Pahingi ng number
© Leicheese. All Rights Reserved. 2013
"Pahingi ng number!" bati sa akin ng schoolmate ko na bantay sa computer shop na pinaglalaruan ko. Sinagot ko siya ng "06.10" Sa tuwing pupunta kasi ako dito eh lagi niya akong hinihingan ng number. Tumataya kasi siya sa jueteng.
Nagtataka na nga ako eh. Sa akin kasi siya parati naghihingi ng number na itataya kahit wala namang tumatama sa mga sinasabi kong number. Sayang lang pera niya. Tsaka sinabi ko naman sa kanya na sa lotto nalang siya tumaya kasi illegal ang jueteng. Pero sinasabi niya lang parati, ayos na sa jueteng nalang. Tamad daw siyang pumunta sa lotto outlet, at least sa jueteng, ikaw ang pupuntahan.
"Paburn. Tsaka pakigawan ng cover noh?" tsaka ko binigay sa kanya yung flash drive ko.
"Yes Ma'am" sagot niya at sumaludo pa sa akin. Baliw!
"Ay Mich. Ano nga ulit full name mo?"
"Michelle Anne Tolentino"
"Ha? Michelle Anne Tolentino-Gozon ba kamo? Kelan pa?" binato ko tuloy sa kanya yung panyo ko. Tumawa lang siya. Tama ba namang idugtong sa pangalan ko ang apelyido niya!
"Bango ah! Anong brand ng pabango mo?" sabi niya habang inaamoy ang panyo ko.
"Tagal pa ba yan? Michelle Anne TOLENTINO LANG ha!" sabi ko tsaka inagaw sa kanya ang panyo ko. Sayang din to. Penshoppe kaya to.
"Ang cute mo pala mainis!" sabi niya at tumawa na naman. inabot na niya sa akin yung pinaburn ko. Yung ibang customers nila nakatingin na sa amin. "Byebye girlfriend!" sabi niya at nagflying kiss pa.
"ASA!" sabi ko at umalis na pagkatapos kong magbayad.
Ano ba yan! Kailangan talaga araw-araw may assignment? Gusto pa man din printed! Hindi naman lahat may printer sa bahay eh.
"Pahingi ng number!" salubong ulit sa akin ni Andrew. "14.3" sabi ko. Naka 14 kasi ako sa 3 test namin ngayon araw . Lucky number ko ngayon. Malay niyo, tumama na siya niyan.
"Sabi ko na crush mo ko eh. Gwapo ko di ba?" sabi niya at nagpogi sign pa
"Feeler!" sabi ko sa kanya
"143 kaya yung binigay mong number. tsktsk. Huli ka na dedeny kapa. I love you kaya yun. Lumang style na yan. Mapapagtiyagaan naman kita eh. Anong araw ba ngayon? 27 na pala. "
"Hoy ASA! May iba kayang meaning yun. 143 din naman ang I hate you ah! Tsaka feeler ka talaga. Anong mapapagtiyagaan? Ewan ko sa'yo. Print mo na nga lang to. Dun sa folder na Che, yung Rizal." sinunod naman niya tapos prinint na niya. Hihintayin ko nalang matapos niyan para malayasan ko na tong feeler na to.
"Asus! Umiiwas! Wag ka ng mahiya. Alam ko namang gwapo talaga ako kaya crush mo ako. Hindi naman ako maiilang sayo eh. Ikaw pa, lakas mo sa akin eh" sabi niya tsaka kumindat pa.
"Yuck! Mandiri ka nga! " reklamo sa kanya. Tumawa lang siya.
Umalis na agad ako pagkabigay niya ng mga pinaprint ko.
"Pahingi ng number!" salubong na naman niya sa akin. Hay naku. Wala namang tumatama bakit ang kulit pa rin niyang manghingi ng number sa akin.
"Sa iba ka na manghingi. Wala namang tumatama. Sayang ang pera."
"Malay mo tumama na ngayon! Dali na, pengeng number"
"Sa iba nalang. Saan pwede mag-internet?"
"Sa 12. Nakabukas na yun. Dali na kasi Mich, number lang naman, bigay ka na. "
"Ang kulit talaga. Bakit ba kasi sa akin ka pa rin humihingi ng number eh wala namang tumatama sa mga sinasabi ko?"
