Natapos naman ng maayos ang klase sa ngayon. First day palang yun ha -_-
"Namy tara na"aya niya sakin pauwi. Kahit hindi na niya ako ayain uuwi talaga ako.
Pagdating namin sa parking lot huminto muna ako kaya huminto rin siya.
"Oh bakit?"tanong niya. Humarap muna ako sa kaniya bago ako magsalita.
"I'll drive"sabi ko.
"Huh? Bakit?"
Binigyan ko siya ng isang Death glare.
"O ito na" binigay niya sakin ang susi ng sasakyan niya.
Lumakad na ako at binuksan ang pintoan ng driver's seat ng sasakyan niya. Nang makapasok na ako hindi ko pa inistart ang engine ng magtanong siya.
"Nga pala Namy anong nangyari kanina sa room bakit ang kalat?"
"Don't know"tss. Pakialam ko doon.
"Ganda na naman ng sagot mo"
Yeah right -_-After 5 minutes nakarating na kami.
Bumaba kaagad ako at binigay sa kanya ang susi ng sasakyan.
"I'll live in my condo"sabi ko sa kanya.
"Huh? Bakit?"
"You know I don't like this place"
"E paano ako dito?"
"I don't know but you can visit me there but first you need my permission"
"Really? Ok ^_^"
Lumakad na ako at pumili ng sasakyan na gagamitin ko.
Nang makapili na ako, sumakay na ako at umalis.
Alam na ni Mandy kung bakit ayaw kong tumira doon. Ang pupuntahan ko or I should say ang titirhan ko ay sariling akin.
Yes, for now yung mga allowance lang muna ang ihihiram ko sa kanila para dito sa pag-aaral ko.Nang marating ko na ang building kung saan ang condo ko. Bumaba na ako at pumasok sa building.
Tamang tama ang pagpasok ko dahil kakaopen palang ng elevator.
Pumasok na ako, I click the 12 bottom because my condo is in the 12 floor.
*Ting*
Lumabas na ako ng elevator at hinanap ko na ang number ng condo ko 123.
Nang mahanap ko na I put my passcode.
Pagkapasok ko I open the curtain dito sa living room. Buti nalang alagang alaga nila ang condo dito. Malinis parin at maayos.
Pumunta muna ako sa may kusina then I open the refrigerator. Kumuha ako ng egg and fresh cornbeef. Buti nalang sinabihan ko sila na maglagay ng mga pagkain dito sa refrigerator kaninang umaga.
I cook the egg with the cornbeef. Nang maluto na kinuha ko na at nilagay sa plato.
Umupo na ako at kinain ang pagkaing niluto ko.
Habang kumakain ako may narinig akong ingay sa may veranda ng condo ko.
Tumayo ako at pinuntahan ang veranda. Binuksan ko ang sliding door at tinignan ang labas pero wala naman akong nakita.
Papasok na sana ako ng--
*Blaaggg*
Nahulog ang flower vase galing sa ibabaw ng lamesa.
"Uuh shit" narinig kong may nagsalita sa ilalim ng lamesa.
"Who's there?"tanong ko.
Linapitan ko ang lamesa at tinignan ko kung ano-- or I should say sino ang nasa ilalim ng lamesa.
"Who are you?"
"Shhhh"
"What are you doing there?"
Cold na pagkakasabi ko."Shut up"
"At bakit ako tatahimik e ikaw nga tong kung ano anong ginagawa diyan sa ilalim ng lamesa KO" inemphasize ko ang word na KO para malaman niya na hindi niya teritoryo to.
"Tumahimik ka muna pwede? Tignan mo nga kung meron pa bang tao diyan sa kabilang veranda." Ako pa talaga inutusan huh?
"At bakit ko naman susundin yang gusto mo aber? Sino ka ba? Who are you para sundin yang gusto mo?" Sino siya para sundin ko yang gusto niya close ba kami? Ni hindi ko nga ginagawa ang gusto ng pamilya ko siya pa kaya na hindi ko kakilala.
"Basta.sundin.mo.bilis" May diin at maowtoridad niyang sabi.
"E kung ikaw nalang kaya yung gumawa, ikaw may gustong malaman kung mayroon bang tao diyan" tsk. tong lalaking to ang rami kong nasasayang na laway.
"Tsk. umalis ka nga" tinulak niya ako. Anong akala niya sakin tutumba nalang basta basta?
"Umalis ka na nga dito"
Tinulak tulak ko siya."Don't.touch.me"
"Layas"
Hindi na siya sumagot at umalis na. Ginamit niya ang mga blocks na pwedeng daanan papunta sa kabilang veranda.
Nang masiguro ko ng wala na siya pumasok na ako at sinirado ang sliding door ng veranda.
Iniligpit ko nalang ang pinagkainang pagkain ko. Ang natira ay nilagay ko sa ref. at pumunta na ako sa may lababo at hinugasan ko ang aking kamay.
Umakyat na ako sa kwarto ko-- yeah mayroon pang second floor ang condo ko.
Binuksan ko ang pintoan at sinirado ng makapasok na ako at humiga sa kama ko.
Next day
Pagkarating ko sa school ganun parin ang mga tingin nila sakin.
"Namy!" Narinig kong sigaw ng isang babae.
Hindi ko na liningon dahil alam ko na kung sino yun.
"Kamustang tulog natin kagabi Namy?"tanong niya.
"Pwede ba tigilan mo muna ako Mandy"
"Ok fine. Nagtatanong lang e"ilang sandali pa yung mga studyante dito ay busy sa kakasigaw.
"Waahhh! Andito na sila"
"Myghod andito na sila! Friend ok lang ba ang makeup ko?"
"Oo nga friend andito na sila. Ok lang yung makeup mo friend e yung sakin?"
"Ok din friend"
"I'm gonna die myghod!!"
"They are freaking hot"
"So noisy" ano bang problema nila at ang ingay ingay nila?
"Tara Namy tignan natin"
"Let's go"
Hinila ko na siya baka matulad siya kagaya nila.Lakad lang kami ng lakad ng---