LEXI 5

14 0 0
                                    



dafuqqqq!!!!???

Taena!! Seryoso?! Edi wow!!

ahh gege ano bang problema?-ako

ano kase...yung girlfriend ko..nag-away kami e. Para bang nawawalan na ng spark yung relationship namin. Lagi na lang kami nag-aaway kahit sa mga simpleng bagay. Tapos kanina, sinabi niya na magbreak na lang daw kami, sinabi niya yan sa text. Hanggang ngayon di pa 'rin ako nagrereply kasi di ko alam yung gagawin ko kaya naman naisip ko na magaling ka nga pala mag advice kaya naman minessage kita, so anong dapat kong gawin?-mahabang paliwanag ni Luke.


Sa tingin ko, ang maitutulong ko lang ay ang sabihin sayo na nasa sayo ang desisyon kung ipaglalaban mo o hindi. kung tanggap mo kung ano siya, kung alam mong mahal mo siya kahit na hindi mo alam yung dahilan at kung alam mo sa sarili mo na mahalaga siya para sayo, ipaglaban mo. Marami pang dahilan para ipaglaban mo siya at hindi ko na iisa-isahin yon dahil dapat alam mo na sa sarili mo kung ano yung mga 'yon. Ngayon kung ayaw mo na talaga at pagod ka na, bitawan mo na. Pero sa tingin ko kaya niya lang nasabi yung mga yon dahil sa galit na tipong di na niya alam yung mga sinasabi niya. Nasasayo na yung desisyon. Pero siguraduhin mo na pag hiniwalayan mo o hindi mo hiniwalayan, wag na wag ka magsisisi. Kung nagdesisyon ka, make sure that it's 100% sure. Katulad nga ng lagi kong sinasabi, sinuka mo na nga, kinain mo pa-ako

Shemmssss nakakabv naman yung advice ko.


Thanks Lexi!  See you tomorrow!-sabi ni Luke


okay-sabi ko nakakalungkot e.

Haisstttttt Ano na kaya magawa?

"Lexi! Pakainin mo nga yung aso!"-sabi ni mommy. Tsk! Nakakatamad naman! No choice! Pakainin ang aso!

Buti pa ang aso, napapakain. Ako kaya? Kelan kaya ako papakainin ng pagmamahal? Hahaha nagugutom na ata ako at kung ano-ano na yung mga naiisip ko. Putek

Lumipas ang ilang linggo na boring, wala masyado humihingi advice saka wala si Luke haisttt by the way, start na ng Christmas Vacation namin!!! whoo!! Wala ako magawa!! Pero napag-isipan kong magbakasyon sa Batangas, sa mga pinsan ko para makasama sila. Malamang inaya ko si mommy, alangan naman na mag-isa lang ako bumiyahe diba? Sa San Juan, Batangas kami, san kayo? Hahahaha kaway-kaway sa mga taga-Batangas!!
안녕!!!

...

Nag-iimpake na ako kasi bukas na ng madaling araw ang alis namin. I'm so excited!! Napapasayaw tuloy ako habang kumakanta ng growl ng EXO
...
Kasalukuyan kaming nasa byahe at nakakaantok, maka-tulog nga muna! goodmornight!!
...

YEHEYYYY!!! WHOOOOOO!!! Nandito na kami ngayon sa Batangas, sa wakas! Namanhid kasi ata yung pwet ko sa tagal ng byahe, hahahaha jk.

"Lexi! Dumating na pala kayo! Pasok muna kayo sa bahay. Teka lang at ipahahanda ko na yung kwarto niyo"-sabi nung tita ko.

"Ahh sige po tita, thank you po. Nasan nga po pala sila Mae?"-tanong ko sa kanya, apat kasi yung anak niya, si Mae, panganay, si Andrea naman yung pangalawa, tapos dalawang lalaki pa, si Ken and Xander. Then, yung mga tita ko na kaedaran ko lang, ate tawag ko sa kanila kasi sabi nila, nakakatanda daw, hahaha dami arte, so yung nga tatlo sila yung panganay nasa Maynila, college na kasi e, tapos yung dalawa, si ate Angel at ate Patrice. So back to reality..

"Ahh, naglalaro sa manggahan, alam mo naman yung mga yon, dalaga na e mga naghahabulan pa rin, hahaha sige tatawagin ko pa yung katulong na mag-aayos ng guest room."- sabi niya.

"Okay po."- sabi ko.

So para 'di kayo malito sa mga parts ng bahay namin dito sa Batangas, ieexplain ko sa inyo. So bago kayo malapasok, may malaking malaking gate lels, pagkapasok niyo may fountain dun tas pabilog yung daan, tapos yung mansion nila tita, tapos sa likod ng mansion, may manggahan, mapuno don malamang, tapos may tree house dun sa gilid nung pinaglalaruan namin lagi, doon kaming magpipinsan nakatambay lagi, once again, let's go back to reality..

After ko magbihis, sumunod na ako sa manggahan, pagkapunta ko doon, wala sila, maybe nasa tree house sila. Pagkaakyat ko doon, tama nga ako dahil mga nakaupo sila sa loob at mga nagpapahinga habang nagkukwentuhan, i miss this. Walang drama ang buhay ko dito e.

"Yo!!"- sabi ko
"Oi! Nandito na pala kayo!! Tara upo ka!"- sabi ni Andrea sakin.

after 1 hour..

Sa wakas at natapos na kaming lahat sa pagkukwentuhan ng mga kalokohan namin na ginawa nung mga bata pa kami. Pagkatapos namin bumalik sa mansion, pinagalitan muna sila ng lola ko kasi ang babaho daw at ang papawis kaya naman naglinis muna sila at pinakain na kami after.

Ako? Eto, nagpapahinga, nakahiga sa malambot na kama, nakatingin sa kisame at nag-iisip. Sana ganito na lang lagi yung buhay ko, tahimik at normal.

Mga 5:00 pm na at makakatulog na sana ako nung biglang umilaw at tumunog yung phone ko

May tumatawag, unknown number.

"Hello"- ang lamig naman ng boses nya.

Hello? sino po ito?- sabi ko

"Lexi, wag mo sanang isipin na prank call toh o kung ano man, pero di ako nanggagago. Lexi pakinggan mo lang ako. Gusto kita, ang duwag ko kasi dito lang ako umamin, di ko kasi kaya kapag harap-harapan, kamusta ka naman? Nasa Batangas ka daw e"-sabi niya habang di pinansin yung tanong ko, kinamusta niya ako na parang walng pag-amin na naganap.

Hindi ko alam pero magaan yung loob ko kung sino man siya kaya naman sinagot ko siya.

Ahh oo..nandito nga ako, ayos naman ako...ikaw ba?- sabi ko na nag-aalangan

"Ayos lang din ako, sige, papatayin ko na yung tawag, pero aaminin ko na kahit dito lang kita makausap ng ganito sa phone, masaya ako, bye"- ang sumunod na narinig ko na lang ay ang pagtunog ng phone ko, senyas na pinatay na niya ang tawag.

Unknown caller, sino ka?

.....

Pasensya na kung ngayon lang ako nag ud, tapos maiksi pa, bawi ako next time btw.. HAPPY VALENTINES!!! sa mga single dyan sa tabi-tabi, kaway-kaway!!!! lels.. see you next ud

LEXITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon