Destiny [1]

10 2 0
                                    

Mary..

"Kriiiiiing.... kriiiiiiinnngg.." isang malakas na tunog ang aking narinig kaya napagising nako para patayin to.. naalala ko at first day of class na naman. Makikita ko na ulit ang mga kaibigan ko haha :) nakaka miss din pala sila. At syempre makikita ko na rin si Deric, ano na kayang hitsura niya? Pag katapos ng ilang buwang bakasyon matagal tagal din yun ahh..

Bumangon na ako at naligo, gusto ko rin kasing pumasok ng maaga para makapag kwentuhan pa kami ng mga kaibigan ko kasi naman ilang buwan banaman diba. Nakakamis kaya yung mga asaran at kwentuhang nakakatawa. Ayy tama na nga ang daldal ko na.

Pagkatapos ko magbihis eh bumaba na ako at may nakahanda ng almusal.
"Hi anak!" Sabi ni mama. Hello eomma Good morning, haha pa Kpop ako haha :) [eomma = mama].
"Kumain kana dito, at baka mahuli kapa sa klase mo first day of class ayokong mahuli ka." Opo mama, medyo maaga panaman po eh. Kumain na ako at maya maya ay natapos narin nag paalam narin ako kay mama. Bye eomma alis na po ako. "Sige anak, mag ingat ka huh!" Opo eomma sige po..

Sumakay na ako ng trycicle, OO trycicle lang di naman ako mayaman noh! May kaya lang. Atsaka medyo malapit lang naman yung school namin dito siguro mga tatlong kanto, pwede ko ngang lakarin yun eh. Kaya lang pabebe ako eh haha :) ayoko pumasok ng haggard ang mukha ko noh! Gusto ko fresh parin baka mamaya makasalubong ko pa si Deric nakakahiya naman kung ang pangit ng hitsura ko.

Nakarating na ako sa school, wala parin namang pinag bago ganun parin tulad ng dati, medyo madami na din yung mga studyante.

Habang nag lalakad ako may nakabanggaan ako. Aray! Ano bayan? Mag ingat ka naman sa dinadaanan mo. Ang taray ko sa part na yan ahh.. haha :) eh paano ba naman hindi nag iingat saan saan yata nakatingin. "Sorry, diko sinasadya nag mamadali kasi ako eh. Pasensya na talaga". Sabi nung lalaking naka bangga sakin, Matangkad siya, gwapo din, maputi at mukha namang mabait. Kaya lang parang PNB [Patay Na Bata] haha :D di naman sa panglalaet pero ganun talaga ehh..

Ok lang sige! Pero sana sa susunod mag ingat kana ah. Ayan ang sabi ko sakanya.. "Oo salamat. Sorry talaga". Sabi niya at naglakad na ako papalayo sa kanya.

Maya maya nakarating na ako sa Room at nakita ko na ang mga kaibigan kong sina Ella, Mae, Hannah, at Angel. Nilapitan ko sila, sobra kong saya kasi namiss ko sila eh.. "Oh Mary... kamusta na ?" Sabi ni Hannah. Eto ayos naman maganda parin. Haha :D ganyan lang ang biruan namin. "Oo nalang" sabi ni Hannah, Kahit kailan talaga mga kontrabida to. "Nakita namin si Deric, grabe ang gwapo parin niya" sabi ni Ella. Kinilig naman ako haha pag naririnig ko talaga yung pangalan niya parang nagiging masaya na talaga ako eh..

Maya maya ay may dumating ng prof. At nag turo na siya, medyo na bobored ako, ang hina kasi ng boses at ang naririnig ko lang ay daldalan ng iba kong mga kaklase. Wala yata talagang nakikinig sa kaniya..

........ . ....... . ..........

