#PAASA

59 3 0
                                    

"Honeybaby Mylovesosweet, Pahiram naman ng ballpen. Sige na, Mahal naman kita."

Kumindat pa siya sabay tawa pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang ikinawindang ng buong pagkatao ko.

Nag 'ayyiie' ang mga kaklase namin, narinig pala nila ang sinabi ng kulog na'to.

Inabot ko ang ballpen ko sa kanya.

"Salamat babe. Hindi mo talaga ako matitiis" ngumisi pa ang gago pakshet. Buti nalang may extra ballpen pa ako. May extra notebook, extra papel, extra lapis. Kulang nalang ay extra bag para kung kinakailangan niya, nandito lang ako.

Thunder Nicolai Co

Any Description? PAASA.

PAASA NA PA FALL PA. DAKILANG MANHID. HINDI MANLANG AWARE SA NARARAMDAMAN NG IBA. SA NARARAMDAMAN KO.

Mahirap magkagusto sa katulad niya. Minsan hihilingin ko nalang na sana 'wag na siyang maglalapit sa'kin, na 'wag niya na akong tatawagin sa kung anu-anong endermeant kasi lalo lang akong naffall. Kaso nung minsang absent siya parang may kakaiba. Nakakamiss din pala.

Sa Panahon ngayon, uso na ang tagu-taguan feelings.

Oo. May gusto ako sa kanya. Pero hindi ko 'yon pinapaalam kahit na kanino. Mahirap na, mapapahiya lang ako.

Umalis na si thunder at pumunta sa upuan niya. Hindi ko alam pero katabi niya naman yung nerd naming kaklase at paniguradong may extra ballpen pa yun. Bakit kinailangan niya pang pumunta sa upuan ko para manghiram?

Hindi kaya...

Ops! Bawal umasa. Masasaktan lang ako.

Ako nga pala si Nika.

Nika Akin Kalang

Nika Akin. Iyan ang pangalan ko. At 'Kalang' naman ang apelyido ko. Ang baho ng surname ko ano? Pero ang ganda naman ng buong pangalan ko. Aminin!

~*~

Kinabukasan, pumasok ako ng maaga. Ako na excited pumasok araw-araw! sino ba namang hindi ma eexcite kung classmate mo crush mo diba?

Sabi ko pa naman sa sarili ko nun, hindi ako fan ng classmate lovestory. Kasi ang akward nun. Mahihiya ka kung may reporting o kung anupaman.

Patuloy lang ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ko.

"Nika!" Boses niya. Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Bakit kaya ganun? Kapag yung taong gusto mo yung tatawag ng pangalan mo, kahit na simple lang yung pangalan mo, parang ang ganda ganda. Hays.

Hindi agad ako lumingon. Pabebe muna! Hahaha

"NIKA AKIN KALANG!"

Parang tumigil lahat. Pati ang mga estudyanteng naglalakad din. May ilang kinikilig, may ilang mukang galit.

Kilala kasi yang si thunder. Gwapo daw. hindi rin! Kasi para sa'kin, Gwapong gwapo! Ay! Ang harot.

Lumingon ako with my walang-pakialam-look. Dapat hindi obvious na may gusto ko. Sige ka paglalaruan ka lang. Ok. Tama na. Hugot pa eh.

"Oh bakit?"

"Sabay na tayo baby. Ikaw ah, gusto mo pang tinatawag sa buong pangalan. Nika Akin Kalang" sabay tawa niya ng malakas.

"Ewan ko sa'yo. Bahala ka d'yan."

binilisan ko ang paglalakad. Kainis! Kaaga-aga pinapakilig ako. Tae.

Maya maya,

"Nika Akin Kalang, At Sayo lang ako" bulong niya sa tenga ko. At ayun ang gago, hawak hawak ang tyan sa kakatawa.

Paasa Na, Pafall Pa (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon