Epilogue:

1.6K 53 16
                                    

Mataas ang sikat ng araw pag kaupo ko sa may parke. Hindi pa ako nakuntento at tinapat kopa mismo sa mga sinag niyon ang aking mga kamay habang tila naglalaro doon ang liwanag nito. "Anong ginagawa mo?" Tanong kaagad sa akin ni Katrina. Agad akong napatingin sa kanya. Naka blusang puti ito at naka palda. Nakangiiti ang kanyang mga labi habang ang kanyang dalawang kamay ay nasa kanyang harapan.

"Anong okasyon at bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ko kaagad dito.

Nag pamewang siya. "Ako ang unang nagtanong kaya ikaw rin ang unang sumagot." Ngumiti  lang ako. Ngayon kolang napagtanto na bukod sa sikat ng araw ay may isa pa akong na miss sa mga sandaling ito. Walang iba kundi ang katarayan niya.  

Nakita ko ring ngumiti siya pag katapos niyon. "Na miss ko lang ang araw." Sa maiksi kong sabi. Unti unti siyang nagpunta sa aking harapan at agad akong tinabihan. "Ako eh... gusto ko lang maging maganda ang ora ko pag punta ko dito." Ika niya.

Tinignan naming dalawa ang ganda ng paligid. Mga batang naghahabulan. Isang kumpol ng kabataan na nagpapalipad ng mga saranggola at kung ano ano pang senaryo ang aming pinagmamasdan.

Bigla nalang nilagay ni Katrina ang kanyang ulo sa aking balikat. Mukang naglalambing.  Naramdaman ko kaagad ang init ng kanyang bumbunan. Naamoy korin ang kanyang mabangong buhok habang nadarama ng aking balat ang mga hibla niyon. "Ako rin na miss ang ganto?" Ika niya.

Sa aming pagpapatuloy na pagtingin sa buong parke ay bigla namang nahulog mula sa aming harapan ang isang saranggola. Isang bata ang biglang lumapit. Kinuha ko naman ang mismong saranggola at agad ko iyong ibinigay sa bata. "Salamat po kuya.'' Ika nito. Pag tingin ko sa batang iyon ay hindi ko magawang isipin si Rej. Sa aking palagay ay masaya na siyang namumuhay sa distrito uno kasama ng kanyang naging ate na, na si Calina.

Naging maganda na ang ekonomiya ng buong Riconia. Ang dating haring pinatalsik ay muli ng nagbalik sa kaniyang pwesto. Iniba narin nila ang kanilang mga patakaran doon. Bawat bampira ay pantay na pantay na, Walang mayaman at walang mahirap. Ngayon makakatulog na ang lahat na walang inintindi kung may panganib na darating dahil namumuo na ngayon tungo sa bawat isa ang kalayaan at katahimikan.

"Anong iniisip mo?'' Tanog sa akin ni katrina habang nakita niya ako na tila malayo ang tingin."

Huminga lang ako ng malalim. "Wala." Ika ko.

Hindi siya kumbinsido sa aking sagot. Nagawa pa niyang tangggalin ang ulo niya sa balikat ko sabay tingin sa akin ng direcho. "Ano nga yun?" Pangungulit niya.

"Hindi lang ako makapaniwala." Ika ko.

"Hindi makapaniwala saan?"

"Na magiging tao pa tayo muli." Sabay tingin ko sa mga mata niya.

"Salamat sa kuya mo." Ika nito.

Pagbalik namin mula sa Riconia ay agad kaming pinuntahan ni Kuya Sherwin sa may bahay. Inischedule niya kaagad kami upang agad kaming maturukan ng antedote. Nasabi ko rin sa kanya ang kalahating epekto nun kaya ako naging isang ganap na bantao. Kaya wala nang duda sa epekto non.

Biglang kong pinikit ang aking mga mata pag katapos nun. "Alam mo Katrina? Nung inaakala ko na patay kana nung nasa taas tayo ng gusali. Nakikinita kinita ko ang mga senaryong ganto." Sabay mulat ko. "Yung makikita kita sa isang parke tapos tatabi kasa akin. Masayang masaya tayo." Ika ko.

Hindi lang siya nag salita. Bagkus ay kinuha niya lamang ang aking kamay. Agad kong naramdaman ang init niyon. "O sige. kung gayon eh ipikit mo ulit yung dalawang mata mo tapos eh i-try natin kung may makikita ka ulit." Dare nito.

Red Rose (Soon to be Publish under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon