Natatakot Ako

111 6 0
                                    

"Sabi nga sa 1 John 4:18: There is no fear in love. But perfect love drives out fear, because fear has to do with punishment. The one who fear is not made perfect in love."

Pagkabanggit palang ng salitang love ay nagsiupuan ng maayos ang kanina ay mga inaantok na estudyante. Kapag talaga love na ang pinag-uusapan, nagiging alerto sila.

Kahit naman ako. Lalo na't mukhang patama na naman sakin ang Bible verse na binasa ng pastor namin para sa Chapel Service ng school.

"Alam niyo, normal lang sa atin ang matakot. Pero kung alam natin na ang ginagawa natin ay para sa mga taong mahal natin, kakayanin natin. Sabi nga nila, lahat ay hahamakin para lang sa pag-ibig."

"Tama!"

Natawa pa ng bahagya ang pastor ng sabay-sabay na sumigaw ang mga estudyante.

"Look at Jesus. Alam niya kung ano ang magiging kahihinatnan niya pero hindi siya natakot. Ipinangaral pa rin niya ang salita ng Diyos. Hinayaan niyang mapako siya sa krus. Why? Because he loves us. Ganung katindi ang pagmamahal niya sa ating lahat."

Huminga siya ng malalim tsaka kami tinignan.

"Sige. Para mas maintindihan niyo, gawin nating example ang pakikipagrelasyon."

"Ayyiiiie!"

Napailing na lang ang pastor namin tsaka muling itinapat ang mic sa kanyang bibig.

"Sa totoo lang, nakakatakot makipag-relasyon. Nakakatakot kasi hindi mo alam kung anong mangyayare. Papayag ba si Mama? Okay ba talaga 'tong nagustuhan ko? Baka naman, lokohin lang ako nito? O 'di naman kaya, crush ba ako ng crush ko?"

"Ouuch! Sapul! Ha-ha!"

"Sshh! Quiet!"

Napa-upo ulit yung estudyanteng sumigaw at napakamot na lang sa ulo nang sawayin siya ng istrikto naming Teacher.

"O, hindi ba nakakatakot? Pero kung talagang mahal mo siya, at siguradong-sigurado ka na sa nararamdaman mo, hindi ka magpapakain sa takot. Sisige ka pa rin. Dahil kung talagang totoo ang pagmamahal mo sa kanya, matatalo nito ang takot na nararamdaman mo."

Madami pang sinabi ang pastor namin pero parang nablangko na ang isip ko.

Sigurado ako sa nararamdaman ko pero bakit natatakot pa rin ako?

"Kaya kayo na mga pambato ng ating eskwelahan para sa iba't ibang sports, wag kayong matakot. Wag kayong matakot kung malalaki ang kalaban niyo, mga bihasa, o mas matagal na sa paglalaro. Kung talagang mahal niyo ang paglalaro, hindi kayo dapat matakot. Lalo na't kasama niyo ang Diyos sa bawat laban niyo."

Natapos na ang Chapel Service at nagsipuntahan na kami sa mga classrooms namin para kunin ang gamit namin. Kailangan kasi naming pumunta sa ibang school para suportahan ang mga pambato ng school sa Municipal Meet. Yun din ang main reason kung bakit nagkaroon ng Chapel Service.

Nagsialisan na ang mga classmates ko at excited na lumabas sa room para makasakay na sa mga sasakyan nila at makapunta na sa kabilang school. Mga varsity lang kasi ang ihahatid ng service ng school. Hindi ko alam kung dapat pa ba akong manood doon. Binuksan ko ang bintana tsaka ako tumanaw dito. Kita mula rito ang mga varsity na pasakay sa service ng school at kahit pare-pareho ng uniporme ang mga varsity ng Basketball Team ay kita ko pa rin siya.

"Uy! Hindi ka pa ba lalabas diyan? Baka wala na tayong masakyang tricycle!"

Tumingin ako sa best friend kong si Sandy.

"Sands, ayoko na atang manuod."

"Ano?! Ella naman! Magtatampo ang mga kaibigan nating varsity kapag hindi nila tayo nakita roon."

Natatakot Ako [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon