Hindi ko namalayan ang panahon. Magdadalawang taon na rin pala akong nananatili sa palasyong ito, tahimik, malungkot, madilim, at mag isa.
Sa itaas na bahagi ng palasyong ito, may isang maliit at makitid na silid, na ni isang tao ay hindi nagtangkang puntahan.
Sa gitna ng napakalungkot kong mundo, hindi pa rin ako sumusuko...na mangarap, ng isang masayang buhay, kahit sa isang araw lang. Gaya ng isang bulaklak na namumukadkad ngayon at bukas ay maaaring wala na.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nangyari ito isang araw, sa loob ng isang lumang salamin. Habang mag-isang nakaupo sa aking silid, sumagi sa aking isipan ang kwartong iyon, ang misteryosong kwarto sa pinakaitaas ng kastilyo. Noong nabubuhay pa sila ama at ina, kasama ang mga kapatid ko, ay wala talagang nagtatangkang pumasok doon. Kaya naglakas loob akong pasukin ito, at heto, nasa harap ko ang isang napakalaking salamin. Walang ibang gamit dito kundi ito lang. Tinanggal ko ang maalikabok na telang nakatakip dito. Halata sa itsura nito na, napakaluma na talaga nito, may kaunting sira pero..."Napakaganda..." Bigla kong nasabi.
Tinitigan ko ang salamin...
"A-anong..."
Isang imahe ng lalaki ang unti unting nabuo ang repleksyon sa salamin.
Sa aking nararamdaman na magkahalong takot at pagtataka ay hindi na ako nakapagsalita. Pero ngumiti lang sya sa akin.
Ipinakilala nya ang sarili nya bilang isang "wizard", tumawa sya, ngumiti, ngiting kagaya ng sa akin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Yung mga bagay na hinihiling ko na mangyari ay unti unti nang natutupad, at ang araw araw ko ay nagsimula nang magbago.Ayos lang ba sa kanya na sabihin kong sya ang una kong "kaibigan"?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa mga nangyayaring hiwaga na namamagitan sa aking mundo at sa salaming ito. Ang hiwaga ay patuloy na dumadaloy sa bawat sulok ng silid na ito."Maaari mo bang tawagin ang pangalan ko?"
Hinawakan nya ang aking kamay, sinambit ang aking pangalan na may napakatamis na tinig, ito ay napakainit, na parang ang mga luha ko'y kusa na lang tutulo sa aking mga pisngi.
Maaari ba kitang hawakan nang ganito habangbuhay?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa malungkot na mundong ito, nag hihintay ako nang mag isa, sa napakahabang panahon, sa mga kamay mo na hahawak sa akin, mula sa magkabilang sulok ng salamin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Tinupad ng lalaking nasa salamin ang lahat ng aking hinihiling. Nagkaroon ako ng isa pang pagkakataon na makalakad muli. At sa wakas ay nahinto na rin ang napakahabang digmaan mula sa magkabilang kaharian. At ang saya at tawanan ay mas lalong lumalago sa tahimik na silid na ito. Mali nga bang mahulog ako sa kanya?Nakita ko na ito sa aking panaginip, mahabang panahon na ang nakalipas, isang ala ala mula sa aking pagkabata. Sa isang napakagandang kastilyo, ako ang prinsesa. Tandang tanda ko pa kung gaano ako kasaya noon, ang kastilyo, ang masayang pamilya, ang payapang kaharian. Nakaramdam tuloy ako ng lungkot at saya, kung maaari lang akong bumalik muli sa mga panahong iyon.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
At ngayon, lahat ng mga hinihiling ko maging sa panaginip ay natupad nang dahil sayo. Kahit na, pakiramdam kong may isang bagay pa rin na wala sa akin. Ito ay...ang mahika na ikaw lang ang makalulutas."Pakiusap, 'wag mong bibitawan ang aking kamay..."
Sana ay ganito na lang habangbuhay, kasama ang walang iba kundi ikaw.
Kaya ngayon, pakiusap, maaari bang magkita tayo muli?
Napakalungkot ko, na tila hindi na ako makatulog.
Maaari mo bang tawagin muli ang pangalan ko?
Maghihintay ako, palagi...
----------
Ang lahat ng hiwaga, bukas o makalawa ay unti unti nang maglalaho.
Ang mga bagay na hinihiling ko ay naging katotohanan na.
Akala ko, sa panaginip ko na lang muli mahahagkan ang ganitong saya.
"Kailangan ko nang lumisan...sa lalong madaling panahon." Nag umpisa nang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata.
"Pakiusap, 'wag kang umalis." Ang aking pagtangis.
"Maaaring mabasag ang salamin kung hindi ko iyon gagawin. Kailangan ko nang magpaalam."
"Wag mong sabihin yan. Nakikiusap ako. 'Wag kang umalis."
"Wag ka nang umiyak."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa magkabilang sulok ng salamin, ay isang mundo kung saan ang lahat ng bagay sa mundo ko ay kabaligtaran. Kung ang buhay ko dito sa mundo ay malungkot, doon ko naranasan ang kasiyahan na tanging sya lamang ang nagpadama sa akin. Ang lalaki sa loob ng salamin. Ang magkaiba naming tadhana na dapat ay hindi nagtagpo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Ibinalik ko lamang ang kung ano man ang ibinigay mo sakin. Ang mga ngiti mo, ang mga oras na ikay lumuluha, hinding hindi ko ito makakalimutan. Kaya, nakikiusap din ako sayo...na sana...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
wag mo akong kalilimutan."
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kung maaari lang syang manatili sa tabi ko habangbuhay. Kahit na wala kang kakayanan para maibigay ang mga bagay na matagal nang iniiyak ng puso ko, mas gugustuhin ko pa rin na manatili sa tabi mo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Kaya, sa isa pang pagkakataon. Maaari ba tayong magkita muli? Iingatan ko ang salaming ito at palagi akong maghihintay. Kahit na ilang taon at oras pa ang dumaan, hindi ako susuko...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Maghihintay ako...para sayo.
BINABASA MO ANG
Magical Mirror
RomanceIt just happened one day, a reflection of a boy suddenly reflected in the mirror. In this sad and quiet room, that no one ever visited.