Hawakan mo kamay ko
© 2013 by Leicheese
"Turuan mo nga ako!" Sigaw ko kay Michael. Hindi ko kasi maintindihan yung lesson namin sa Calculus kanina. Takteng teacher kasi, ang hina na nga ng boses, boring na nga, kausap niya pa yung whiteboard! Nakakahiyang nasa unahan pa ako niyan ah. Paanong hindi. Ako lang naman si Jeselle Andrino. Malamang nasa unahan talaga ako.
"Nasa harapan ka na nga, hindi mo pa rin nakuha? Slow mo!" sagot niya naman. Ang somo niya talaga! Kung hindi lang kita crush! Kainessssss.
"Tita! Si Michael po, ayaw akong turuan sa Calculus." Saktong papasok ang mommy niya sa bahay nila eh. Ang galing! Pakipot kasi si Michael.
"Turuan mo nga yang si Jeselle, kung hindi, ikoconfiscate ko yang mga gadgets mo" sabi ni Tita. Nagwink sa akin si Tita. Nagthumbs up ako pero ramdam na ramdam ko ang death glare mula sa aking crushieeee. My gee!
Tinuruan niya naman ako. Pero nadidistract talaga ako eh. Ang gwapo gwapo gwapo kase niya~
Kinikilig ako habang nakatitig sa kanya habang nageexplain siya. Yieee. Para kaming magboypren girlpren na legal sa magulang. Kinikilig ako >////<
-----
"Hoy Michael! Hawakan mo naman kamay ko. Mawala ako dito eh! " Nasa isang mall kami sa Maynila. At probinsyana ako, kaya ayoko mawala dito noh! Mahal magbayad sa taxi. Kaya hahawak nalang ako sa kamay ni Michael.
"Ayoko nga! Ano ka, bata?" Ong somo nomon! Kung hindi lang ako nautusan ni Tita na samahan siya! Kahit na gustung gusto ko naman, Ang yabang niya noh? Hindi ba niya gustong mahawakan ang kamay ko?
Nagdadrama ako sa utak ko nung may maisip ako tapos.... >//////<
"Bakit ka muna namumula? Yieee. Kinikilig ka noh?" Grabe! Pulang pula yung tainga niya. Hindi ko keri! Ang gwapong mamula! Nasabi ko na bang crush ko siya kaya ako ang pinasama sa kanya dito kahit na andun lang naman sa bahay nila sina Tita. Ehem! Tita, hindi kamag-anak, ano lang, hihihihi. Alam kasi ng mommy niya na crush ko si Michael. Kapitbahay kasi namin sila.
Kaya lang si Michael? Isnob sa feelings ko. Huhuhu.
Tingin niyo di niya alam na crush ko siya?
"Jeselle Andrino! Bakit naman ako kikiligin kung gusto mong hawakan ko ang kamay mo? Assuming ka talaga. Tss." Ang sungit niya di ba? Ganyan yan! Pero nakakadagdag sa kagwapuhan niya yung kasungitan niya. hayyyyyyy. Nababaliw na ako.
"Magpapahawak lang ng kamay eh!" sabi ko tsaka naglakad ng nauuna sa kanya. As if naman, alam ko pupuntahan namin! Paepek lang, malay niyo! Kapag mali na dinadaanan ko, hawakan na niya kamay ko. Waaaaah. Desperate much? XD
Kaya lang, assuming hurts nga naman.
Lakad ako ng lakad. Alam niyo yung lakad takbo? Yun ang ginagawa ko eh.
Kunwari nalang alam ko itong mall na ito...
Kunwari nalang alam ko kung paano umuwi pag iniwan niya ako...
Kunwari nalang hahanapin niya ako pag nawala man ako...
Dahil sa kakamadali ko, nabangga ako sa isang lalaking malaki ang katawan kaya napaupo ako. Alam niyo yung bouncer sa mga bar? O kaya imaginin niyo na buhay si Johny Bravo. Kung hindi niyo siya kilala, ewan ko! Basta ganun. Muscle man ang tawag ko sa mga ganun dati eh.
Infairness masakit ha. Tapos alam niyo anong ginawa nung mama? Aba! Nilagpasan lang ako na parang walang nangyari. Hindi naman porket sexy ako, hindi na niya napansin na may nasagi siya? Worst kalalaki niyang tao, hindi man lang ako tinulungan tumayo. Wow! Just Wow!
"Tss. Lampa kasi. Uupo ka nalang ba talaga diyan? Tayo." Kahit na nag sungit sungit niya, kinikilig pa rin ako. Nakalahad kasi yung kamay niya para tulungan akong tumayo. Oh di ba? Para ko na rin siyang nakaholding hands nito >////<
Kahit nakakapagtaka na hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko kahit na naglalakad na kami patungo sa kung saan, hinayaan ko nalang. Chance ko na to!
Pero dahil matangkad ang lolo niyo, bilis na bilis akong humahakbang para makahabol sa kanya. Ang lalaki kasi ng hakbang niya. Mommy, Daddy, bakit hindi niyo ako binigyan ng genes na pampatangkad? Bakeeeeeeeeeeet?
Nakakafagowd naman!
"Mike, Bili tayong inumin." Hinila ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Napagod ako eh. Hinihingal na kasi ako. Kahit na labag sa kalooban ko, hinila ko nalang. Wala kasing break sa paglalakad ng mabili seh.
"Tss. Sige. Bilisan na natin." sabi lang niya at.... at... at..
HINAWAKAN NIYA ULIT ANG KAMAY KO! >/////<
"Eeeeeeeeeeeeeee! Hinawakan mo nga talaga kamay ko! " excited na sabi ko sa kanya. Baka kasi nabibigla lang siya.
"Tss. Para hawak lang" sabi niya ulit pero.... namumula siya. Nakasmile pa siya na parang nahihiya niyan ha! Kahit na iniiwas niya yung mukha niya, kitang kita ko pa rin ang namumulang tenga niya. hihihhi. Kinikilig ako~
Inagaw niya sa akin yung bote ng mineral pagkatapos kong uminon doon tapos... tapos...
UMINOM DIN SIYA DUN!
PARA NARIN KAMING NAG INDIRECT KISS NUN!
Emeged! Emeged!
"Kunwari ka pa diyan! Namumula ka oh! Yieee. Crush din ako ni Michael. amininnnnn"
"Tss. Crush? Hindi noh. Panoorin mo 'to " Akala ko anong gagawin niya. Pinagdikit lang naman niya yung mga noo namin eh. Tsaka tumingin sa mga mata ko. Promise ngayon palang, kinikilig na ako. Tama ba iniisip ko? Tama ba? Aamin na ba siyang crush niya din ako? Walanghiya naman, dapat kasi dati ko pa tinanong sa kanya kung crush niya ako o hinde eh.
He smiled. Then leaned forward to claim my lips.
"Bull's eye na si Kupido" sabi niya pagkatapos kong matulala dahil sa ginawa niya.
"Sa wakas!" Tumawa lang siya nung niyakap ko siya. Di ko napigilan nung marinig ko yun. Sa wakas tinamaan din siya ni Kupido.
Nice Job, Cupid!
Napahiwalay ako ng yakap sa kanya nung marinig kong magpalakpakan yung mga tao. Sheeet. Nasa mall nga pala kami!
----
Leicheese's note:
Hi Jeselle :)
Hindi ko alam kung maganda, pangit o okay lang. Hindi ko alam kung bitin o sakto lang o may kulang. Hindi ko ALAMMMMMMMM. Hindi ako marunong ng one shot kaya natagalan >3<
P.S. Nilipat ko na, ginawa ko nalang tig-iisang book. Inalis ko yung book eh XD Baka kasi maguluhan kayo pag ganun.
P.P.S Credits to the owner of the photo. Got it here :) http://www.google.com/imgres?imgurl=http://s3.favim.com/orig/46/couple-cute-holding-hands-love-photography-Favim.com-427619.jpg&imgrefurl=http://favim.com/image/427619/&usg=__nwyaHvC9jRAWVHXdoq1v3r1Dovs=&h=333&w=500&sz=110&hl=en&start=54&sig2=HuttQWCmTaV9TXB0hNEzLQ&zoom=1&tbnid=D8Tlu4VSCI5moM:&tbnh=87&tbnw=130&ei=hq7KUZHOGuOyiAfJ1YCQCQ&itbs=1&sa=X&ved=0CEcQrQMwDTgo