Chapter 1

7 0 0
                                    

Shanaia Leigh Santos's POV

"Mommy! Mommy nasaan ka? Mommy na ako! Huhuhu." Sigaw ko habang nagtatago sa ilalim ng baul dahil may mga masasamang loob na pumasok sa bahay namin. Naiwan kami sa bahay ni mommy dahil magtatarabaho pa si daddy sa ganitong oras. Bigla-biglang bumukas ang baul at nakita ko si mommy.

"Anak, shhhh. Wag kang maingay. Baka marinig ka nila. Ganito nalang, kakantahan kita ng paborito mong kanta para makatulog ka na okay?"

"Eh mommy, *sniff* paano po kayo? *sniff* Wala papo si daddy at wala pang magliligtas saatin?"

"Wag kang mag-alala anak, kayang kaya ni mommy lahat." nakangiting saad ni mommy.

"Scrolling through my cellphone, from the 20th time today. Reading the text you sent me again, though I memorized *sniff* anyway. It was an *sniff* afternoon in December- I love you anak, pakabait ka ha? Mahal na mahaaaaal kita *sniff*." pahikbing sabi ni mommy saakin habang mahimbing akong natutulog.

"HULI KA! HAHAHAHA! Akala mo matatakasan mo kami? Ibigay niyo na kasi lahat ng ari-arian niyo misis para wala nang gulo, at saka para di na madamay yang prinsesa niyo. Sige ka, pag di namin nakuha lahat ng gusto namin, anak niyo nalang ang kukunin namin. Ang saya diba? HAHAHAHA!" Nanlaki agad ang mga mata ni mommy sa narinig.

" Oo. Ibibigay ko lahat ng meron ako. Pero pakiusap, don't ever touch my daughter. Kahit ako nalang. Wag siya." At napatingin si mommy sa natutulog na ako.

"Ganyan! Aba eh ang dali naman palang kausap itong babaeng to eh! Anak lang ang katapat! Sige! Kunin mo lahat ng kayamanan meron ang bahay na ito!" Sabi ng magnanakaw sabay tutok ng baril sa mommy ko.

Nang maibigay na lahat ni mommy, biglang may tumunog na sasakyan ng mga pulis at natakot ang mga kawatan. Sa pagkataranta, biglang nabaril ng isa si mommy sa leeg at tuluyan na itong namatay.

"AHHHHH!" Mommy! Napanaginipan ko na naman yung nangyari. 9 na taon na ang nakapalipas nang mangyari ang pinakamatinding trahedya sa pamilya ko, lalong lalo na saakin.

"Hija! Jusko ano bang nanyayari sayong bata ka!" sabi ni Manang Belen. Si Manang ang tumayong nanay ko simula nung namatay ang Mommy ko. Mga nasa mid-30's na si Manang at wala itong pamilya. Sila lang ng bestfriend ko ang hindi ako sinisisi sa pagkamatay ni mommy. Pati sarili niyang Daddy sinisisi siya eh.

"Manang, napanaginipan ko na naman si mommy. 9 na taon na ang nakalipas pero hindi ko parin siya mawala sa isip ko. Manang I'd better find a psychologist bago pa ako mabaliw."

"Sige hija, para naman matahimik kana. Halika na't kakain na tayo, nauna na pala ang daddy mo as usual eh. Pero may bisita ka sa baba, si Andrei." Andito bestfriend ko? Yes! Hahaha araw-araw naman kasi akong pumupunta sa kanila pag walang pasok, eh himala ata at siya yung bumisita ah! Naks!

"Sige manang, mag-aayos lang po ako."

Pagkatapos kong maligo at magbihis, dali-dali akong bumaba sa mahaba naming staircase at nakita ko ang mukha ng bestfriend ko sa baba na parang malalim ang iniisip.

"Hoy bakulaw napadaan ka? Naks ikaw na bumibisita sa ak-"

"Aalis na ako Shan."

----------------------------

Omgeeee hi po hihi :) Sorry po kung medyo boring yung first part pero babawi po ako! Promise ;)

Media: Andrei's picture (Jin of BTS) *O*

Enzeleeey xx

12:51Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon