SOMEONE'S POV
"Guys! Guys! Guys!" sambit ng isa naming classmate habang hinihingal at takot na takot.
"Weehoooo. Anong balita Frost?" tanong ng isang basagulero naming classmate.
"Si M-Ms. C-Corp-puz..." takot na takot niyang sinasabi. Pinapanood ko lang ang galaw niya. May kakaiba.
Tumahimik ang buong klaseng kanina ay napaka ingay. Bumaling lahat sila kay Frost.
Tumayo ako at lumapit sakanya.
"Continue Mr. Frost." I smiled devilishly.
"M-Mr. P-President." tinapik ko siya sa balikat saka sumandal sa pintuan.
Naghihintay lahat ang buong klase sa dagdag ni Frost.
"Si Ms. Corpuz.. Natagpuan ang bangkay niya sa may flagpole.. ngayon ngayon lang nakita." umiyak siya. Tss. Nerd.
Nagbulung-bulungan lahat ng aking mga kaklase.
"Paanong nasa flagpole ang bangkay niya kung kaninang nalagpasan namin yun ay wala pa naman?"
"Kadadaan ko din kanina doon. About 10 minutes ago. Bago ka pumunta dito."
"Sino naman ang walang hiyang gagawa nun sa teacher natin?"
Habang busy sila sa pagtatanong kung paano nangyari yun ay tinignan ko naman ang kabuoan ng klase.
May kulang.
Ito ang huling subject namin sa hapon. Nandito siya kanina nung unang dalawang klase namin sa hapon na ito. Paanong wala siya ngayon?
Nag iiyakan lahat ng biglang may pumasok sa pintuan.
Pinagmasdan ko siya habang naglalakad papunta sa kanyang upuan. Iniligpit niya lahat ng kalat sa mesa niya saka siya umupo.
Hindi ko siya pwedeng gawing suspect dahil isa lang siyang ordinaryong estudyante na kagaya ko. Pero nakapagtataka dahil wala man lang siyang reaction. Deretso ang tingin niya sa mga kaklase naming nag iiyakan.
"Tama na yan. Lumabas tayong lahat at puntahan natin ang bangkay ni Ms. Corpuz." I declared.
Nagsitanguan silang lahat at agad na kinuha ang kani-kanilang gamit sabay labas sa pintuan ng classroom.
Sinabayan ko silang maglakad patungo sa office.
Roshean's POV
Tinanggal ko ang aking glasses nang makitang nawala na lahat sila sa aking paningin.
Paano nila iiyakan ang taong hindi naman nila kilala? Guro namin siya, yun lang ang alam nila. Mabait, matulungin, masipag, yan ang description nila sa babaeng yun.