Hi ako si Kathy Reyes.Hindi maganda Pero hindi rin naman pangit.Hindi maputi pero hindi rin maitim.Hindi matangkad pero hindi rin naman pandak.Hindi sexy pero hindi din mataba.In short,simpleng babae pero Matalino.
Ako yung tipo na hindi nakaka-love at first sight,hindi deserving ng second glance at lalong hindi yung tipong head turner.
A commoner,they say.
Pero...
So what?
Nasa Pilipinas ako kung saan pantay-pantay lahat ng tao.Eh ano ngayon kung maganda sila?Wala pa rin karapatang manghusga ang sinuman sa pagkatao ko.Pare-pareho lang namang bigas ang kinakain namin.At mahihiya lang siguro ako kung yung mismong bakal ang kinakain nila.Alam kong di uso sa Pilipinas ang hustisya pero uso pa rin naman ang respeto di ba?Naku!kung ako siguro ang magiging Presidente ng Pilipinas, gagawin ko talagang major subject ang Values at GMRC.
Anyway,bago pa humaba ang kakadakdak ko dito tungkol sa pag-unlad ng Pilipinas eh pupunta muna ako sa napaka-sosyal kong school.Mag-aaral muna ako ng mabuti,gagraduate,maghahanap ng trabaho,magpapakayaman,tutulong sa pag-unlad ng Pilipinas at maghahanap ng jowa/syota/boyfie/lalabs/boyfriend - in short,hahanapin ko ang forever ko.Oh di ba?ganda ng Plano ko sa buhay.
Pero speaking of love life.Para sa inyong kaalaman,ang ateng niyo po ay loveless. NBSB din.As in, zero balance ang love life.Pero okay lang.Sabi ko nga,mag-aaral muna ako at magpapakayaman.Saka na yung love-love na yan.Pero if ever na may dumating man,edi why not?Choosy pa ba ako?Harhar.Landi eh noh?
Nandito na ko sa school.Hayan na naman sila.Tsismisan here,harutan there and ingayan everywhere.
"You know what?My Mom bought me a Gucci bag from London"
"Really?My Dad naman bought me a package of Chanel perfume from Paris"
"Wow!so nice of him naman"
"Yeah right!"
Oh edi sila na mayaman.Harhar.Punta na nga lang akong library. At least dun MEDYO tahimik.
May naririnig pa rin akong tsismisan papuntang library.Kesyo daw ang gwapo ng boyfriends nila.Kesyo mamahalin at branded ang bags at sapatos nila.Kesyo maganda ang kotseng regalo sa kanila ng parents nila.Tsk.Perks of being rich.
Kung itatanong niyo kung bakit nag-aaral ako sa isang sosyal at puno ng estudyanteng mayayaman na paaralan eh as usual,ano pa ba ang pag-asa ng mga taong katulad ko na hindi gaanong nakaka-angat sa buhay para makapag-aral sa isang elite school?Edi SCHOLARSHIP! sabi sa inyo eh,matalino ako.Hihi.
Psychology...
Psychology...
Psychology...
Where are you?
Ah!
Gotcha!
Umupo ako sa pinakagilid .Akmang bubuksan ko na sana yung libro Pero may narinig na naman akong nagtsi-tsismisan.Naman oh!sabi ko sa inyo eh, MEDYO tahimik lang dito.Hello?library kaya to.Bakit ang iingay nila?Hindi ba nila alam ang protocol sa loob ng library?
YOU ARE READING
The Lucky Girl
RandomThis is another typical modern fairy tale-like story. A commoner meets a prince. They fell in love with each other. Everything between them was perfect not until the Queen,the Prince's mother came and found out about them, being a couple. But of co...