Class President.
Trigo's POV
It's been two days simula nung pangyayaring yun. Mas naging maingat ang lahat nang estudyante lalo na sa classroom namin dahil natatakot ang iba na baka sa class namin ang sunod na may mamatay.
Kahapon nagpatawag ng meeting ang Dean para paalalahanan ang lahat sa brutal na nangyari kay Sir Hidalgo, Ms. Corpuz at sa estudyante ng grade 11.
Kaming mga grade 12 naman ay abala padin sa pagmamasid ng mga tao sa eskwelahan lalo na't umalis pa ang isang bodyguard namin dito.
Habang naglalakad ako papuntang classroom namin ay namataan ko ang isang tao na nasa itaas ng bubong. Hindi ko makilala kung babae o lalake ito dahil naka suot siya ng jacket na black, pati pantalon at sapatos ay itim din.
Tumakbo ako para lumapit pero biglang nawala ito sa paningin ko dahil biglang may nagsalita.
"Anong tinitignan mo?" seryosong tinig ng babae. Lumingon ako.
"N-Nothing.. I'm just looking something." tumingin siya ng deretso sa aking mga mata.
"Like what?" nagtaas siya ng kilay.
"I can feel that there's something weird with this class. This school!" medyo napasigaw na sabi ko.
Umiling siya at naglakad papunta sa loob ng klase.
Weird. Ngayon lang siya naki-alam sa ginagawa ko and sh!t first time niya akong kausapin. Almost 6 years ko na siyang classmate pero yun palang ang unang pagkakataon na kausapin niya ako.
Umiling nalang ako saka pumasok nadin sa loob.
"Trigo, anong gagawin mo pag ikaw ang sunod na papaslangin?" lumapit ang isa kong classmate sa upuan ko. Wala ang teacher namin dahil pinatawag sa office. Kumunot ang noo ko.
"Why are you asking?" kunot noong tanong ko.
Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko.
"Wala naman.." he laughed. "Gusto ko lang malaman kung hanggang saan ang kaya ng aming 'CLASS PRESIDENT'. Anong kaya mong gawin para sa amin?" he smirked devily.
"Can you die for us?" singit ng isang malamig na boses.
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses.
Roshean.
"Why would I do that? Bakit ko itataya ang buhay ko?"
She smirked. "Mamaya baka ikaw na ang magustuhan niya."
"Woah! Isang Roshean Douzwell kinakausap ang Class President! sigaw ni Wave.