JAK Chapter 1

39 1 0
                                    

Kath's P.O.V
"Anong ginagawa mo?"

Tanong ko sabay lapit sa nakita kong batang nasa damuhan.

Nasa farm kami na pag-aari ng pamilya ko para sa birthday celebration ng aking ama.

Napatigil sa paghuhukay ang batang lalaki at napatingin sa aking mukha.

"Ano ba'ng pakialam mo?"

Nakakunot noong balik tanong nito sa akin.

"Hala ka! You're playing with dirt and you'r filthy. Kanina ka pa hinahanap ni Tito. Isusumbong kita sa papa mo."

Tatalikod na sana ako para bumalik sa rest house nang pigilan ako nito sa kamay.

"No, don't. Please?"

Anito sa nakikiusap na boses at agad nitong inayos ang sambakol na mukha.

"Gagawin ko ang lahat ng gusto mo, huwag ka lang magsusumbong."

Natigilan ako. Inilapat ko ang aking hintuturo sa aking sentido na kunwari ay nagiisip.

"Okay, hindi na ako magsusumbong kung papayag kang maglaro tayo ng bahay-bahayan pagkatapos mo diyan."

"Bahay-bahayan? Ayoko nga. Pambabae lang iyon, eh. Saka pambata lang iyon."

Sabi nito, sabay bitaw sa kamay ko. Pinagpag ko ang duming naiwan nito sa aking kamay.

"Ayaw mo?"

May halong pananakot na tanong ko sa kaniya. Tiningnan ako nito nang masama, kapagkuwan ay tila nag-isip siya.

"Sige na nga. Diyan ka lang sa tabi." Pagpayag niya kapagkuwan.

Napangiti na lang ako. Hindi ako sumunod sa utos niya. Humakbang ako para makalapit sa kaniya.

"Ikaw si Daniel, di ba? We go to the same school. I always see you in school but I didn't know our daddies were friends."

Kibit-balikat ang isinagot niya nang hindi lumilingon sa akin.

"Ako nga pala si Kathryn, Kath for short. You know what? My friends say you're a bad boy but I don't believe them. Kaya mo lang naman sinuntok 'yong classmate mo ay dahil binu-bully niya 'yong friend mo, di ba?"

Humarap siya sa akin. "How did you know that? Malayo ang rooms ng nursery sa grade two."

Nag-init ang aking mga pisngi. "I-I... Pumupunta kami ng mga friend ko malapit sa room n'yo." Sabi ko sa maliit na tinig.

"Bakit kayo pumupunta roon, eh, ang layo n'on? Saka bakit ka namumula diyan? Crush mo rin ba ako? Marami nang girls ang nag sabi sa aking crush nila ako."

Napalitan ng nanunudyong ekspresyon ang mukha niya. Huminto na siya sa pagbubungkal ng lupa at tuluyan nang tumayo at humarap sa akin.

"Of course not! Hindi kita crush, no?"

Agad na tanggi ko habang pinipigil ang ngiti.

"Ow? Crush mo ako, eh. Uuuy, crush niya ako."

Patuloy na panunudyo niya sa akin habang may halong pagkaaliw sa mukha niya.

"Hindi sabi, eh! Ibang guy ang crush ko." Hindi makatingin kong sabi.

"Talaga? Mabuti naman. Kasi, I already have a crush on someone. Her name is Zharm. She's in fifth grade and she's very pretty and intelligent. And she's not fat like you." Parang nangangarap pang sabi niya.

Irritation and embarrassment flooded me after hearing the word he used to described me. All thoughts of liking Daniel instantly flew out of my young mind. Clenching my hands into tight fist, I said between gritted teeth,

"Really? You know what? You sure aren't as handsome as the guys in grades five and six are. I bet Zharm wouldn't even glance at you. At saka maliit ka for an eight year old. Ang payat-payat mo pa." Sabi ko.

I saw anger in his eyes but that didn't stop me from insulting him.

"Ang sabi ng pinsan ko, kapag maliit 'yong boy for his age, hindi pa raw... Nasi-circumcise ba 'yon? My cousin was circumcised days after he was born kaya matangkad siya kahit magkaedad lang kayo. Kaya ka siguro pandak because you'r not circumcised yet."

Bago pa man ito makasagot ay tinalikuran ko na siya at mabilis ang aking mga hakbang na lumayo sa kanya. I walked away with a smug and triumphant look on my face.

---------------------------------------------------
Pasensya na guixt kung matagal kong nai update ang chapter one..busy kasi sa lahat ng homeworks ko and activities..ngayon lang talaga ako nagka roon ng time..sorry.
Don't worry babawi ako sa susunod na U.D ko..Gagalingan ko ang pag iimagine..haha

XOXO
TheForeverSpoiledGirl
JNaiza

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just A KissWhere stories live. Discover now