A/N: picture po ni amberlyn sa taas (bea miller)Damon's point of view.
"AAAAAAAAAAHHHHHHHH!!!!!"
Napatayo agad ako sa pagkakaupo ko dito sa sofa at tumakbo papuntang secondfloor sa kwarto ni amber...
Pinihit ko yung doorknob ng pinto.. SHIT LOCK!!! Nagsimula na akong magpanic...
"AMBER!! ANONG NANGYARI??!! BUKSAN MO TONG PINTO!!!" sigaw ko...
"K-kuya...t-tulong " pagmamakaawa nya..nasa kabilang parte sya ng pinto..pero dinig ko yung iyak nya..shit..ano bang nangyayari???
Mayamaya tumatakbo ding pumunta sila mama dito at yung iba pa naming kapatid may dala si mama na susi..duplicate ata nitong kwarto ni amber...
"Anong nangyari??" Tanong ni demonise..pangalawa saming magkakapatid..ako yung panganay.."Hindi ko alam.." Sabi ko habang inaantay mabuksan ni mommy yung pinto ng kwarto ni amber..
"AMBER!!" sigaw ko nung mabuksan na yung pinto ..nandun lang sya sa sulok..gulo gulo yung buhok nya tapos umiiyak parin sya ..tapos nakayakap sya sa mga tuhod nya..
"K-kuya..m-mommy.." Yan lang nasabi nya tapos umiyak nanaman sya..
"B-baby? B-bakit? A-anong na-nangyari???"-kinakabahang tanong ni mama..
Tinuro ni amber yung box sa may kama nya...lumapit ako dun para makita...
Napahawak nalang ako sa bibig ko para mapigilan ko ang sarili kong mapasigaw..
"Shit!" Yan nalang nasabi ko..
"Ano yan kuya??" Tanong nila evily,satana at lucy
Tinakpan ko agad yung box ..syiempre .. ayokong takutin mga kapatid ko..
"W-wala..m-magsibalik na kayo sa kwarto nyo.." Sinubukan kong wag mautal kaso wala..kinikilabutan din ako dito..Tinignan ko si mommy habang pinapakalma si amber..grabe..sino kaya yung hinayupak na nagbigay sa kanya nito?
Kung ano laman nung box? Puso....puso ng tao..shit..
May nakita akong papel sa lapag kaya pinulot ko at binasa..
"My heart is yours...my princess
-S.A."
Tang*** sino namang tong S.A.??
Lumapit ako kanila mommy na hanggang ngayon ay pinapakalma parin si amber..
" amber sino nagbigay sayo nito??" Tanong ko..
"H-hin-di k-ko alam..n-napulot ko lang sa harap ng pinto" sabi nya habang nanginginig at ayun umiyak nanaman sya..
After 3 days..
Tumawag ako ng private investigator para malaman kung sino nagdala nung box sa bahay namin..
Kaso hindi nila talaga malaman kung sino..nung araw na yun daw yung cctv dito malapit samin ay kasalukuyang inaayos dahil di daw gumagana..
At napanuod din namin sa tv na may natagpuan daw na lalaking wakwak yung dibdib at nawawala yung puso ..di kalayuan sa lugar namin..at yung lalaking yun ay isa sa manliligaw ni amber ...pero imposibleng sya ang naglagay nun sa pinto namin..syiempre patay na sya..at alangan namang naglakad kusa yung puso papunta sa pinto namin at nagdoorbell
Kaya....mukhang may nagplano talaga nito..
Princess amberlyn's pov.
Pumasok ako ngayon sa school.. And guess what...usap usapan agad yung nangyari sakin..kainis..andaming tsismoso/ tsismosa..
Dirediretso lang akong naglakad papuntang classroom shit andaming nakasunod sakin...natatakot ako...baka isa sa kanila yung nagdala sakin nung box..aish..
Binilisan ko nalang yung lakad ko..
February nga pala ngayon..kaya ayun andaming lovers na makikita dito sa school..sus magbebrake din kayo!
Pagdating ko sa classroom..napatigil silang lahat sa ginagawa nila at napatingin sakin na parang bakakita ng multo ..aish..
"WHAT?!" sigaw ko...naiinis na ako...naiirita ako..kanina pa yang mga ganyang tingin na yan...aish..di naman ako yung pumatay ah..tangina talaga..
Bumalik naman agad sila sa mga ginagawa nila kanina..at ako naman dirediretso lang na naglakad papunta sa upuan ko...
Inilabas ko yung sketchpad ko at pencil case tapos sinuot ko nalang yung earphones ko...eto nalang talaga nagpapasaya sakin..
Walang klase ngayon..kase may meeting yung mga teachers..tapos yung ibang estudyante nandun sa quadrangle nagbabantay ng mga booth .yung iba naman nakikipaglandian sa mga jowa nila..
After 45 minutes..
Ang boring dito sa classroom..pupunta nalang muna ako sa bestfriend ko..
Napatingin ako sa mga kaklase ko..letse..wala na pala akong kasama?? Ay meron pa pala..may lalakeng nakajacket na color black..natutulog sya..yung kamay nya nandun sa ibabaw ng desk nya at nakasubsob naman mukha nya sa desk nya..
Hindi ko makita mukha nya kase nakahood sya.. Anyways...pake ko sakanya ? Aish makaalis na nga..
Lumabas na akong classroom at pumunta sa locker ko..ilalagay ko lang yung iba kong gamit dun..
Pagkatapos kong ilagay gamit ko..ay pumunta na ako kay sapphire...bestfriend ko na sya since first year of high school..nagkakilala kami nung minsan napadaan ako sa classroom nila..nakabukas yung pinto kaya nakikita ko yung nangyayare sa loob..pinagbababato sya ng mga kaklase nya...since ginagalang naman ako ng mga students dito dahil pamilya namin ang may ari ..pagkapasok ko ng classroom nila ay tumigil sila sa ginagawa nilang pambabato..at ayun lahat ng classmate nya suspended..at sya naman ay lumipat ng section...sa section namin tapos ayun naging magkaibigan na kami..
Anyways...nandito na ako sa classroom nya at binuksan ko yung pinto..
O.O
"Shit.." Yan nalang ang nasabi ko..
------------end of chapter two -----------
A/N: PABITIN MUNA HIHI..SALAMAT SA MGA NAGBABASA..COMMENT KAYO KUNG OK LANG BA O ANG PANGET ..AISH..ANG HIRAP PALA MAGSULAT NG STORY..GE YUN LANG XD