sagot naman niya.

"Hindi ko nga sinasadya diba?!" galit na sigaw ko sakanya. Argh! Sira na ang araw ko!

"Tumigil nga kayo!" sigaw ng Principal kaya natahimik kami.

"Sinasayang niyo ang oras ko. Anna, alam mo bang may mga bisita tayo kanina at nakita nila ang ginawa mo kay Christian?" tanong niya.
Anong pake ko sa bisita nila? Sirang sira na talaga ang araw ko.

"Baka may-misinterpret nila ang nakita nila kanina. Mga importanteng bisita pa naman ang mga 'yon. Baka isipin nilang hindi ko dinidisiplina ang mga estudyante ko." Habang sinasabi niya 'yan ay tinitigan ko lang ng masama ang lalaking nasa harap ko na busy sa pagtingin sa kanyang maduming uniform. Inalis ko ang tingin ko sakanya nang tumayo ang Prinsipal.

"May meeting pa ako. Hindi kayo aalis dito kung hindi kayo magbabati." yun lang at umalis na siya.

"Kita mo na?! We're stuck here!" sigaw ko kay Christian.

"I don't care! I don't want to go out with this uniform, anyway." sabi naman niya. Napahawak ako sa ulo ko. Walang kwenta tong lalaking 'to. Napabuntong hininga ako. Kung dito lang ako, let it be. Pero hindi ko na ulit kakausapin si Christian.

3rd Person's POV

Pumunta na ang principal sa meeting niya. Napaka importante ng meeting na 'yon dahil mahahalagang tao ang makakaharap niya. Ito ang tinutukoy niyang importanteng taong nakakita sa ginawa ni Anna kay Christian.

"Good Morning." bati niya sa mga bisita niya sa meeting room.

"Good Morning." nakangiting bati ng mga bisita niya.

"Let's proceed to our meeting, Mr. and Mrs. Holiday." sabi niya.

(End of Chapter 2)


It's ComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon