you can't turn it off like electricity.. when you love.. you love unconditionally♥
-- kring kring
Ayan na naman ang boss ko.Ano na naman kayang kailangan neto?Masagot na nga ang telepono.
"Hel--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sumabat na siya kaagad.
"Get Inside!" mauturidad niyang pagkasabi.Naku ano nanaman kayang problema nito't napakainit na naman ng ulo
tok tok
ayan papasok na ko sa office ni sir kinakabahan tuloy ako
"come in"
"sir bakit po?" tanong ko sa kanya ng nakayuko.Madilim kasi ang awra niya kaya nakakatakot.
"Sir?" tanong niya sa'kin habang nakatingin na nakataas ang kilay"Masama bang tawagin ko ang girlfriend ko pagnamimiss ko siya?"
awww!! bigla nalang akong nagblush ano ba yan nakakahiya tuloy.Yes.Opo tama po ang sinabi niya kami nga po'y magkasintahan. ahihi. Pero kunti lang ang nakakaalam ng relasyon naming dalawa.Kami at ang mga pili lang din naming kaibigan. Hindi naman sa tinatago namin. Wala lang wala naman kasing nagtatanong kaya hindi na namin sinasabi.
"hon, i miss you"nagulat nalang ako kasi bigla ba namang nangyakap . Eh kasi po hindi siya ganito nung mga nakaraang araw, linggo at buwan .. Gusto ko sanang kiligin pero bakit parang may pumupigil saakin? Cold treatment kasi siya sakin tapos lagi kaming nagtatalo kahit simpling bagay lang.
"i miss you too" sabi ko sabay yakap na rin kahit medyo nagtataka lang ako
"tara uwi na tayo out kana" sabi niya
"ha? eh, 4 palang 5 pa ang ang out ko"
"okay lang yan ako naman ang boss mo saka alam kong pagod ka na at gusto ko rin makasabay kang magdinner."
ang tagal na nga pala naming hindi nagsasabay kumain. Hindi na kasi kami masyadong nag-uusap tulad nito.Lagi nalang kasi siyang busy.Nakakapagtampo na nga eh. Lalo pa noong nahuli ko siyang nakipaglandian sa hipon na nakilala niya sa bar naku!! nagalit talaga ako sa kanya noon. Muntik pa kaming maghiwalay buti nalang mahaba ang pasensya ko at mahal ko yang ugok na yan kundi naku tapos na ang lahat lahat samin.
"hon? whats wrong? you're spacing out.." ayy!! may kausap nga pala ako
"ha?" ang tanga lang ng pagkasagot ko eh.
"tsk! lets go"
At ayun nga nag-out na ko .
kumain lang kami sa resto at hinatid na niya ako pauwi marami pa daw kasi siyang tataposin kaya hinayaan ko nalang at isa pa inaantok na talaga ako. kaya natulog nadin ako pagkatapos kong maligo..
Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho.Tsk ! hindi manlang ako sinundo? o sinabay ? anong klaseng boyfriend un ? hayss kung hindi ko lang talaga mahal un .. TYLER RAMIREZ bat ka ganyan?..
Nasaan na nga pala un ?
Bakit hindi manlang nagtext?
Hayss!! Hay naku Magyy de Silva ang aga aga kung anu-ano na nmang pinagiisip mo..
Nasa elivator na ko nang bigla nalang akong kabahan. Grabe ang tibok ng puso ko parang gusto nila kumawala sa dibdib ko.Napahawak nalang ako bigla doon. Wala naman sigurong mangyayaring masama sakin.
Inhale..
Exhale..
Inhale..
Exhale..
Hoh..
matawagan na nga lang ang napakapogi kong boyfriend maaga pa naman .
nakailang ring na hindi parin sinasagot. Ano nman kayang pinagkakaabalahan nitong lalaking to?
Nakailang tawag pa ko pero wala paring sagot. Wala pa naman siyang meeting sa mga oras na to huh.. Syempre alam ko un ako kaya secretaty niya remember?
Ting!!! tunog ng elavator .. hindi ko napansing nasa 25th floor na pala ako ang layo kasi ng nilalakbay ng isip ko eh.
Makapasok nga sa upisina niya't makapaglinis muna doon. yun kasi ang lagi kong ginagawa para pagkarating niya malinis na ..Hindi na niya kkailangan pang ipalinis un sa iba kayang kaya ko nanaman gawin un and as his sexytary, ayy secretary pala olbigasyon ko narin un .. ako lang kaya ang nakakapasok dun maliban sa lolo niya syempre at sa mga kameeting niya minsan dito :).
PAgkabukas ko ng pinto agad na tumambad sakin ang bulto ng dalawang taong naghahalikan na akala mo'y sabik na sabik sa isa't isa ..
Hindi ko alam ang gagawin ko gusto kong umalis ngunit tila nabato na ako sa aking kinatatayuan . Gusto ko rin silang lapitan at paghahampasin..
Hindi ko alam kong gaano na ko katagal sa kinatatayuan ko. Nanghihina ako ng mga sandaling un at kasabay nun ang pagpatak ng mga likido na nagmumula sa aking mga mata .
At hindi rin talaga nila ako napansin huh..
Agad ko nman kaagad pinunasan un at huminga ng malalim para pigilan ng mapaiyak lalo.
HIndi ko napansing nahulog na pala ang cellphone na hawak hawak ko kaya lumikha ito ng tunog na nagpahinto naman sa kanilang ginagawa.
tila naman natauhan sila natauhan sa presensya ko.
"Im sorry sir" tumalikod na ako at palabas na sana nang may biglang humawak sa braso ko at pinigilan akong lumabas.
"Stay!!" mahina ngunit madiin niyang pagkasabi
Hindi ako sumagot dahil hanggang ngayon pinipigilan ko parin ang mga luha na pilit kumakawala sa mga singkit kong mata.
"You" baling niya sa babaeng kanina lang ay kung makapaghalikan sila ay wagas."OUt"
"BUt Tyler--"
Hindi niya na natuloy ang sasabihin niya ng sumigaw si Tyler
" I said get out" at pagkatapos nun bumaling naman siya saakin.
"hon, let me explain"
"hon, im --" pinutol ko na ang sasabihin niya
"Cut that crap tyler..wag na natin ung pag-usapan"
"hon,i said im--
"please" pagmamakaawa ko sa kanya .. ayoko ko ng pag-usapan pa kung ano man ang nakita ko o kung ano man ang ginagawa nila kanina dahil sobra akong nasasaktan sa nakita ko ngayon palang.
Lumabas na ko sa silid na un at dali daling pumunta sa station ko para kunin ang mga gamit ko at umuwi .. Iyak lang ako ng iyak habang nagddrive . Daig pa ang waterfalls ng mga luha kong ito na walang tigil sa pag-agos ..
Basta ang alam ko nalang ito lang ang natatanging paraan para kahit kunti maibsan ang sakit na nararambbaman ko..
