10 years ago...
"Honey..kunin mo yung unan sa lapag at ipayakap mo sa kanila...tapos i-check mo seatbelt mo.." Tarantang utos ni daddy kay mommy..kitang kita mo ang takot sa kanyang mga mata at ang pawis sa kanyang buong mukha..
Inabot samin ni mommy yung makapal na unan kung saan yun galing? Wala may unan talaga dito lagi..para kapag inantok kami ..nagdadrive si daddy..si mommy naman nasa side ni daddy..kami ni kuya ay nandito sa back seat..
"H-hon..ano bang nangyayari?" Takot na tanong ni mommy kay dad habang inaayos nya yung seatbelt nya
"B-basta honey...sabihin mong mahal mo ako.." Paiyak nang sabi ni daddy..wala akong maintindihan sa kanilang dalawa..ano bang nangyayari?
"Mahal na mahal kit--"
*BOOOGSH*