Part 1

127 5 1
                                    

Part 1

"Yna sige na! please!"

 "ayoko! tinatamad ako"

 "eeeh??? sige na! tulungan mo na ako! pretty please!"

 "ah basta! A-YO-KO! at isa pa kaya mo naman yan! ikaw pa"

 "YNA! YNA!" ay lecheng babaeng 'to oh! yugyugin banaman ang natutulog.... natutulog nga ba??? grrrrr!!! kahit na...

Bumangon ako at hinampas siya ng unan.

"aray ko naman, Yna! napakasadista mo talaga!" reklamo niya

 "che! lumayas ka nga! ang ingay-ingay mo! di ako makatulog!" pagtataboy ko sa kanya

 "AYAW!"

 "edi bahala ka dyan"

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------> Si Yna -___- 

Nahiga ako at nagtaklob nang kumot. Kung ayaw niyang umalis, edi bahala siya dyan. Basta ang akin lang ay matutulog ako.

Nakakabwisit lang kasi eh! hindi ako nakatulog ka gabi dahil sa kagagawan ng lintek na babaeng nakaupo sa gilid ng kama ko! arrrgghh! 

Sino ba namang matinong tao ang mambubulabog sa kalagitnaan ng gabi para lang ibalita na sila na ng   kanyang manliligaw, which happens to be my crush.

Pero ang tanong, crush ko lang ba o mahal ko na talaga??

Siguro, mahal ko na talaga.... dahil hindi naman mamamaga 'tong mata ko sa kakaiyak ka gabi nang malaman kong sila na, yun nga lang hindi 'to alam ng kaibigan ko at wala na akong balak sabihin 'to sa kanya.

Para ano pa????? 

Kahit masakit ito para sa akin, kakayanin kong maging masaya.... LIAR!

Pero .... kailangan eh... I have to let him go.... 

Sa ngayon muna hindi ko pa kaya, dahil ang sakit sakit.... SUPER SHAKEEEET! ayaw tanggapin ng puso't isipan ko na wala na akong pag asa... na may mahal na siyang iba.... at ang malala pa dun eh yung kaibigan ko pa!

Bakit kasi hindi nalang ako???

Bakit kasi siya pa???

Di hamak na mas maganda naman ako ah! dba??? sexy at talented pa. Lahat nang katangian ng isang babae na gusto ng mga lalaki nasa sa akin na... pero bakit hindi ako yung minahal....

For almost 2 years, hindi ako tumanggap ng manliligaw, binansagan pa nga akong 'MAN HATER' dahil sa hindi pa nga nanliligaw yung lalaki eh basted na kaagad... masisisi niyo ba ako??? dahil siya lang naman yung hinihintay ko....

Isa lang naman kasi yung gusto ko eh, yun bang mapansin niya din ako... kaso paano niya ako mapapansin kung may nakaharang naman....

*** FLASHBACK***

Nagulat ako nung tumunog yung phone ko... 

sino kaya 'tong hinayupak na tumatawag?? lintek naman oh... sarap na nang tulog ko eh, tapos may umepal pa... mag kikiss na sana kami eh ... grrrrrr...

"hello,sino to" 

"...."

"hellooooooo, yooo hooo" 

"...."

"LINTEK naman oh! sino ka ba ha??? alam mo bang inistorbo mo yung pagtulog ko ha! kung ayaw mong magsalita, ibababa k-------"

 "teka... sandali lang"

"tsk. anong kailangan mo?? ay teka sino ka ba?"

"sorry... si Mikey pala to"

napabangon ako ng di oras... paano niya nakuha yung number ko??? sa pagkakatanda ko, wala naman akong pinagbigyan ng number ko ha?? maliban nga lang kay Yali... ibig sabihin nito napansin na niya ako??? really??? 

"ah eh.. kaw pala Mikey"

di ko maiiwasang hindi mapangiti... ang lapad lapad nga eh ^___________^ .... kaso nawala ito ka agad nang mabatid kong hindi pala ako yung dahilan ng pagtawag niya.....

Nakaka inis lang eh noh? bwisit! nakaka badtrip! syete assuming kasi Yna eh!

kung sakin lang naman kung gusto niyang mangamusta kay Yali, pwede namang tanungin niya dun sa kanya ng deretso, hindi na ako pa yung tatanungin dba?? ano ako sa palagay niya siya???

At mas kumulo pa yung dugo ko nang humingi siya ng pabor sa akin na magpapatulong siyang manligaw kay Yali...

AY LECHENG LALAKING TO OH! di niya ba alam na dinudurog na niya 'tong puso ko sa pinanggagawa niya!! at mas pinamumukha niya pa sa akin na ........ grrrrr.... oh siya si YALI na .... si YALI na maganda, mabait, sexy ... eh ako ??? maganda naman ako ah saka sexy pa kaso BITCH nga lang... arggghh kainis!!!! 

Hindi ko namanlayan na umiiyak na pala ako kaso hindi ko nakayanan.....

the next thing i know .... everything went black

*** END OF FLASHBACK ***

The Last NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon