Shemeri shukali 2.

18 1 0
                                    

"Teka... bat parang..." dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko at napagtanto kong..

"Dugo nga. Tsk. Akala ko nakaligtas ako ngayong araw. Madagdagan na naman ang kagandahan ko. Hays." Bumutong hininga na lang ako at napagpasyahan kong gamutin ko na noo kong nagdudugo. Kundi lang kita mahal Sky. Hays.

Bat ba kasi hindi nya maintindihan na para sa kanya din naman yung ginawa ko. Yung dahilan na kung bakit sya nasaktan. Hindi nya talaga pinakinggan yung explanation ko na para sa kanya yon. Para sa buhay nya yon. Para saming dalawa yon. Buong buhay ko wala akong ibang minahal kundi sya. Sya lang hanggang sa mamatay ako. Handa na nga akong mamatay para sa kanya nang wala syang kaalam alam. He's my husband for pete's sake. And wala syang tiwala saken. Ay mali! Nawalan pala sya ng tiwala saken.

We used to be happy. Bulong ko sa sarili ko. Aminado naman akong ako may kasalan pero para saming dalawa yon. My sacrifices are worthless. Minsan naiisipan ko na ding sumuko pero para sa kanya kaya ako patuloy na lumalaban.

7 years ago has past. I used to be his Queen but look at now. He didn't gave me chance to explain. After what I have done, he was hurt. Really hurt. Pero tinanggap nya pa din ako. Hindi nya ko hinyaang magpaliwanag, ito pala sukli non. Hahahaha.

Naayos ako ng upo sa kama saposapo pa din ang noo kong kinold compress ko dahil bigla kong narinig ang pagpasok nya. Nakayuko lang ako dahil ayoko syang tingnan sa mata. Kahit ayun lang yung bagay na gusto kong makita habangbuhay. Narinig ko syang pumasok sa banyo. Papasok na nga pala sya! Ano ba yan heaven! Drama kasi ng drama ang kagandahan ko.

Tumayo ako para magsimulang maghanap ng suit.
At syempre yung paborito kong suit nya yung inilabas ko. At tinernohan ko ng regalo ko sa kanyang necktie na royal blue. Actually, shades of blue yung niregalo ko sa kanya pero hindi nya pa nagagalaw. Napaka talaga nung gwapong unggoy na yon. Nilapag ko ng maayos sa kama ang mga hinanda kong susuutin nya. Tsaka ko lumabas ng kwarto para kumuha ng band aid at maglilinis ako sa Salas.

Sorry Husband.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon