Chapter Seven: Help me find clues

28 4 0
                                    

Grabe talaga eh, hindi ko parin alam kung sino si Mr. Your Man. Hindi naman daw si Mark, sino pa ba ang nagkakagusto sa panget na tulad ko!
Sana makahanap na ako ng clue kung kanino galing.

Adrian - "Lizzie!"
Ako - "Oh?"
Adrian - "Ano yang hawak mo?"
Ako - "Envelope lang"
Adrian - "Ano nakasulat?"
Ako - "Basta, wala ka na dun"
Adrian - "Ay ganun! Bilis na pabasa!"

Kinuha ni Adrian ung envelope saakin tapos binasa niya. Nakangiti siya habang binabasa, kinikilig ba siya? Hahaha ngayon ko lang siya nakitang nagbublush. Ang cute niya (⌒_⌒)nakaka-inlab siya.

Adrian - "Aba, may bago kang secret admirer ha. Sino pipiliin mo si Mark o a ... Siya?"
Teka ano Mark o a? Nabulol pa eh.
Ako - "Akin na nga yan, dinidiscover ko pa kung sino yan eh"
Adrian (pabulong) - "Sus, aalamin pa"
Ako - "Ano Adrian?"
Adrian - "Wala po"

Grabe eh. Sino ba talaga toh? Ay baka manloloko lang to eh. Papabasa ko nga kay Sam.
Hinanap ko si Sam tapos nakita ko siya kasama si Karlo.
Grabe hindi ko pwedeng sirain ung moment niya, pero pano ko sasabihin sakanya toh?

Ako - "Ehem, ang sweet niyo jan ahh"
Karlo - "Ha? Ah eh, maguusap ba kayo?"
Ako - "Sana, kaso naguusap pa kayo eh"
Karlo - "Hindi ok lang, mamaya nalang ulit, bye Sam"
Sam - "Bye Karlo"
*umalis na si Karlo*
Sam - "Ano ba yan, sira moment eh"
Ako - "Sorry na, pero mas importante to toh!"
Sam - "May mas importante pa ba kaysa kay Karlo?"
Ako - "Ibigsabihin hindi na ako importante sayo?"
Sam - "Syempre importante ka!"
Ako - "Eh parang hindi na eh"
Sam - "Ang bilis naman magtampo ni baby Liz"
Ako - "Ano muna?"
Sam - "Sorry, hindi ko na uulitin"
Ako - "Geh, apologize accepted"
*Pinakita ko yung letter kay Sam tapos binasa niya*
Sam - "OMGEE, hala sino yan ha?"
Ako - "Di ko rin alam eh"
Sam - "May secret admirer ka na ahh"
Ako - "Tanong, sino toh?"
Sam - "Baka si Mark?"
Ako - "Hindi eh, natanong ko na siya, tsaka hindi ganyan sulat niya eh"
Sam - "Sabagay panget nga naman sulat ni Mark hahaha"
Ako - "Grabe naman makapanget toh"
Sam - "Edi sorry"
Ako - "Eh kailangan malaman natin kung sino si Mr. Your Man"
Sam - "Yeah!"

Mahal Ko O Mahal AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon