Free Heart

7 0 0
                                    


Do you still remember?

Naalala mo ba nung una tayong nagkita?

Yun yung araw na nabunggo kita sa cafeteria. Ang dami mo kasing dala at ang kapal pa ng grado ng salamin mo.

Hingi ka ng hingi ng sorry, samantalang ako, nakatanga lang sa harap mo. Napakamot pako ng ulo ng nakita ko na napulot mo na ang mga gamit mo.

Nagsorry din ako sayo, pero ang bilis mong nawala alam mo yun? Di ko tuloy natanong pangalan mo.

Kaya nung nakita kita sa library na mag-isa, di nako nagpaligoy ligoy pa. Umupo ako sa tabi mo.

Pero parang wala lang sayo.

Kaya kinuha ko ang book mo at sinulatan ko. Nakita kong nagulat ka.

Ang cute.

"Ako nga pala si Steff. Ikaw?"

Tsaka ko binalik sayo yung libro mo. Akala ko magagalit ka, pero sinulatan mo din yung likod ng book mo.

"Klein Mae" Ang ganda. Kaso pagtapos non tumayo kana. Nakakabitin.

Pero laking tuwa ko ng bumalik ka at may inabot kang papel na may numero mo.

Muntik na akong mapasigaw kung di ko lang nabasa yung "Silence please" na sign.

Mula noon lagi na tayong nagtetext. Sumunod ay tawagan na. Para akong babaeng kinikilig.

One time inaya kitang lumabas, maglunch ba. Nagulat ako, pumayag ka. Sobrang saya!

Hanggang sa nasundan na ang ating pagkikita, napunta sa lagi na tayong magkasama at naging magbestfriends na.

Hindi ko inakalang mapupunta tayo sa puntong ganon. Ang sarap sa feeling na ako na ang nakakaalam ng secrets mo, nasasabihan ng problema at kasama sa pagtawa.

Pero dumating sa point na minahal kita. Ang hirap pigilan lalo na't lagi tayong magkasama.

Na lagi kitang pinagmamasdan pag nagbabasa ka, at mag-iiwas ng tingin pag bigla kang lilingon sakin.

May time non, kumakain tayo sa cafeteria, bawat subo mo tinitingnan ko. Hanggang may naiwang ice cream sa gilid ng labi mo.

Ilang beses ako lumunok non, pero sa huli, pinunasan ko pa din. Kahit pakiramdam ko malulusaw ako pag nadadampi ang balat ko sa balat mo.

Nagtagal ang pagkakaibigan natin dalawa. Laking pasasalamat ko at walang nanliligaw sayo. Lagi akong nagdadasal na sana ako na ang para sayo. Kase mahal na kita. Ikaw, Klein Mae.

Isang araw hindi ko na nakaya pa. Magkatabi tayo sa park non. Umusad ako para lalo tayong magkalapit. Ikaw naman, tuwang tuwa sa mga batang naglalaro.

Hinawakan ko ang kamay mo, akala ko magagalit ka. Pero hindi. Nginitian mo lang ako. At sinabi mong...

"Oo Steff, mahal din kita."

Sobrang saya ko nung araw na yon! Kase mahal ako ng babaeng mahal ko. Kase ako na ang lalaking mahal mo.

Lumipas ang mga araw hanggang sa dumating ang mga monthsaries at anniversary natin. Pinaghandaan ko yon kase mahalaga ka sakin at gusto kita mapasaya.

Gusto kitang masurprise. Pero hindi ko inaasahan na ako pala ang masusurprise.

Nagonline ako nung time na yon. Nakita ko online ka din. Ni hindi mo man lang ako binati o dimo naalala?

Free HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon