Hi mga bakla! Bata pa lang aketch ay matuturingan mo na akong vadette. Before at bago ko isiwalat ang aking KABOG na istorya, ako ang fah-bu-louz na si George Dennis Valencia oh diba! I know lalaking lalaki eeww! pero anong magagawa ko kahit wit ko bet, yun ang gusto ni mudrakels, kaya ang itawag niyo na lang sakin valeria or kung choosy pa rin kau ITSURA NETO! Eh di georgina na lang, hotness owverload! Oh zsa zsa basahin mo na next na paragraph baka intro ko pa lang hiyang hiya ka na sakin nyaha!
Kwento ko muna mga ouchness nung bata pa ako as in ouch! (ulit ulit??). Sabi ko nga kanina sa murang edad ko pa lang (mga 7 yrs. Old ganun) ay nakitaan na ako na hindi ako straight na "man" ng aking mga magulang. Kahit papano masuwerte ako, dahil hindi galit si pader, hindi katulad ng iba kong shufatidz na ginugulpi sila at nilulubog sa drum (sirenang epek lang?). Pero sa mga kalaro at mga kaklase ko ako nagka-problema. Kung mga parents ko tanggap ako, silang mga nakapalibot sakin hindi, ewan ko ba nasa mars ata ang utakelya nila. Merong time na nakikipaglaro ako sa kapitbahay namin na puro sila lalaki…
“*kalaro#1* GEORGE!!! Tara laro tayo may baril ka ba diyan?”
“*kalaro#2* oo nga pero kung wala meron akong extra dito kaso maliit eh”
“ah ganun ba sige no problem FaFa! Ah *ehem* este sige saglit lang ah baka FAluin ako ng Fader ko kapag late ako umuwi eh?!”
“*kalaro#3* sure! Diyan lang din naman tayo sa kanto ni manong esmer eh bago mag takipsilim uuwi na tayo!”
Nang niyayaya ako na magbaril barilan, alam ko sa umpisa pa lang ayaw ko ng gantong laro, pero wala akong magagawa kundi maki-ride na lang para wala silang masabi.
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Nang mga sumunod na araw, nagtataka na mga kalaro ko bakit ayaw kong makipaglaro sa kanila…
*sa tapat ng bahay*
*pasigaw ang peg niya*
“*kalaro#2* hoy George! Laro naman tayo oh! Bakit hindi kalumalabas diyan sa bahay niyo?”
“A eh ano kasi yung ano ko……..”
sabi ko na lang eh masakit mga (b-e-a-t-i-f-u-l) paa ko. Hindi na ako lumalabas ng bahay simula nun dahil feel ko naman na hindi ako belong sa outside world (drama much?haha), kaya nagmukmok ako sa kwarto ko, sa sala at basta sa sulok lang ng bahay (as in sulok :p okay?).
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _
Dumating pinsan kong galing America at ay! Ganders ito mana sakin syempre, at siya si Anna. Sa lahat ng pinsan ko siya lang ang close door ko. Siya ang unang naka-alam ng pagka-pusong sirena ko. Meron kasi nung naglalaro siya ng Barbie doll at patago akong tumitingin sa kaniya, napansin niya akong naiinggit, kaya inalok niya ako kung gusto ko makipaglaro sa kanya…
"gusto mo ba pahiram ko yung isa?"
*smile*
“hala! Okay lang ba?”
*nahihiya daw ako mukang may allergy ako ngayon ah haha*
Tuwang tuwa ang lola niyo ng abutan nya ako ng isang Barbie, bale tig-isa kami (rica peralejo niya no? doctor kasi both parents niya).
Mga ilang araw din ako na nakakapaglaro ng walang nanglalait sakin, yung tipong kapag kasama ko si anna alam na niya na mga laruan niya ang gusto kong pakialaman. Pero hindi nagtagal may nakakita samin, at yun ay ang nakakatandang kapatid ni anna na si kuya bert, sumunod lang galing amerika. Naglalaro kami sa kwarto ko ng biglang bumulaga sa harapan naming ang kuya ni anna, at ang eksena…
*hawak ko lang naman ang Barbie at sinusuklayan, habang si anna naman tinitirintas ang bangs ko, yun lang naman ang mahaba sa hairlalush ko that time ng biglang...*
BOOM! Humagalpak sa tawa si kuya bert kulang na lang maglulumpasay sa sahig! That time yung mukha ko sobrang hindi maipinta dahil yun ang pinaka first feeling ever na ma-bully ng iba, haay mga auntie GRAVITY! At ay may pahabol pa tong bakulaw na to bigla ba naman niyang sinabi…
"SALOT! Haha yow! bakla bakla mukang palaka!"
*me staring at him with a blank face (English taray!pagbigyan niyo na!)*
After lumayas ng kuya niya, humingi ng sorry si anna saka niya hinabol ang kuya niya (ewan ko kung anong gagawin niya sa kuya niya sana jumbagin niya char!), at ayun alona alegre na ako, yun ang unang(first) luha(tears) ng aking mga mata (alangang tenga?) na hindi ko alam kung bakit iba ang pain eh lagi naman akong pinapalo ni mader ko, hindi naman ako ganoon ka emotional, pero sabagay pag bata eh iyakin naman diva?
Pagkatapos nga ng pangyayare na yun, dun nalaman ng buooooooong! sambayanan (wag excited antey! syempre sa bahay muna makakaalam ng gay power ko no!), kung sino talaga ako syempre unang reaction kay mudra ay halos matulala at si pader na isang linggo akong hindi pinapansin cold treatment kumbaga. Ayun after a month eh naging normal ang menstruation ko ESTE! Ang pakikitungo nila sakin. For that I'm very glad and honored pero…
"Ito palang ang start ng pamumukadkad ng kasarian ni George Dennis Valencia…….."
BINABASA MO ANG
Nagka-AMNESIAng bakla
HumorThis is the Story of George Dennis Valencia a.k.a valeria tungkol sa kanyang pagdadalaga at tunghayan ang kanyang karanasan sa buhay na puno ng DRAMA (at sipon), ACTION (kung may bugbugan) at KILIG sa kanyang LOVELIFE..........