December 17,2015 Thursday, 10:30 am
"Doon na lang muna tayo sa mga benches." Sabi ni Chris habang papasok kami ng school.
Hay finally Christmas break na namin. Kakatapos lang ng huling klase namin pero napag isipan ng barkada na tumambay muna.
"Chris bakit hindi ka nagaaral? Tignan mo nga yung mga kaklase mo dun. Halos ipapasok na ata nila yung libro sa kanilang utak." Patawang sabi ni Dane.
"Ano ka ba girl, alam ko na yan. Hindi mo ba alam na kadalasan ako pa yung hindi nagaaral pero mas mataas pa din yung grado ko kesa sa kanila"
"Ang talino mo talaga girl. Bilib na bilib ako sayo" sabi ko sa kanya. Nag kunwaring hair flip pa si Chris pero mayamaya binuksan din niya ang kanyang libro.
Kinuha ko ang makeup kit ko at naglagay ng kung ano ano sa mukha ko. Alam ko naman na hindi talaga ako marunong maglagay nito kaya tatawagin ko na lang itong messy look.
"Ano kayang magandang iregalo sa SP ko? Hindi kase ako marunong pumili ng regalo." Sabi ni Chris
"Bakit? Babae ba o lalake yung bibigyan mo?" Tpronunciation
"Babae, si Angel. Sasamahan ako mamaya ni Fhil pero hindi rin siya marunong pumili" tumingin si Chris saken ng may nakakalokong ngiti. "Grace! Sumama ka samin mamaya! O pwede na rin na maghahanap kami ng regalo tapos sasabay ka samin. Para makakasama mo si Fhil!"
"Ayaw ko nga! Uuwi ako ng 11:30 kase walang tao sa bahay tapos marami pa akong gagawin" sabi ko sa kanya. Akala kase ni Chris crush ko pa din si Fhil hanggang ngayon. Pero hindi na ah! Naka move on na ako.
"Uy ayan pala siya! Fhil! Halika ka dito!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Chris.
Lumapit siya kay Chris tapos umupo sa tabi nito. Ang akward naman nito kaya nag kukunwari akong nilalagyan ko ng makeup si Dane.
"Uy Fhil si Grace pala" tinuroturo ako ni Chris kay Fhil kaya ngumiti na lang ako sa kanya tapos sabay kaming tumingin kay Chris ng nakakainis.
"Girl ano ba yan, wag mong ipush" sabi ko sa kanya tapos tumawa na lang.
*flashback*
"Ang ganda ng pronunciation mo."
"Thank you" sagot ko naman sa kanya. Nandito kami sa bahay ng classmate ko para sa isang project. Dito ko siya una nakilala. Tinuturuan niya ako ng tamang pagbigkas ng linya ko para sa video namin.
"San ka nga nag graduate?" Tanong niya sakin.
"Sa Corazon University,ikaw?"
"Sa National University" sagot niya sakin. Noong araw na iyon nagkwentuhan kami na parang ang komportable na namin sa isa't isa na parang matagal na kaming magkaibigan.
Nabigla kami ng bumukas ang pinto tapos pumasok ang classmate namin kaya sabay kaming napatingin sa kanya
"Sana hindi ako nakakaistorbo" sabi niya samin.
"Wala naman" sabi ko sa kanya.
"Kailangan ko kayong dalawa para sa scene na to." Sabi niya samin. Lumabas na siya ng kwarto kaya tumayo na kami at sumunod sa kanya.
"Ano nga ulit yung pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Fhil pala, Fhil" sabi niya sabay ngiti sakin.
"Nice to meet you Fhil" sabi ko sa kanya
*end of flashback*
BINABASA MO ANG
Flashbacks [oneshot]
RomanceSimple stories can bring back many memories. Nakakarelate ka ba?