One

7 0 1
                                    

Simula

"Janice male-late ka na sa school. Bangon na"

Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Oo nga pala. Tapos na ang bakasyon. Parang hinipan lang ng hangin yung mga araw. Ang bilis. Hindi ko pa nga natatapos yung ipinipinta ko. Paniguradong hindi na ako makakabalik sa lugar na iyon. Hindi na ako papayagan ni Mama.

"Janice ano? Wala ka na bang balak na pumasok sa eskwela? Aba! Late ka na"

Inunat ko ang aking mga paa at kamay. Oo Janice. Ito na ang simula ng kalbaryo mo. Ito na yon. Ihanda mo na ang sarili mo.

Bumaba na ako. At kumain ng omelet na kadalasang inihahain ni mama tuwing papasok ako sa eskwela. Pakiramdam ko bumabalik ako sa pagkabata tuwing dumadampi sa dila ko ang malambot at masarap na omelet ni mama.

"Gusto mo bang ihatid kita sa school, nak?"

Sabi niya habang nakatitig sa'kin.

Ayaw ko sana. Kaso.. mukhang excited siya na ipag drive ako papunta sa school.

Tumango na lang ako.

Pagkatapos kong kumain, inihanda ko na yung gamit ko. Napabuntong hininga ako sa mga naaalala ko. Parang ayaw ko nang pumasok.

"Janice anak. I-lock mo yung pinto paglabas mo. Ihahanda ko lang yung kotse. Bilisan mo na ang kilos mo anak"

"Meow"

Oh.

Umupo ako at kinuha sya.

"Ocean, mamaya na lang ha? Mamimiss kita. Kung pwede nga lang kitang dalhin sa school ginawa ko na"

Hinaplos haplos ko ang malambot nyang balahibo.

"Bye ocean"

Sinara ko na yung pintuan. At nagsimulang maglakad papunta sa garahe.

Natanaw ko si mama habang nakadungaw sa bintana ng mamahalin nyang sasakyan. Itim ito at makintab. Ang ganda.

Sumakay na ako sa likurang parte ng sasakyan. At marahang isinara ang pintuan.

"Anak bakit ang tagal mo?"

"Si Ocean po kasi mama"

Napangiti sya.

"Wag kang mag-alala anak. Papakain ko si ocean bago ako umalis mamaya"

"Salamat mama"

Pagkalipas ng ilang minuto nakarating na din kami sa school.

Ang daming estudyante

"Ingat ka anak. Anong gusto mong ulam mamaya?"

"Kahit ano po mama"

"Magluluto na lang ako ng burger steak sige na pumasok ka na't huli ka na sa klase"

Hinalikan ko sya sa pisngi.

Naglakad ako ng matiwasay. Sa ikatlong palapag pa yung assigned room namin. Nakakapanibago. Dati sa ground floor lang kami. Fourth year highschool na ako ngayon. Pero wala pa ding pagbabago sa sistema ng buhay ko dito sa paaralan.

Lahat sila. Nakatingin pa din sa'kin. Ni minsan. Ni minsan wala ni isang lumapit sa'kin para makipagkaibigan. Hindi nila ako kinakausap. O nilalapitan man lang. Ganon din naman ako sa kanila. Ayaw ko silang kausapin. Ni makipagsalamuha man sa ilan sa kanila.

May iilan akong tinatawag na kaibigan. Pero hindi ng tinatawag kong kaibigan ay maituturing ko talagang kaibigan.

"Janice, sorry ha? Di kita naimbitahan sa birthday ni mama. Akala ko kasi mas gugustuhin mo pang kausapin yung pusa mo kaysa sa'min"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YesterdayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon