Nanigas ang buong katawan ko.
bakit sinasabi nang babae sa kabilang linya na boyfriend nya si Xander
"Scar sino yan?"
"Ewan ko babe, hinahanap ka eh"
narinig ko sa kabilang linya ang boses ni Xander. Hindi ko sya nakikita pero alam ko na sya yun, alam ko na si Xander yun, alam ko na ang boyfriend ko yun..
"Ahh.. Miss, sino ka ba? Busy kasi ang boyfriend ko eh"
busy kasi ang boyfriend ko eh..
boyfriend ko..
"Aah.. Miss, pakisabi si Mia ang tumawag.. magtatanong lang ako tungkol sa assignment namin.."
"Babe, Mia daw, kaklase mo ata"
"Mia??akin na ang pho-"
Binaba ko na ang tawag.. ayokong marining ang sasabihin nya, ayokong marinig ang kasinungalingan nya.. ayokong marinig kung paano nya itatanggi ang nalaman ko at higit sa lahat ayokong marinig na sasabihin ko sa kanya na naniniwala ako..
ayokong marinig mula sa akin na tatanggapin ko nalang ang mga narinig ko, na maniniwala ako sa kanya..
Ayoko.. Si Xander nalang ang masayang parte nang buhay ko ngayon. Wala akong mga totoong kaibigan. Nag iisa nalang ako sa buhay. Kung tutuusin, wala akong maituturing na pamilya dahil tatlumpung taon na akong itinakwil ni mama..
Si Xander nalang ang meron ako, at alam nya yun...
Alam nya yun pero pinili nya akong saktan...
"Xander bakit?"
--
Nagising ako sa silaw nang araw sa mukha ko.. tinignan ko ang phone ko, 7am na.. 10am ang klase ko.. hindi na ako nakareview kagabi kakaiyak.. sabi ko sa sarili ko hindi na ako iiyak nang dahil sa pananakit sa akin ni mama.. di ko inakala na ang lalaking ipinangako na hindi ako papaiyakin ay ang mismong lalaki na dahilan nang namamaga kong mata...
tumayo na ako at naligo.. nagbihis at lumabas nang kwarto.. sinilip ko si mama sa kwarto nya, wala sya. nakakita ako nang ilang bote nang gin sa sahig nang kwarto nya. kinuha ko muna ang mga ito at itinapon bago umalis nang bahay. hindi na ako nakapag almusal. wala naman kasing makakaen.
tinignan ko ang pitaka ko.. 50 peso bill ang nakita ko.. ang natitira kong pera, hindi alam kung hanggang saan aabot ito. isa lang ang sigurado ako, hindi nanaman ako manananghalian..
pinili ko nalang maglakad palabas nang barangay namin, hindi na ako nagtricycle, sayang ang 25 pesos.
pagdating ko sa sakayan nang jeep, 8:30am na. nagpupunuan na ang mga jeep..
BINABASA MO ANG
Si Mioko (On Going)
RomanceAng pinaka masayang parte nang buhay ay ang makita mo ang taong mamahalin mo nang higit pa sa buhay mo, at mas masaya kung mamahalin ka rin nya pabalik.. pero paano kung hindi pwede? paano kung tutol ang mundo?.. paano kung iisang dugo ang dumadaloy...