Isang nakakabinging tunog ang patuloy na naglalaro sa aking mga tainga.
Nakakasurang.
Hindi ko din alam kung pano ko natitiis marinig ang napaka sintunadong tuno mula sa pag kampay ko sa aking gitara, sabay ng pagsulat ng mga walang kwentang nota sa aking papel na makailang beses kona ding inulit.
Pagkaraan ng ilan pang sandali, hindi ko na natiis na pakinggan pa ang tunog na aking nalilikha na wala namang pinatutunguhan.
Nilukot ko ulit ng pabilog ang papel na pinagsusulatan ko at tinapon sa basurahan na malapit na ring mapuno.
Ibinaba ko ang aking gitara at tumayo para tumungo sa keyboard sa kabilang lamesa.
Nagsimula akong tipain ang mga nota ng paborito kong kanta.
Pagkalipas ng higit limang masasarap sa tengang nota, nagsimula na naman ang pagka sintunado ng bawat tunog.
Napaka tinis, Napaka baba at biglang tataas. Pero sa huli napa ub-ob ako sa kawawang piano na muling lumikha ng sabaysabay na panget na tunog.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapaluha. Wala na kong pakialam kung mabasa man ang instrumentong ito.
Wala na rin naman itong kwenta. Wala nang maayos na tunog ang nalilikha ko rito.
Dalawang taon. Dalawang taon na ang nakalilipas pero bakit wala pa ring pagbabago?
Oo nga't nagawa kong baguhin ang sarili ko pero bakit sa lahat ng pwede kong bigyan ng pagbabago, dito pa?
Para itong sasakyang wala sa linya.
Bisekletang walang kadena.
Tahanang walang haligi.
Bintilador na walang hangin.
Napaka walang kwenta.
MUSIKA. Yan ang dahilan kung bakit ako patuloy na nabuhay noon. Kung bakit ko nagawang bigyan ng direksyon ang buhay ko sa kabila ng lahat. Ang kasiyahan ko. Ang minamahal ko. Ang mismong buhay ko.
Pero di ako nakapaghanda sa isa pang papel ng musika sa buhay ko. Ang maging dahilan para bigyan ito ng kulay dahil sa pagmamahalan. Pagmamahal sa taong di ko namalayang pumasok na pala sa aking buhay.
Buong buhay ko wala akong ibang ginusto ko din mahalin ng lahat ng mahal ko. Hanggang sa dumating siya.
"Uh. Miss Dominic, Nakahanda na po ang pagkain natin." biglang niluwa ng pinto ang babaeng hindi nawala sa aking tabi. Si Monica.
"Hindi ka na naman kumatok Monica." sagot ko sabay tingin sakanya.
"Ay! Sorry po. Ulitin natin" aniya at umaktong lalabas para kumatok bago pumasok pero tumayo na ko at tumungo sa pinto.
"At nag po-po ka na naman." sagot ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kusina.
"Umiyak ka na naman." narinig kong aniya. Hindi ko na lamang siya pinansin, baka humaba pa ang usapan.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita ulit si Monica.
"Tumawag nga po pala si Sir Luke, ipapahatid niya daw po muna si Ken dito. Babalik daw po kasi siya sa Italy para ipagpatuloy ang kanyang pag aaral. pormal niyang sabi na parang nag alinlangan pa.
Binitawan ko ang kutsara at tinidor na gamit ko. Hindi niya pa rin talaga maintindihan kung bakit ko ipinadala ko yun sakanya.
"Ikaw na bahala sakanya pagdating niya dito, Monica." Uminom ako ng tubig at tumayo na. " Mag ayos ka na." pinal kong sabi at nagtungo na sa kwarto ko para makapag ayos na rin.
Isang araw na naman ang nagsimula at matatapos din ng walang pagbabago. Nagsasawa na ko. Paulit-ulit na lang bang ganito? Gigising, kakain, papasok, uuwi at matutulog.
Ganyan umikot ang mundo ko simula ng iwan niya ko. Dinala niya lahat ng saya na meron ako. Nawala na lahat ng dahilan para magkaroon ng kurba ang labi ko at ngumiti.
Ako si Kaye Dominic Villareal, 19 years old. Mag isa. Malungkot. Walang buhay. At ito ang kwento ko.
Ang kwento ng musika ng buhay ko.
AN: Unang likha ng utak na kinakalawang at naguguluhan. Lul.
BINABASA MO ANG
Hear My Voice
RomanceSaradong isip. Naka kadenang puso. Magawa mo pa kaya akong pakinggan kung sasabihin kong HEAR MY VOICE?