Prologue: Strangers

25.7K 495 74
                                    

Trigger Warnings: Anxiety, Depression, vivid descriptions of sadness and mentions of Suicide. If you are uncomfortable with any of these drop the story immediately. Read with caution please :)

Prologue: Strangers

Vienne Tamara Co

Binalanse ni Tamara ang lapis sa kanyang nguso habang hinihintay na may mag pasa ng test paper sa kanyang mga classmates. Ayaw niya kasi ng nauuna. Dalawa lang naman kasi iisipin ng iba sa kanya pag gan'on. It's either minadali niya ang exam or super talino niya at mabilis niyang natapos ito.

She's neither of the two. Wala na siyang mapiga pa sa kanyang utak kaya hindi na siya nagsasagot, satisfied na naman siya sa mga sagot niya sa papel kaya tinitignan nalang niya ang iba. Mabilis talaga siyang matapos sa mga exam. Ayaw niya kasing pinipilit ang sarili niya pag dating sa pag-aaral. Kaya pag wala na siyang alam then drop the ballpen/pencil na.

Finals exam na nila ang test na ito. Next week pa talaga ang exam week ngunit masyado atang atat ang Professor nila kay nagpa exam na ito.

Tumayo na ang babaeng nangunguna sa klase nila para mag pasa. Nag hintay muna siya ng ilang minuto bago magpasa rin. Dala na niya ang kanyang bag kaya lumabas agad siya ng room.

Alas tres palang ng hapon. On going ang klase kaya walang tao sa hall nang dumaan siya. She took it as a chance to take pictures. Just mindless stuff to post on her blog and instagram. She always has a videocam handy for taking videos too.

She took out her phone at vinideo-han ang paligid para sa kanyang vlog. Gagawa na naman siya ng panibago at part ito ng semestral break vacay vlog niya.

Naka on lang ang kanyang camera habang tinatahak niya ang daan palabas ng school. Lumiko siya patungong gate 3 dahil mas malapit doon ang sakayan ngunit may nakita siyang pamilyar na pigura na naka upo sa mga benches sa di kalayuan.

Just the person I want to see.

She turned the video off and skipped to where Logan was.

"You look lonely," puna niya agad at umupo sa kabilang dulo ng bench.

Bahagya itong ngumiti at ibinaba ang librong binabasa.

"What brings you here, Tammi?"

Ngumiti siya at tinanggal naman ang back pack na naka sukbit sa balikat. "Oh you know, giving a lost soul company"

"Lost soul?" Tinaasan siya nito ng kilay.

Naka ngiti parin siya. Walang ideya ito kung ano ang tinutukoy niya.

The truth is, she had been studying Logan Axel Dimaano for a while. There was something in him that spiked her interest. Nakilala niya ito noong naging member ito ng basketball team na kung saan member rin ang Kuya niya. Ka batch niya rin ito. Parehas na silang second year at ang alam niya ay Law ang course nito.

"I know a lonely person when I see one, Torrealba"

"What did you just call me?" Kunot noo nitong tanong.

"Torrealba. As in Logan Griffin del Fierro Torrealba ni Jonahmae Pacala a.k.a Queen J/Jonaxx ng Wattpad. It's a Jonaxx thing you wouldn't understand. Magkapangalan kasi kayo eh" she made a dismissing move with her hands. "Anyway, you see I'm very observant kahit na palagi man akong MIA napapansin ko naman ang mga tao sa paligid ko. And I noticed that you have been staring at the nothing in particular lately with something in your eyes, I really can't put my finger on it pero meron talaga. Hindi ko man na spot-an iyon ngayon pero madalas ka talagang tulala, at madalas ka ring mag-isa ngayon. Enjoying solitude? Nasaan iyong model na palagi mong kasama noon?" kumunot naman ang kanyang noo at lumapit ng kaonti dito.

"Curious girl, aren't you?" Lumayo naman ito at ngumiti lalo before holding his hands up in defense. "I don't know what you're talking about."

Mukha itong nagbibiro sa sinabi. He was no doubt amused with her being so straight forward.

"I get it," she pursed her lips. "You won't tell me the problem kasi kilala mo ako tapos hindi naman tayo ganon ka close. Sorry ha? May pagka FC talaga ako pag tinamaan ng topak. Anyway again, sabi nila it's better to tell your problem to a stranger and technically I was once a stranger to you kaya valid na naman siguro iyon para malaman ko kung ano'ng problema mo"

"Ang daldal mo," umiling-iling ito na para bang 'di maka paniwala sa mga sinabi niya. "Bakit gusto mong malaman?"

"I want to make you feel better"

"Pardon?"

"Ay bingi ka na ngayon?" She laughed. "Sabi ko I want to make you feel better. In tagalog, gusto ko mapagaan ang loob mo. Tama ba? Kung hindi hayaan mo nalang basta 'yon na 'yon"

Madalas naman niyang nakakausap si Logan. Lalo na tuwing tumatambay ang team sa bahay nila. At doon rin niya unang napansin na bigla itong matutulala na para bang sobrang lalim ng iniisip at mas napadalas iyon kaya heto siya ngayon, trying to pry the reason out of him. She knows how to work her charm at wala naman siyang masamang ginagawa bukod sa pagiging FC.

Umisod siya ng kaonti palapit dito. "Ganito nalang, kuwari hindi tayo magkakilala. So stranger ulit ako para sa'yo," inilahad naman niya ang kamay niya dito. Logan was grinning now.

"I'm Vienne Tamara Sy Co," siya na mismo ang nag abot ng kamay ni Logan at nakipag shake hands. "Gusto mo pa ng additional info? 'O sige, ako ang bunsong kapatid ni Viel Thomas, Viviene Tamia, at Vincent Tenxi Co. Nakatira ako sa bahay ng mga magulang ko at second year BM frustrated student ako sa San Antonio University. And you are?"

Logan shook his head. Magka hawak parin sila ng kamay hanggang ngayon. "I'm Logan Axel Fuentes Dimaano with no additional info"

"Ay boring," binitawan na niya ang kamay nito. "Nice to meet you Logan!"

"You're crazy, Tammi" He burst out laughing dahil sa takbo ng usapan nila.

"So I've been told," she just winked. "So care to jump to the real conversation now? Nakikita ko sa mga mata mo Logan, singkit lang ako pero hindi ako bulag. 20/20 pa ang vision ko. Marami akong napapansin kahit mala guhit nalang 'tong mata ko. I can see something in there na hindi napapansin ng iba"

Ngumiti ito at umiling. It took him a few seconds before muttering the word"Hell", finally caving in at bumuntong hininga. "You're right. I am lonely"

"See? Another additional info, I am never wrong, Logan Dimaano." 

****

Important Author's Note:

We deal with our demons differently. I deal with mine differently. Whatever I wrote here won't exactly help you get through whatever storm you're in right now. I hope it won't get to you the wrong way and think I am glorifying suicide, that wasn't my aim okay? I know it was risky for me to write that element and add it to the story. But I only wrote a story that helped me get through my own storm years ago. I wrote what I felt that time to make my reality better for me and hoping it will help others too. So anyway, Tammi is Tammi and you're you. You don't need to be exactly like her to get through your pain :)

Wander GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon