Crush (one shot)

59 3 0
                                    

First day of class ngayon may mga new students. Pero kahit mejo marami sila sa iisang tao lang ako nakatingin. Hihihihi. Sa iba new face siya pero sakin hindi na. Nakilala ko na kasi siya last year pa. Second section siya kaya hindi masyadong nahahalata pero my gulay ang talino niya. Kaya ko nga siya nakasama eh…

Umpisa pa lang alam ko nang maraming magkakacrush sa kanya kaya nga sinabi ko nang hindi na ko sasali sa kanila eh. Umpisa palang tinatak ko na sa isip ko yung salitang  “HINDI!!!”.  Kaso as time pass by naging close kami eh. At hindi yun nakatulong. Lalong lalo na yung mahaba niyang eyelashes na nagpapaganda sa mga mata niya. Yung matangos niyang ilong at ang chubby cheeks niya. Sama mo na ang fair white complexion niya at yung height. Tipong na sakanya lahat ng hinahanap ko sa dream guy ko.. *sigh

May bestfriend ako at lagi kaming magkausap, siya si Celine.

“Ang gwapo ni Nathan diba?”

tanong niya sakin sa telepono.

“Oo. Pero promise hindi ako magkakacrush sa kanya.”

Lakas ng loob ko no.

“bahala ka.”

Sagot nalang niya.

Patagal ng patagal lalo kaming naging close kaya di ko na din napigilan.  Sinabi ko din naman agad kay Celine. Di ko rin kayang itago sa bestfriend ko noh. Kaso kinabukasan pagpasok ko sa room sa blackboard may malaking heart tas nakasulat sa loob “Ally♡Nathan”.. Grabe super napahiya ako. Wala silang ibang ginawa kundi asarin ako kay Nathan. At simula ng araw na yun lumayo siya sakin. L

Pero hindi rin niya ata ako matiis kasi naging close ulet kami ;) Mas close na this time. Napagalamanan ko din na crush din siya ni Celine. Mula noon di na kami close. Naiinis kasi ako sa kanya eh. Sino bang hindi diba?

Isang taon din lumipas at naging sila ni Celine. Nagulat ako pati narin mga kaibigan namin. Ako? Hindi lang nagulat syempre nasaktan din. Hay. La ako magagawa siya pinili eh :’( Pero kahit sila kita mo sa mata ni Nate na hindi siya masaya. Ewan. Lagi padin kaming magkausap ni Nathan at nung minsan tinanong ko siya. Random lang. Sinong crush niya. At ang sinagot niya

“ikaw at si Celine.”

Tipong bored pa yung boses niya. (shet.!) ako naman 0______0

“ha?”

hahahaha.

“ikaw at si Celine. Ikaw top 1.”

Ohmygulay! Hahahaha.

“aaahhhh..”

uyyyy, speechless ako. Hahahaha. Hindi rin sila nagtagal (buti naman)..

Kaso after naming grumaduate di na kami close. Tapos after 1 year nagkaroon siya ng seryosong relationship. Pero wala na kong crush sa kanya. Ata? Di ako sigurado. Naguguluhan pa ko. Nung una siguro dahil namiss ko lang bestfriend ko. Kaso hindi eh. Pagnamiss mo ba bestfriend mo dapat may kilig? Hindi naman di ba. So hanggang dito muna. I’ll try to figure my feelings first at KAPAG may nangyari itutuloy ko to. ;)))))))) Di naman masamang mangarap diba? Actually siya talaga dream guy ko…Pero hanggang dream guy nalang ATA talaga siya. J

~Hiscuteidiot♡

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon