Christmas Fantasy (Christmas Special)
POV- TUESDAY
1 Year Ago.
Seconds.
Minutes.
Hours.
Days.
Months.
Years.
Hindi ko alam kung bibilangin ko pa ang bawat araw na kailan niya ako kinalimutan.
Umaasa pa ako na maayos pa ang friendship namin pero wala na talaga.
Tatlong taon na akong naghihintay para kausapin niya ako. Pero, wala akong natanggap ni isang letra na salita mula sa kanya. Sa kakahintay ko, hindi ko namalayan na magpapasko ngayon.
Nasa isang mall ako ngayon para bumili ng cake para sa Noche Buena namin mamaya. Kaya naman ako pinabili para raw maka-relax ako, napapansin kasi nila na nawawala na ako sa aking sarili.
Nanermon pa ang aking kapatid dahil alam niya kung ano ang iniisip ko. Lagi ko kasing iniisip ang best friend kong naglaho na lang na hindi ko alam kung bakit.
Sinabi pa sa akin ni Kuya na kalimutan ko na siya na hindi ko magawa. Gusto ko kasing magpaliwanag ang best friend ko sa akin tungkol sa sitwasyon namin.
Mas maganda kung diretsuhan niya na lang ako na ayaw niya sa akin, kaysa maghintay ako sa wala na parang akong baliw.
Nakarating na ako sa aking destinasyon, at pumasok na ako sa isang cakeshop. Maraming tao sa loob dahil in demand ngayon ang mga cake bilang handa at regalo sa Pasko.
Pumila na lang ako, at nagtiis na lang para makabili cake. Mga isang oras akong pumila ay nakabili na ako sa wakas ng cake. At mabuti na lang ay hindi naubos ang bibilhin kong flavor.
Pagkatapos gawin ko 'yun ay pumunta na ako sa isang gift shop. Gusto ko kasing tumingin ng mga stuffed toy para isama sa aking collection.
Habang naglilibot ako sa loob ng tindahan ay napansin ko kaagad sa lalagyan ang stuff toy na si Pikachu. Naalala ko bigla si Zean sa stuffed toy dahil mahilig siya sa Pokemon.
Aabutin ko sana ang stuffed toy, pero may nararamdaman ako may nakahawak sa kamay ko. Napatingin ako kung sino ang gumawa, at napansin medyo weird ang itsura niya.
Hindi ko alam kung isa ba itong gangster o ganyan na ang usong fashion clothes ngayon. Nakasuot kasi siyang red cap at shades na hindi naman mainit ngayong araw. Tapos, naka-leather jacket siya na itim na may t-shirt sa loob. Rip pants din ang suot niya, at rubber shoes na itim.
Nagtanong na lang ako sa kanya kung bibilhin niya, pero hindi niya ako sinagot. Sa takot ko ay sinabi ko na kanya na lang. Kinuha na niya ang stuffed toy, at umalis na siya sa aming pwesto ni hindi siya nag-ingay.
Pipe siguro siya kaya ayaw magsalita o ganyan na talaga ang ugali niya, shy type. Medyo bad-ass din, at mukhang gwapo naman ang lalaking naka-shades na 'yun.
Ang hirap din basahin ang kanyang mga emosyon, dahil naka-shades siya ngayon. Hindi ko masabi kung galit siya sa akin o normal lang ang kanyang itsura ngayon.
Umikot na lang ulit ako sa tindahan para tumingin na pwedeng bilhin. Mga ilang minuto ang lumipas ay may lumapit na saleslady sa akin, at tinanong niya kung ako si Tuesday. Tumango na lang ako, at inabot niya sa akin ang isang paper bag.
Kinuha ko ito, at tinanong sa kanya kung sino ang nagbigay. Ang sabi ng sales lady sa akin ay 'yung lalaking naka-shades at cap. Sumalubong ang dalawa kong kilay sa nangyari.
Bakit kaya ako bibigyan ng lalaking gangster kanina? Sino kaya siya? Bakit parang kilala niya ako? Bakit alam niya ang pangalan ko?
Nilapag ko sa isang counter ang cake na hawak ko, at binuksan ko kaagad ang paper bag para tignan ang laman. Nakita ko ang pikachu stuffed toy na binili niya kanina. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa ginawa niya.
May napansin ako ng isang christmas card na nasa loob, kinuha ko kaagad ito at sinimulan basahin para malaman ang pagkatao niya.
To: Anne Tuesday
Merry Christmas.
From: Daniel Zean Esperanza
Napatulala na lang ako sa card na binigay niya, at ngayon nag-register sa aking isipan na si Zean ang taong nakahawak sa aking kamay kanina. Hindi ko inaasahan na ngayon ulit siya nagparamdam dahil lagi niya akong dinededma.
Hindi ko rin alam na siya ang lalaking gangster nakasama ko kanina. Kung alam ko lang, hindi ko na siya papakawalan sa aking tabi.
Nang natapos kong tignan ang regalo ay kinuha ko ang cake na nakapatong, at lumabas kaagad ako para hanapin siya. Subalit, hindi ko na makita ang kanyang bakas. Sayang, gusto ko pa naman magpasalamat sa kanya.
Nagtataka lang ako na kung bakit kakaiba ang suot niya. Medyo weird lang siya ngayon, at ang tahimik niya. Hindi rin bagay ang kanyang imahe.
Hindi ko alam kung iiyak ako o matutuwa sa ginawa niya. Ang cute kasi ang ginawa niya sa akin. Na-touch ako sa simpleng effort na ginawa niya.
Hindi ko inaasahan na maganda rin ang magiging Pasko ko ngayong taon.
------------------------------------------------
A/N: Pasensya na sa mga typos dahil sa mobile ko lang ito ginawa
Thank you for Reading!
Merry Christmas! :D
Enjoy!
BINABASA MO ANG
Reminisce
Random-Special Flashback Chapters of 45315454 1351919175 (c) colourfuldayz