"SO, WHAT'S new at the Club?" Inilipat ni Eneru ang cellphone sa kabilang tenga habang nakatutok lang sa kalsadang dinaraanan ng sasakyan niya ang kanyang mga mata. "Ilang linggo rin akong naburo sa Las Vegas. Nami-miss ko na nga si Mirage." Iyon ang kanyang most-prized Arabian stallion horse.
Papasok na sila ni Trigger, ang kausap niya sa cellphone at nasa kabilang sasakyan sa kanan niya, sa private road na sakop ng malawak na lupain ng Stallion Riding Club kung saan pareho silang exclusive member. Kaya naman okay lang na makapag-usap na sila ngayon sa cellphone habang nagmamaneho.
"Didn't you hear the news? Jubei got married."
"Really? Kung ganon natuloy na rin pala sila sa simbahan ni Rumina. You know, I never really thought they would end up together. I mean, Jubei's kinda boring. He needs someone with a lot of attitude—"
"Hindi si Rumina ang pinakasalan niya. Someone else. Her name's Temarrie. And I tell you, that girl has so much attitude in her. Kaya siguro hindi na nakaporma pa si Jubei sa kanya."
"Hah. Well, what do you know." Natural lang na mabigla siya. Ever since Jubei entered the Club, si Rumina lang ang tanging babaeng binigyan nito ng pansin. "Mabuti naman at ginagamit din ni Jubei ang puso niya at hindi lang laging isip. I can't wait to meet his wife."
"Huwag na. Baka magaya ka lang kay Neiji. Muntik na silang magpang-abot doon sa Club nung kelan yun dahil pinagselosan siya ni Jubei."
"Kailan pa naging possessive ang isang iyon?"
"Mula nang mag-asawa siya."
Napangisi si Eneru. "Mukhang interesting nga ang babaeng napangasawa niya para magselos ng ganyan ang isang iyon."
"Kung ganyan ka ka-interesado, why not get yourself married, Eneru?"
"Trigger, wala pa sa bokabularyo ko iyan."
"Ganyan din ang sinabi noon ni Jubei."
"Hindi ako si Jubei." Nilingon niya si Trigger sa kabilang sasakyan. Just like him, his friend had his car's hood down. Nakangisi na ito habang hawak din nito sa tenga ang cellphone. "Ikaw, Trigger, baka may balak ka na, sabihin mo lang. Huwag ka nang mahiya tutal tayong dalawa lang naman ang makakaalam."
"Yeah, right. Kung meron mang pinakatsismosong mga tao sa mundo, lahat ng iyon ay naipon sa Stallion Riding Club."
"Kasama ka na dun."
"Masama ang magbintang, Eneru. Hindi ka matutunawan."
"Hindi pa naman ako kumakain. Ikaw ang mag-ingat. Baka mausog kita."
"Hindi ako naniniwala diyan." Narinig niya itong tumawa lang sa kabilang linya. "Mukhang masaya yata ang araw mo ngayon, Trigger. Anong meron?"
"Lagi naman akong masaya."
"Pero madalang kang tumawa. Something tells me na may balak ka na ring sumunod sa mga yapak ni Jubei."
"Wala pa sa isip ko iyan, Eneru. May gatas pa ako sa labi."
"Ow? Kaninong gatas naman kaya galing iyan?"
"Sikreto. Walang clue."
Sabay silang napatingala ni Trigger nang daanan sila ng isang helicopter. Kilala nila ang piloto niyon. Ang isa pang riding Club member na si Neiji Villaraza. Sumilip ito sa gilid ng chopper at ilang sandali pa ay narinig na nila ang isang tinig mula roon.
"So long, suckers!" Sumaludo pa ito sa kanila bago tuluyang nauna sa kanila.
Napailing na lang si Eneru. "Si Neiji talaga. Wala ng ginawa kundi magpasikat. Mukhang may balak pa siyang makipagkarera sa atin ngayon."
BINABASA MO ANG
Stallion Riding Club 2: Eneru Villasis (COMPLETED)
Romance"Masakit na ang mga paa ko. Hay..." May narinig si Jhunnica na munting ingay at ilang sandali ay naramdaman na niya ang pagluwag ng kanyang paghinga. "Ay, ano ba iyan?" Bumigay na pala ang butones ng suot niyang palda dahil sa naghuhumiyaw niyang...