5:10 PM, December 15, 2015
Hi!
Kumusta kana?
Kayo? Kumusta na?
Ang tagal na no? It's been 3 years?
at dahil boring ngayon at wala akong magawa, naisipan kong basahin ang mga last conversation natin, kung dati todo iwas ako, nahihiya na parang ewan. Ngayon parang gusto ko nalang tumawa sa kalokohan mo, I mean "natin", kahit na wala namang "atin".
Wala naman akong pagsisisi kasi sabi nila masaya kana ngayon... Masaya na kayo...
Pero hindi mo naman kasalanan noon dahil masyado talaga akong mapili at maarte noon. Lagi akong tumatakbo, umiiwas at nagtatago kahit na hindi sayang sa effort kasi nasa isang grupo lang naman tayo at magkikita at magkikita parin tayo.
Naalala ko pa ang suporta nila sa atin, na minsan nauuwi sa pagka-inis ko sayo kahit na wala ka namang kasalanan.
Naaalala ko nung umandar ang masamang ugali ko (na hindi niyo ma-gets) tinapon ko yung isang project mo dahil sa inis... nakakatawa nga eh, kasi hindi ka nagalit, pinabayaan mo lang akong magwala.
Noong birthday kasama ka sa mga gumawa ng "kalokohan" para sa surprise nila. Nakakahiya nga yun eh.
Noong gumagawa ako ng project, at lago mong tinatanong kung kailangan ko ng tulong.
Naaalala ko din yung time na pumunta sa amin kasama mo ang mga kaibigan natin, pero hindi ako lumabas. Inabot ka ng ilang oras sa labas, pero hanggang pag-uwi mo hindi ako nagpakita sayo. In the end, ikaw parin ang nag sorry sa ginawa mo kahit na wala ka namang kasalanan.
Noong araw na umabot sakin ang balitang ang dami mo raw pictures ko sa celphone mo... at inisip kong stalker ka na masyado.
Noong araw na lumalayo ka para lang lubayan ako ng mga kaibigan natin sa panunukso.
Lagi kang tumatawag ... pero hindi kita sinasagot,
Sinubukan mo kong kausapin... pero hindi kita kinakausap,
Niyaya mo ko sa game mo... nanood ako pero half game mo lang,
At isang beses dinalhan mo pa ako ng gamot nung sumakit ang ulo ko... pero hindi ako nagpasalamat sayo..
Noong araw na lagi kang concern, at tinatanong kung okey lang ako.
At noong araw na lagi akong walang paki-alam sa nararamdaman mo.
Ang sweet mo no ? at ang sama ko. hahahaahaha
Pasensiya na, hindi naman ikaw ang tinatawanan ko, nakakapanghinayang lang kasi iba ang gusto noon, ibang tao ang gusto kong gumawa ng lahat ng ginawa mo.
Pasensiya na, kung hindi ko na-appreciate lahat ng efforts mo. Hindi man lang ako nakapag-thank you. O nakapag-sorry sa mga EWAN na nagawa ko.
Pasensiya na, kasi sayang ang lahat dahil hindi ikaw ang mahal ko noon.
Pero bago matapos ang duty ko... Gusto ko lang sabihin na THANK YOU sa lahat, hindi ko na iisa-isahin pero THANK YOU.
At dahil on going Christmas ngayon. THANK YOU FOR THE LOVE.
THANK YOU.... THANK YOU.... THANK YOU....
And I'M SORRY. J
@imyat
P.S. Sana hindi mo na mabasa to. :)