HUGOT 1

45 2 0
                                    

*ctto
------------------------

Ang akala ko noon kung dumating man ang panahon na to puro mga ala-ala ng away at hindi natin pagkakasunduan ang iintindihin ko,na sila ang mahirap gamutin,na sila ang kahit ilang balde na ng luha ang aking pigain mula sa mga mata ko,magdurugo pa rin,pero mas nagdurugo ako sa mga patawa mo,mas nagdurugo ako sa mga patawa mo,mas nagdurugo ako sa mga yakap mo sa kung paanong ang balat ko ay parang nalalapnos kapag dahan - dahan mo kong hinahaplos at ang hininga ko ay nayayapos at kinakapos pag niyayapos kita.
Nadurog ako nung gabing umalis ka pero mas nagdurugo ako nung gabing sabihin mo saakin na ayaw mo na pero mas nagdurugo ako dun sa gabing tinanong mo ako kung pwede pa ba,nadurog ako nung gabing tinalikuran mo ako pero mas nagdurugo ako na noong pagtalikod ko nandoon ka pa at nadurog ako noong sabihin mo saakin na hindi mo na ko mahal,pero mas nagdudurog ako at nagdurugo ako at nadudurog at nadudurog pa rin ako sa ala-ala na ikaw pa ang mas naunang nagsabi na mahal kita,mahal kita,kung titignan ng maigi ang mga salitang isinulat, ng lahat ng mga sugat na iniwan mo,yang dalawang yan ang mababasa ko,mahal kita,at sa inaraw-araw ng pagbibilad unan ko nag mamanhid na sila,mahal kita,at sa dinarami-rami ng luha na pinanglagas ko rito,naglalangib na sila,mahal kita,at sa tinagal-tagal ng kumikirot dito sa dibdib ko,medyo nakakasanay na,mahal kita,mahal,kung magkita man tayong muli at tanungin mo akong muli kung pwede pa ba,hihilingin ko lang sayo ay mga bagong unan,dahil ang lahat ng saakin ay kala mo naulanan dahil lahat sila ay akin nang naiyakan,ng mga kwento natin na nag-iwan ng marka sa kanila at ayaw ko na,ayaw ko ng matulog sa ala-ala na mahal kita,mahal nga pala kita,mahal pa rin pala kita.

THE HUGOT BOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon