(Characters on media side)
CHAPTER 1
EXPENSIVE SCRATCH
POV KATHLEEN
Ok, late na naman ako. As always! Gagalitan na naman ako ng aking mahal na tita, andito ako ngayon sa Manila naninirahan sa aking pinakamamahal na tita, as usual wala akong bahay dito, kasi nga hindi ako taga rito sa malaking syudad na ito.
"Faye ano na yan anung oras na?!" Inis na singhal ng tita ko. Galit na naman siya, sa tono pa lamang.
"Yes po tita!" Medyo hinihingal na sagot ko. Nagmamadali ko kasing nilagay lahat ng mga dapat kong dalahin sa bag ko. Ay nako! Bahala na kahit anung itsura ng loob ng bag ko, mailagay ko lang lahat ng kailangan ko.
Bakit ba kasi parati akong ganito? I tried to wake up early, nagpa-alarm pa ako sa phone ko pero wala talaga hindi ako nagising. Tulog mantika talaga ako, pero dahil nakipagpustahan ako ngayon sa isang office mate ko na hindi ako male-late kaya kailangan kong mag madali. Lumabas na ako ng kwarto upang harapin ang tita ko, nasa may pintuan na siya at naghihintay sa akin.
"Tita bye! Alis na po ako." Agad ko siyang hinalikan sa pisngi at nagmamadaling tumakbo palabas nang unit. Hingal na hingal akong sumakay nang elevator, buti nalang bumukas agad ang isa. Hay nako! Wala pa man lang ako sa office tagaktak na ang pawis ko, takot na kasi akong sermonan. The last time na masermonan niya ako eh, halos paulit ulit yung sinasabi niya, nakakabingi, kahit na hindi naman siya sumisigaw pero parang sirang plaka.
Nang makarating ako sa ground floor agad akong tumakbo palabas. Hindi talaga ako puwedeng mahuli. "Good morning ma'am," narinig kong sabi nung isa sa mga butler sa condo, ngumiti lang ako at dere-deretso tinahak ang palabas ng building. Nang makarating ako sa may side ng kalsada, hindi ko pinansin ang mga sasakyan na nakaparada at nagpumilit akong sumiksik upang makatawid. Masyado naman kasing dikit dikit ang pagkakapark nila, buti nalang sexy ako. Nakasabit ang malaki kong bag at iba pang mga paper bags sa balikat ko nang may narinig akong parang bakal na sumabit sa lata, akala ko may naapakan lang ako, kaya agad kong tiningnan ang inaapakan ko, pero shit!
Ohhh my! Yung bag ko, mangiyak-ngiyak ako sa nangyari, sa isip isip ko, ano ang ginawa mo bag ko? Yung puso ko parang kulang nalang lumabas sa dibdib ko grabing kaba, halos lumuwa na sa rib-cage ko ang puso ko. Kailangan ko ng magmadali, wala namang nakakita. Go Faye! Bye car! Wala naman sigurong nakasakay doon, sana hindi niya napansin. Akmang tatakbo na sana ako patawid, ng biglang may humila sa braso ko. Para akong na-istatwa, alam ko kung sino ang taong nakahawak sa braso ko. Kaya mas lalong nagwala ang nasa dibdib ko.
"Hey miss..." Malamig na boses ang aking narinig mula sa kaniya. Hindi ako humaharap sa kaniya dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon.
"Ah-aahh yes?" Nanginginig na tugon ko sa kaniya. Pinagpapawisan na ako ng malamig, kung kanina pinagpapawisan ako nang normal, ngayon parang galing sa freezer yung pawis ko sa lamig. Alam ko kasi ang pakay niya at alam ko na mamahalin ang sasakyan na nagasgasan ko.
"You scratch my lovely car..." Lalong naging malamig ang boses niya at talagang mariin ang pagkakasabi sa salitang scratch. Yung boses niya ay punong-puno ng pagkainis, though kahit malamig ang boses niya you will find it attractive. Parang boses ng isang gwapong Dj sa radio. Dahan-dahan akong lumingon sa bandang likuran ko upang makita ko ang kaniyang mukha. Nang masilayan ko ang buong pagmumukha niya, hindi ko maiwasang mamilog o manlaki ng mga mata. Lalong lumakas tibok ng puso ko kumakawala na siya, hindi dahil sa natatakot ako sa maaring isunod pa niyang sasabihin sa akin. Kung hindi, dahil sa nakita ng mga mata ko.
Hindi ko nga alam kung saang lupalop ko nakuha ang lakas nang loob ko nang sabihin ko sa kaniyang. "Sir I'm really, really, sorry about the scratch, maliit na scratch lang naman yan, sige bayaran kita please let me go lang." Nagmakaawa na ako sa kaniya, and I used my cutest puppy eyes. Sana maawa, lahat naman ng ginagawan ko ng puppy eyes nadadala. Alam ko kasing maganda ako at irresistible. But I was soo wrong! This man! Hindi umepekto puppy eyes ko. Ngayon lang ito sumablay. Wala bang pakiramdam ang lalaking ito? So I took courage to talk kahit na feeling ko umuurong ang dila ko sa takot. Late na ako sa office. So I have no choice.
BINABASA MO ANG
This Can't be Love
Romance"How can you face your REALITY if in your DREAMS you're happy?"