[Breaktime]

~~~Canteen~~~

Nasa Canteen kami ngayon at kumakain, syempre ano pa ba ang ginagawa sa Canteen ? Edi kumakain :D Dahil nakulangan ako sa pagkain pumila ulit ako at umorder.. oo na mahilig talaga ako sa pagkain yun na siguro yung Hobbies ko #Eating haha . Nang naka bili na ako may naka bangga nanaman ako! Kaya natapon ang pagkain ko.. Ano bayan? Hindi naman nag iingat. Bayaran mo tong natapon na pagkain. Sabi ko sa nakabunggo sakin at nagsalita siya. "Sorry diko sinasadya, sige babayaran ko na lang". Nagulat ako ng makita ko yung naka bangga sa akin.
Ikaw?? O.O Sinusundan mo ba ako? Kanina ka pa eh, una na bangga mo rin ako papasok dito sa school, tas ngayon dito naman sa Canteen at natapon mo pa ang pagkain ko! Wow! Galit nako? Haha medyo assuming naman ako sa sinabi kong sinusundan niya ako. Parang gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko.

"Sorry talaga. Hindi naman kita sinusundan nagkataon lang na nagkita ulit tayo. Pasensya na kung lagi kitang na babangga." Sabi niya. "Hmm.. magkano ba ? Para mabayaran ko yung natapon na pagkain." seryoso ahh babayaran niya talaga ? Sabagay siya naman ang may kasalanan kung bakit natapon yun. Hindi wag na, nawalan na rin naman ako ng gana kumain eh. Libre ko na yun sayo. Nako ayoko na nawalan na talaga ako ng gana, kaya bumalik na lang ako sa table kung saan nandoon ang mga kaibigan ko.

"Sigurado ka ba?" Ang sabi niya.. Oo naman mukha ba akong nag bibiro? Sagot ko habang naglalakad palayo sa kanya.

Nang nakaupo na ako, "Sino ba yung lalakeng yun?" Tanong naman sa akin ni Mae habang umiinom ng softdrinks. Ah! Ayun? Yun lang naman yung lalakeng nakabanggaan ko kanina papasok dito sa school, at ngayon nabangga nanaman niya ako at natapon pa ang pagkain ko.. "Infairness gwapo siya" sabi ni Hannah.. " kaya nga, siguro Destiny talaga na magkita kayo?" Sabi ni Angel. Anong Destiny? Sinasabi niyo dyan? Ayun? Yung lalakeng yun? Tssk hindi no. Si Deric lang ang lalakeng para sa akin at naniniwala ako. Totoo naman ahh? Si Deric talaga yung para sa akin haha kahit ako lang ang nagsabi at may gusto non..

Singit naman ni Ella, Deric, Deric? Eh hindi mo pa nga siya nakikita simula kanina? Destiny ba yun? "Hahahaha". Pinagtatawanan naman nila akong apat. Nako maka alis na nga muna gusto ko munang makapag isa. Sandali lang punta lang akong CR sa room niyo na lang ako hintayin. "Ok sige".. sabay sabay nilang sagot at pumunta na nga akong CR.

Pagka labas ko ng CR, may narinig akong nag uusap na boses ng isang babae at lalake at yung boses ng lalake parang kilala ko yung parang boses ni... Deric? Lumabas na ako ng pinto at nakita ko sa labas ang isang babae na mukhang maganda at.. tama nga ang nasa isip ko si Deric nga yung nasa labas. Nagulat ako ng halikan ng babae si Deric, parang di ako makagalaw sa nakita ko. Parang nasaktan yata ako. Bigla nalang may tumulo na luha galing sa mga mata ko, tumakbo ako para di makita ni Deric yung hitsura ko dahil baka kung anong isipin niya.

Naglakad lakad muna ako sa corridor di muna ako pumasok sa room mga 20 minutes pa naman bago mag start ang klase. Parang nadurog ang puso ko.. ayy bakit ba ako nasasatan ng ganito? Eh hindi ko naman boyfriend si Deric! May lumapit sa akin at inabutan ako ng panyo. "Wag ka ng umiyak" pag kasabi niyang yun ay umalis na siya. Salamat, sabi ko sa kanya pero di na siya lumingon, diko tuloy nakita kung sino yung nagbigay ng panyo sakin. Pero lalake siya, salamat parin sa kanya. Napag isipan ko ng bumalik sa klase pagka pasok ko.. " Oh ! Bat ang tagal mo?" Sabi sa akin ni Mae. Mamaya ko na lang ikkwento sayo kapag katapos ng klase. Sagot ko sa kanya at tumango lang siya.

Pumasok na ang aming prof. At may kasamang isang studyante. "Class! He is your new classmate, sana maging good kayo sa kanya." Sabi ni Mr. Portillo. "YES Sir," sagot naming lahat. At pumasok na yung studyante at nagulat ako sa kanya, dahil siya yung nakabunngo sa akin. "Hala diba siya yung kanina?" Sabi ni Ella. Oo nga siya nga yung kanina at nakatingin pa siya sa akin siguro na aalala niya ako.
"Goodmorning, I am Jerome Enriquez and I am 19 years old." "Ahh Jerome pala yung name niya?" Sabi ni Hannah. Yung mga kaklase ko naman babae mga nakangiti parang kinikig ata? Bigla namang sumingit si Angel, "yan ba yung hindi Destiny?" Nagulat naman ako sa sinabi niya, Ano bang sinasabi mo diyan? Diko naman kasi sya maintindihan. "Nako pa kunwari pang hindi alam, samantalang Topic naman natin kanina?" Sabi naman ni Mae. At bigla na nga lang nag sink in sa utak ko yung mga sinasabi nila. Eh ano naman ngayon? Kung ilang beses na kaming nagkita? wala namang kaso sa akin yun. "Weh? Talaga? Eh kapag kay Deric yun nangyari, sasabihin mo Destiny." Sabi ni Hannah. Bigla ko tuloy na alala yung kanina, nung nakita ko si Deric at yung babae na hinalikan siya at siya naman gustong gusto.. tsss ..

Natapos na ang klase nag hiwalay hiwalay na kami. Pero si Mae kasabay ko siyang umuwi at doon ko nga kinuwento yung nakita ko kanina kay Deric. Sinabihan naman niya ako na siguro hindi talaga kami ni Deric kasi nga diba magkaiba kami. Naghiwalay na kami ni Mae dahil malapit na ang bahay namin at siya naman ay maglalakad parin, ilang lakad lang naman kasi ay nasa bahay narin siya. "Sige na bukas na lang, wag mo ng isipin yun hindi siya Deserving para sayo" sabi niya OmoO nalang ako at pumasok na sa loob.

DESTINYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon