Saan ba laging nagsisimula ang unang kabanata ng mga typical love story chuchu sa wattpad? Sa paggising sa umaga, first day of school o di kaya naman ay may out of town ang family nila.
Si Shawna Andres, 15 year old. Grade 10 sa isang pangmayaman, pangsosoyal, high class na eskwelahan- in short, pangrich kid na campus.
♡♡♡♡♡♡
Shawna's POV
First day of school. Cliché ba? Edi wag mong basahin.
First day.
First. Day. Of. School.
Nadapa ako.
Sa hallway. Hindi ko alam kung talagang ganito ako magmula ng bata pa, o dahil sa gravity/ force o sadyang tadhana ko ng maging lampa o tatanga tanga- in short, clumsy ako.
Natalisod lang naman ako sa isang nakausling bato na saktong nakaharang sa gitna ng dinaraanan ko. Buti ba lang at naitukod ko ang mga kamay ko kaya hindi sumayad ang napaka ganda kong mukha sa sahig.
"So lampa naman that girl"
"Omg she's clumsy omg ulit"
"Oops may nahuli kaya siyang froglet?"Sanay na ako sa mga sitsitan nila na mukhang hindi bulungan dahil bagamat malakas ito ay dinig na dinig ng maraming tao.
Pero okay lang, sanay naman ako. Sa sobrang sanay ko, naging habit ko na ang madapa, matalisod, mauntog, magslide at kung ano-ano pang kamalasan na exaggerated naman kung babanggitin ko lahat.
Pagkatapos ng pangyayaring yun ay napagdesisyunan kong pumunta sa cafeteria. Saan pa ba ako pupunta? Mag stay dun kasama nung pahamak na bato? *sarcasm*
♡♡♡♡♡♡
As usual, ang mga pagkaing binebenta ay parang ginto. Mahal at magandang tignan pero hindi nakabubusog.
"Isang tuna sandwich nga po. Magkano po?"
"67PHP"
Lechugas. Biglang napaurong ang kamay ko sa paghablot ng pera mula saking bulsa. Ang 67 pesos ay baon ko na ng 3 days. Tapos, siguradong magsisidatingan na ang mga bayarin sa school niyan kaya napag-isipan (weh?) kong bumili na lang ng biskwit na tig 12 pesos. Ugh ang mahal pa din niya diba?
Pagkatapos kong bumili ng ipangmemeryenda ko sa umagang ito ay dumiretso ako sa classroom namin.
Pagpunta ko sa classroom ay nadoon na ang iba ko pang magiging classmate sa school year na ito.
As usual- "Oh! Ayan na pala si Lampy!"
Pangbubuska ni Eddard Legazpi. Ang number one bully at best friend sa buhay ko. Lampy ang tawag niya sakin- short for lampa.
"Hay naku Eddard, wag mo kong binibwusit sa oras na ito, lalo na't gutom ako. Masamang nagagalit ang mga gutom. Kaya lokohin mo na ang lasing at bagong gising, wag lang ang gutom," mahabang litanya ko.
"Sus ang baby Lampy ko naman, alam mo namang labs na labs kita diba?" at bigla bigla na lang niya akong hinatak.
"O-oy saan tayo pupunta?" lechugas naman kasi 'to, hatak ng hatak eh ang payat payat at ang liit ko lang, plus the fact na lampa pa ako eh baka madapa na naman ako.
"Sa cafeteria libre kita. Diba sabi mo masamang nagagalit ang mga gutom? Kaya magpakabusog ka muna tsaka kita aasarin" saad niya sabay kindat sa akin. Lechugas talaga 'tong isang ito pero okay lang atleast manglilibre sa cafeteria.
/ / / / / /
don't forget to vote and comment what you feel about the chapter 1 loves! thanks for reading hugs&kisses! ♡
BINABASA MO ANG
Catch Me I'm Clumsy
RomanceI'm so stupid and clumsy that I didn't realize I already fall for you. Would you catch me?