Chilleeze's POV
"Kung itinadhana talaga kayo para sa isa't isa, magiging kayo talaga. "
Yan ang pinakamagandang linya na nabasa ko noon sa lumang library sa school namin noong Grade six ako.
Ewan ko ba . Eh ang bata bata ko pa noon pero iyon pa talaga ang tumatak sa isip ko. Ano ba namang malay ko sa tadha-tadhana diba?
Pero dahil sa nangyari sa akin ngayong 25 na ako, mas lalo akong naniwala sa kasabihang iyon.
FLASHBACK
13 years ago"Maaaaa! Nasaan po si Peechy? "
Hinahanap ko yung aso ko. Nawawala kasi eh bigay pa naman ng tita ko yun kaya mahalaga yun sakin.
"Nandyan lang iyon kanina Chi. Tingnan mo baka lumabas na sa bahay yun. "
Agad akong tumakbo palabas dahil nakabukas nga yung pinto. Hala! Baka lumabas nga si Peechy :'
"Peechy! Peechy! "
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa nakarating ako sa park. Pero hindi ko parin nahahanap yung aso ko.
Tumakbo ulit ako kaya lang may bato pala sa daanan kaya nadapa ako.
TT_____TT ang sakit! Mama! HuhuhuhPinilit kong tumayo. Papagpagin ko na sana yung kamay ko ng may napansin akong picture.
Picture ng isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay kaedad ko lang.
:'> Ang gwapo nya naman. Pansamantala kong nakalimutan yung sakit ng sugat ko sa tuhod.Itinago ko yung picture kasi wala na namang bata na nandun sa park kaya panigurado wala na yung may-ari nito. Akin nalang to :)