Chapter 4

6 0 0
                                    

Kadalasan, kapag ganun ako ay kinukulit niya ako. Tinatamad at inaantok daw siya kapag ang tahimik ko. Kaya madalas ay kung anu-ano ang ginagawa niya para mapasalita ako.

Kaya ikinagulat ko na halos kalahating oras na pala kami dun ay di pa rin niya ako kinukulit. Katulad ko ay nakatitig lang din sya sa karagatan.

"Ang sarap ng ganitong pakiramdam 'no? At peace ka," aniya.

"Ano nakain mo at naging ganyan ka?"

"Masama ba? Ang tagal ko nang hindi nararamdaman 'to and hopefully, matuluy-tuloy na."

"Hindi naman. And good for you kung ganyan na nararamdaman mo," sabi ko sa kanya. Alam kong may hindi siya sinasabi sa akin.

"Alam mo, I never thought this day would ever come," ang mahina niyang sabi.

"What do you mean?"

"Nothing. nothing."

"Alam mo ikaw kanina pa ako nawiwirduhan sa 'yo ah. Kinakabahan na ako sa 'yo. Ano ba kasing meron sa 'yo?" Kinakabahan na nga ako sa gagawin kong araw tapos ganiyan pa siya. Balak niya ba talaga akong patayin?

"I know I was always stiff, always on guard, everytime we're together. You know why," aniya.

"Eh bakit ngayon biglang nag-iba?"

"Let's just say things got better for us."

"Ang labo pa rin, eh," sagot ko.

Lampas isang oras pa kaming naupo dun. Kung pwede nga lang buong araw na. Kaso tulad nga ng napag-usapan namin kanina, siya ang masusunod pagdating ng hapon.

"Saan na tayo kakain?" tanong niya. Ang takaw niya talaga kahit kailan.

"Kakakain lang natin kanina, kakain na naman agad?"

"Sus kunwari ka pa, gusto mo rin naman. Alam mong ito ang bonding moment natin."

Nagdesisyon siyang kumain kami sa Army Navy. Pareho naming paborito yung burger at fries nila. Pumili na siya para umorder habang ako naman ay naghanap na ng mauupuan.

Wala pa masyadong tao nun kaya madali siyang nakaorder. Umupo siya sa tapos ko at may inabot na envelope.

"Mamaya mo na buksan 'yan," utos niya.

"Ano 'to?"

"Basta."

Tinawag na ang numero namin kaya bumali na siya sa counter. Nagtaka ako nang pagbalik niya ay nakabalot sa paper bag ang mga pagkain namin.

"Doon tayo sa kotse kumain para mas maenjoy natin."

Dumiretso kami kung saan nakapark ang sasakyan niya.

Pagkaupo na pagkaupo namin ay kumain na agat siya ng burger. Gutom na nga siya.

"Ang takaw mo talaga," pang-aasar ko.

"Kaya mo nga ako mahal eh. Dahil may kasabayan ka sa pagkain." Di ko masyado maintindihan ang sinasabi niya dahil kain pa rin siya ng kain.

Di ako nakasagot sa sinabi niya.

"O bakit ikaw hindi ka pa kumakain? Sige ka, 'pag di mo pa kinain 'yan, I'll all of those," ang patawa niyang sabi.

"Ito na, kakainin na."

Matapos kumain ay nagpahinga kami saglit sa loob ng kotse niya.

"Huy mukhang inaantok ka na sa sobrang busog ah," aniya sabay pisil sa kamay ko. Ngayon lang niya hinawakan ang kamay ko mula nang magkita kami kanina. Hindi pa rin talaga siya handa na makita kami ng ibang tao.

Sa hindi ko ring malamang dahilan ay inalis ko ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak na siyang ikinagulat niya.

"Bakit? May problema ba?"

"Ah wala, inaantok lang ako. Di ko nga naintindihan masyado yung sinabi mo," ang palusot ko.

"Oh sige matulog ka na muna, magdadrive na ko sa susunod nating pupuntahan," tugon niya.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Basta."

"Wag mo ko kikidnapin ha," pabiro kong sabi.

"Ewan ko sa'yo," ang pabiro rin niyang sagot.

Saglit lang ay nakatulog na nga ako. Pagkagising ko ay nasa East Avenue na kami sa Quezon City.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya pero di siya sumagot. Inusisa ko siya kung saan kami pupunta.


Tulad ng DatiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon