Tama ba 'tong gagawin ko? Dapat ba ito?
Yan ang mga katanungan na umuulit ulit sa isip ko bago ko sabihing....
"Oo!" Masaya kong sabi kay carl. " Sinasagot na kita, I think it's time for me na bigyan ka ng chance." Dugtong ko.
"YEEEEEEEEES! HAHAHA!" Tuwang tuwang sigaw niya. "I love you Colleen!" Dugtong pa niya.
Almost 2 years na siyang nanliligaw saken pero diko siya masagot kasi nga ang mga tao sa bahay...
*FLASHBACK*
"Colleen kaya ikaw hindi ka muna pwede mag boyfriend tignan mo yun si joyce pagtapos mabuntis iniwan!"
Sermon ni Mama."Anak pag aaral muna ha, wala munang boyfriend." Sabe naman ni Papa.
"Colleen sino yang ka text mo?!" Sigaw ni kuya sabay kuha ng phone ko, tapos ay tinawagan yung number "Hindi pwedeng ligawan ang kapatid ko!"
*End of Flashback
Sooo yun na nga, pero naisip ko siguro walang masama kung i try ko mag boyfriend pero lihim lang.
"Mmm Carl" tawag ko.
"Bakit mahal?" Sagot niya habang nakangiti na abot langit.
"Alam mo naman yung situation ko diba? Na hindi ako pwede mag boyfriend?"
"Opo, naiintindihan ko colleen" sagot niya
"Sinagot kita kasi diko na mapigilan yung feelings ko for you."
"Hahaha Pogi ko talaga" pabiro niyang sabi.
"Mabaet ka lang!" Sagot ko naman.
Bigla nalang ako niyakap ni carl na parang bata.
Tapos ay sabay kami umuwi. Pero 2 km away mula sa bahay magisa nako umuwi dahil kung baga sa kalsada "BAWAL TUMAWID NAKAMAMATAY".
Every week hinahatid niyako papasok at pauwe pero 2 km away diko na siya kasama hanggang sa after 6 months.
Hinahatid niyako pauwe, bigla nalang namin nakasalubong si kuya.
" sino yan?!" Bungad ni kuya.
"Si carl kuya ano ko uhm-" napatigil ako nung biglang tumakbo palayo si Carl.
"Hm, dika kaya ipaglaban ng boyfriend mo."
Bigla akong naiyak sa pagkadismaya. Tapos ay niyakap si kuya.
"Ok lang yan Colleen, bihira nalang talaga ang lalaking may itlog ngayon."
Kinabukasan nakipaghiwalay na siya saken, di daw niya kaya yung ganun.
Kaya simula nung araw na iyon hindi nako nagboyfriend at nagfocus sa pag aaral.
Iniiwasan narin ako ng karamihan ng mga lalaki sa room dahil nabalitaan yung kay Carl.
Hm, ok lang makakapag focus ako lalo sa pag aaral. Nawalan ako ng social life simula nung nagfocus nako sa pag aaral.
*After some months*
Yes 4th year nadin ako malapit na, konting library pa.
Habang nagbabasa basa sa library bigla akong tinawag nung isang teacher.
"Ms. Delos Reyes"
"Po ma'am?"
"Eto na yung mga kailangan niyo sa Journalism club."
Hays bat naman kasi sa diname dami ng club dito pako na elect na presidente, wala naman ako hilig magbasa o sulat.
Habang papunta nako sa room ng journalism club may pamilyar na boses nanaman akong naririnig.