"Kahit na. Gusto ko yung number na bigay mo eh. Tatama ka din niyan!"
"Ay kulit! Ano nalang 12 tsaka 3"
"Yieee. Mga araw yun ng birthday natin ah! Crush mo talaga ako!"
"Anong malay ko sa birthday mo?"
"Ewan ko. Basta, maglaro ka na nga lang diyan."
Nasa mall ako ngayon di ba? Pero bakit andito itong si Andrew? Ay oo nga naman, wala na ba siyang karapatan magmall dahil nagbabantay siya ng computer shop?
Hindi ko naman siya crush pero hindi siya pangit. In fact crush pa nga siya nung kapitbahay namin eh. Gwapo siya, nakapagpagwapo pa sa kanya yung malalalim na dimples niya sa magkabilang pisngi niya. Maganda din ang kutis niya, maputi siya pero hindi yung maputing parang pambakla. Paano ba iexplain yun. Ewan basta. Gwapo siya. Yun na yun.
"Pahingi ng number!" nakangiting bati niya sa akin nung magkasalubong na kami. Kitang kita tuloy yung dimples niyang malalim.
"Ay bakla! Kilala mo? gwapo ah! " bulong sa akin ng kaibigan ko. Bibili kasi kami ng yellow paper sa National.
"Ano ba yan. Hanggang dito ba naman?"
"Hindi naman yung mga number na binibigay mo ang hinihingi ko sa'yo. Pahingi ng number! Hinihingi ko cellphone number mo. Para alam ko kung kailan ako pwedeng magsimulang manligaw sa'yo. "
Dahil na rin sa pagpupumilit ng kaibigan ko na ibigay ang number ko at kunin yung kanya, kaya yun, nagpalitan kami ng number. Nagpaalam na siya nun kasi may klase pa daw siya kaya nauna na siya. Ito namang kasama ko, parang kiti-kiti habang kinikilig kilig pa siya sa sinabi ni Andrew. Sus. Trip niya lang yun.
Pero dun ako nagkamali. Kasi habang nagkakatext kami, mas nakilala namin ang isa't isa at dun naging kami pagkatapos ng ilang buwan. Huminto na rin siya sa kaka-Pahingi ng number niya sa akin tuwing magpupunta ako sa computer shop nila. Tapos madalas, dinadagdagan niya yung time ko pag naglalaro ako dun. Malugi sila niyan! Pero kinikilig ako pag nagpapakasweet siya.
Tulad nung minsan...
"Mich! May band-aid ka ba? Nadapa kasi ako eh..."
"Ha? Nasugatan ka ba? Teka hanapin ko lang."
"Nadapa dahil nahulog na ako sa'yo."
"Sus! Pick up line na ba yan?!" Tumawa ako ng tumawa kahit sa totoo naman kinikilig ako pero natigilan ako nung bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"Kunwari ka pa. Namumula ka kaya!Yieee. Kinikilig siya" sabi niya at kinurot naman ang pisngi kong hinalikan niya. Tingin ko mas namula ako dahil dun.
"Iniisip mo na naman ako?" sabi ni Andrew sa akin habang nasa may gate namin kaya nabalik ang ulirat ko.
"Syempre! Sino pa ba namang iisipin ko" hindi naman kasi kaila sa kanya na crush ko na siya eh.
"Patayin mo nalang yang ilaw niyo" nababaliw na ba siya?
"Bakit? Madilim kaya!"
"Para tayo nalang ang mag-ON!"
"Sige na. Gusto mo eh"
"Talaga?"
Ako na ang nanghalik sa kanya para hindi na magduda. Ayun na kasi eh. Mag na-Nice job, Cupid na ako tapos pagdududahan niya lang pala ang pagsagot ko sa kanya? Hindi tama yun!
----
Leicheese's note:
Hi Michelle Anne :)))
Sensya natagalan. Ayos lang ba sa'yo to?
Credits to the photo owner. Got it here:
http://cdn.zmescience.com/wp-content/uploads/2013/02/number.jpeg
BINABASA MO ANG
Pahingi ng number
RandomHindi naman pantaya sa Jueteng ang hinihingi ko sa'yo. Pahingi ng number! Pahingi ng cellphone number mo, para alam ko kung kelan ako pwede magsimulang manligaw sa'yo.