Unang Kabanata

45 1 2
                                    

Unang Kabanata

NANDITO kaming apat sa hide out namin habang hinihintay kong dumating yung inutusan kong sunduin yung bwisit na babaeng bumali ng buto ko sa halos buong katawan. May lahi atang amazon yun eh pero I like her guts ha, ang tapang niya para labanan ang isang tulad kong kinikilalalang pinakagwapong nilalalang sa buong Pilipinas ayon sa nanay ko.


Ha! Akala niya nakaisa na siya sakin. Pwes nagkakamali siya dahil kung sinuman ang kumanti sakin ay malalagot. Yung sakit na naramdaman ko ay tripling sakit ang ibabalik ko.


"Man! First time kitang nakitang di lumaban kanina ah kahit dehado ka na."


"Tss." Tanging sagot ko sa pang- aalaska sakin ni Theo. Lumapit naman sakin si Caleb at hinawakan ang braso ko. "Man masarap ba sa pakiramdam ang mawrestling? Patingin nga ng braso mo."


"Aba. Mukhang concern si babe Caleb kay baby Casper ko ah." banat ng siraulong Carter na hilig kaming tawagin sa kung anu- anong endearment. Tsk!


"Tangina Carter wag mong tinatawag na baby si Casper. Akin siya. Akin lang!" Di ko inaasahan yung ginawa niyang pagpilipit sa braso ko.


"Fuck! Ayusin mo buhay mo Caleb. Hayop ka! Ikaw isusunod kong ipawrestling sa babaeng yun. Makikita mo."


Umalis na sa tabi ko si Caleb at sabay naman na nagtawanan ang mga gago. Shit. Sakit na nga ng buo kong katawan, wala pa akong mapala sa mga taong to.


"Hoy mga unggoy! Nasan nga pala si Elliot at Aiden? Lagi nalang MIA ang dalawang yun."


Lumapit sakin si Carter at umabrisyete sa braso ko. "Nakakaselos na baby Casper ha, nandito naman kami ni Caleb pero yung dalawa pa rin hinahanap mo. Di ka ba kuntento samin? Sakit sa heart at balun- balunan." Agad kong tinanggal ang braso niyang nakakapit sakin, kinikilabutan ako sa pinaggagawa at pinagsasabi ng gagong to.


"Pwede ba Carter tigilan mo yang kabaklaan mo. Layuan mo ko. Dun ka kay Theo, siya ang landiin mo total mukhang matagal ng tigang yan."


"Oy! Ano yan ha? Anong matagal ng tigang sinasabi mo man? Hoy! Para lang alam niyo, kakatapos lang namin kanina ng isang member ng Student Council sa CR." Napangisi ako sa sinabi niya. Hanep. Pati member ng SC nakana na nito. Habang nakikinig ako sa asaran ng tatlong unggoy ay napatingin ako bigla sa nagbukas ng pinto n gaming hide out.


"Hey fuckers. Hulaan niyo sino kasama namin."


"Chic o manok?" tanong naman ni Carter habang ako titig na titig sa pintuan at hinihintay kung sino ang papasok na kasama nila Elliot at Aiden.


"I think she's a chic. Base on my observation she is 36B, 26, 36. Coca- cola body man."


"Woh! Where is she? Ilabas niyo na walangya umiinit pakiramdam ko."


"Mga manyak! Itigil niyo na nga yan. Ipakita niyo na yung kasama niyo ng matigil na ang kalibugan sa isipan ng mga gagong to." At bigla nalang parang may anghel na amazonang hinulog ng langit. Bigla akong kinabahan, oo kinabahan ako bumilis tibok ng puso ko eh. Di ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatitig sa mga dibdib niya ay este sa mga mata niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Abort MissionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon