One Shot

155 20 28
                                    


"Marco, lasing ka nanaman?"

"Umalis ka nga! 'Wag kang paharang-harang diyan!"

Lecheng buhay naman 'to! Lagi niya akong pinapagalitan tuwing uuwi ako. Hindi ba niya alam na nakakaburyo na?

Pagbabawalan nila ako uminom? Ano bang pakialam nila? 20 na ako at isa pa, buhay ko 'to.

Hindi ko na alam kung paano ako nakaakyat sa kwarto, basta ang alam ko nandito na 'ko sa kama.

"Anak, ano na bang nangyayari sa'yo? Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano bang pagkukulang ko?"

Ay tang*na! Puro nalang sermon! Puro ganiyan! Nakakasawa!

"Alam mo ha! 'Wag ka na magtanong diyan! *hik* Wala ka rin naman magagawa. *hik* Ay, alam ko na, *hik* iharap mo kaya sa'kin yung tatay ko?"

P*nyeta! Ayan na naman siya sa luha na 'yan. Kapag ba hahanapin ko ang tatay ko, 'yan nalang ang lagi kong makikita? Puro luha? Tatay ko yung gusto kong makita! Hindi 'yang mga lintek na luha na 'yan!

"Ugh. Bwoop."

"Mary! Bilisan mo, masusuka na yung kuya mo!"

"Nandiyan na po ma! Ito na."

Naramdaman ko 'yung pagpasok ni Mary. Isa pa 'yang bubwit na 'yan! Ang ingay-ingay! Tawa ng tawa! Nakakarindi!

"O ito palanggana, dito ka sumuka anak. Mary, punasan mo yung katawan ng kuya mo. Tanggalin mo muna yung sapatos niya."

"Opo, Ma."

Maya-maya, ibinaba na nila kung ano man yung mga ginamit nila. Gumapang ako sa kama at sumalampak. Inaantok na 'ko.

Narinig ko yung pagbukas ng pinto. Tama'yan. Umalis ka na. Kung pwede lang, 'wag ka na bumalik. Sana paggising ko, tatay ko na yung nandito. Hindi kayo.

"Mahal na mahal kita anak."

Isinara na niya ang pinto. P*tanginang pagmamahal 'yan. Hindi ko maramdaman. Alak lang ang nagmamahal sa'kin. Alak lang ang tumutulong sa'kin.

---

"Good morning kuya! Kain naaaaa!"

"Ano ba 'yan?! Ang aga-aga ang ingay mo! Ang sakit sa tenga!" Pababa ako ng hagdan. Napakaingay talaga nitong babaneg 'to. Bakit ba kasi naging kapatid ko pa 'to?!

"Tingin ka sa labas kuya o! Ang ganda ng araw. Kaya dapat lang na maging masaya! Y.O.L.O! You only live once!"

Umupo na ako sa upuan. Nasaan ba kasi yung earphone ko? Mas okay pa makinig don kesa sa bunganga nito!

"Kain ka lang ng marami kuya ah! Ako nagluto niyan!"

"Bakit ba nakangiti ka ha? Walang nakakatuwa okay? Dinadagdagan mo lang sakit ng ulo ko e."

Lumapit siya sa'kin.

"Kasi naman kuya, inom ka ng inom. Akin na dali, hilutin kita."

Tinabig ko yung kamay niya.

"Tigilan mo nga ako! Ipagtimpla mo nalang ako ng kape at nasaan ba yung nanay mong magaling?!"

"Okay kuya! One cup of coffee, coming up!"

Tumakbo siya sa lababo para magtimpla.

"And correction kuya! Nanay NATIN! Hindi Nanay KO."

"Leche, wala akong pakialam. Bilisan mo nalang. Akin na yung kape ko."

"Ito na nga po sir, your coffee prepared by Mary with love."

Nag heart sign pa siya. Tsk. Binatukan ko siya ng malakas. Tama lang 'yan para magising siya sa katotohanan na hindi siya pwedeng maging chef gaya ng pangarap niya.

One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon