Chapter 10: I want Truth

3K 52 10
                                    

Binilisan ko ang paglabas ng bahay para puntahan si Michael. Halos madulas pa nga ako sa kalsada dahil sa lakas ng ulan. Nakita ko na naka park ang kotse ni michael sa labas ng aming bahay kaya agad ko siyang pinuntahan.

"Michael? are you okey? "                    

tanong ko habang tinatapik ang windshield ng kotse niya.

Maya maya ay binuksan niya ang pinto at niyaya akong pumasok sa kotse niya.

"Angel ?? andyan ba si Leo?? "                    

 si Leo, lang pala ang hanap ako naman ang tinawagan.tsss. nag-iinarte pa naman ang isa na yun.

" oo , nasa loob siya ng bahay ngayon. .. bakit ?''

"puede ko ba siyang kausapin  , " bigla na lang siyang napatawa at napahiga na lang sa upuan. " oo nga pala kahit makita nga lang ako ay ayaw niya. kausapin pa kaya.. "

Hindi na ako nagsalita. Hinintay ko na lang tumila ang ulan . Nakatingin pa rin ako sa malayo. Hindi ko alam kung paano uumpisahan ang sasabihin. Gusto ko si michael at gusto ko rin siya tulungan para magkaayos sila ni leo,. pero mahalaga naman sa akin si leo at ayaw kong mawala ang nag iisang matatawag kong pamilya.

"alam mo angel . masaya na ako ng makita ko si Leo at malaman na,. nasa maayos siyang kalagayan . at salamat sayo angel. dahil naging mabuti kang knapatid para sa kanya. samantalang ako...fhghjh aaasjhagdjahdhjadakgdjdsjkha ......................."

MABUTING KAPATID??!! parang paulit ulit na umiikot sa isip ko ang sinabi ni michael. Halos hindi ko na nga maintindihan ang sinasabi ni micheal. Bakit parang napakabigat ng salitang iyon para sa akin. pero parang pakiramdam ko na yung bagong dating pa si Leo, ay lagi ko siyang, sinusuntok at kinikiliti kapag nag-bibiruan kami. mabuti ba yun?

Pero parang iba ang nararamdaman ko na si Michael ang nagsabi. at parang bumibilis din ang tibik ng puso ko, pag-naaalala ko si Leo. anu ba yun?

"ayos ka lang ba angel?! " nagising na lang ako ng hinawakan ako sa balikat ni michael.

I nod. nod.. na paulit ulit.

"Siguro kailangan mo nang magpahinga angel salamat sa oras.."

HAAA!! teka ?? un lang un...?? un lang sasabihin niya sa akin.. ang gulo naman diba?? Michael ?? wala namang ganyan...

"" Michael teka..!! ""

Dahan dahan akong pinaalis ni michael. nakangiti pa nga siya sa akin nang nagpapaalam siya. Kaya no choice ako kungdi bumalik sa bahay. Pagpasok ko sa house.. ayun nakakalat pa ung kinainan kong chichiria sa sahig. Papasok na ako sa kwarto ko nang nakita ko na ,. nakabukas ang kwarto ni Leo at nakabukas ang ilaw. Syempre mabait na bata ako kaya. Pinuntahan ko ito at isasarado at ipapatay na ang ilaw nang silipin ko ang kwarto niya.

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang kaba.ito kasi ang unang beses na papasukin ko ang kwarto niya. I mean pangalawa pala..,  ung una halos kaladkarin niya ako palabas.

Ang bango bango ng kwarto niya nakaka adik ^_^..pag tingin ko ng higaan niya napaka ayos ..para talagang babae.. masasabi ko na nga na perfectionist talaga siya. KAhit simpleng design lang ng kurtina.  ay sorang effort talaga... at ano ba ang tinatago o kinahihiya niya sa kwarto niya.. ang ganda kaya.

Paalis na sana ako ng makita ko ang Lumang cabinet. Nang maalala ko na iyon ang kabinet namin nung mahirap pa kami. nakadikit pa kasi ang mga sticker doon at may mga sulat pa. hindi ko alm na napakasentimental niya. I slowly opened it. May mga litrato iyon. nang pamilya namin. Pero ang kinagulat ko ay ang mga larawan ko. na hindi ko mabilang sa dami.

Mga larawan na hindi pa ako sikat na modelo at ang karamihan pa nito ay hindi ko na maalala kung kailan ito kinuhaan.

.

.

. *thump*

.

.

Parang hindi ko na gusto ang ihip ng hangin. Sana mali ang hinala ko. sana nagkakamali lang ako .. sana hindi ko na lang ito nakita.

*blag*

Napalingon ako ng marinig ko ang ingay ng pagsara ng pinto. Nakatayo na si leo sa harap ko. Nasa mukha niya ang gulat at pagkalito.

"Bakit napakadami naman ng larawan ko dito.. hindi mo naman sinabi.. " pinipilit ko na lang tumawa.Hindi na siya sumagot.

"sorry pinasok ko sige .. aalis na ako.. iisipin ko na lang na wala akong nakita."

Hinawakan niya ako sa braso at pinigilang umalis ..

"Angel., matagal ko na itong gusto sabihin sa iyo.. MAHAL KITA ""

*PLAK*

.

.

.

.

.

 Halos mamaga ang pisnge ni leo sa ginawa ko... Napasampal ko siya sa sobrang inis.. pero hindi parin niya ako binitawan

"angel sana maintindihan mo. ilang beses ko nang pinigilan ang nararamdaman ko. pero hindi ko kaya..ayaw kong magalit ka sa akin ., ilang beses ko na rin sumubok na magmahal ng iba .. kaso hindi rin nagtagumpay.,

.

.

. Lumingon ako sa kanya at tiningnan ko siya ng masama. Isa lang ang masasabi ko...

"NAKAKADIRI KA ... Leo.. "

............................................................................................................................................................

Update .. na poh.... pa comment feedback and vote na lang poh kung okey lang .. ^_^ salamat!!

Instant Billionaire (Material Girl Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon