Sa restaurant..
BF: Bakit ba ang tagal mo? Kanina pa kitang hinihintay! Sino na naman bang sinamahan mo? Sinong lalaki mo?! >_<
GF: Wala naman akong ibang kasama eh. Traffic lang talaga simula saten. :/
BF: Ang dami mong dahilan!
*Nanahimik na lang si girl kahit na nasasaktan. Mahal naman siya ni boy. Sa sobrang pagmamahal ni boy sa kanya palagi itong nagdududa. Lagi tuloy silang nag-aaway.
After nilang kumain biglang tumakbo palabas si girl sa hindi malaman na dahilan...
Sa may kalsada...
BF: Ano na naman ang drama mo?
GF: Lagi ka na lang ganyan. Hindi ko na kaya! Mahal kita pero ayoko na. Sinusuko na kita. Palagi kang nagdududa,palagi tayong nag-aaway dahil lang sa mga duda mo na hindi totoo. Ni hindi mo ako magawang pagkatiwalaan. ANO BA AKO SAYO?! *umiiyak
Hindi umiimik si boy kaya umalis si girl.Hahabulin sana ni boy si girl ang kaso sa bilis ng kotseng tumatakbo nabangga si girl.Nagulat si boy sa nakita niya. Dinala ni boy sa hospital si girl. Habang papunta sila sa ICU nagkamalay saglit si girl. Naliligo na siya sa sarili niyang dugo.
And she said,
"Kahit palagi tayong nag-aaway at palagi mo akong pinagdududahan...kkkaaaa---hhiiittt kelan hindi ko naisip na bitawan ka..at kahit sabihhiinnn mong hindi mo na ko kailangan mananatili pa rin ako sa tabi mo dahiiiill maaaa----------hal kita. Sinabi ko lang yung mga sinabi ko kanina dahil gusto kong pigilan mo ako pero hindi mo ginawa at mukhang hindi ko na matutupad ang pangako ko,basta wag mo akong kakalimutan mahal ko.."
NURSE: Sir hanggang dito na lang po kayo.
Nagsisisi si boy sa mga ginawa niya at sinabi niya kay girl. Naisip niya lahat ng hirap at sakripisyo na ginawa ni girl para sa kanya kahit pa nga madalas na ganun siya pero mahal na mahal niya lang naman si girl kaya siya nagiging ganun. Kaya lang hindi niya naiparamdam na hindi niya kayang mawala si girl dahil mahal na mahal niya ito..
DOCTOR: I'm sorry. Ginawa namin ang lahat ng makakaya namin.
BF: Hindi yan totoo! Hindi pwede! Hindi ko pa nasasabing mahal ko siya!
Sobrang laki ng pagsisisi ni guy. Hindi siya kumakain at napuno siya nang matinding kalungkutan. Simula nun hindi na niya nagawang magmahal ulit dahil si girl pa din ang nasa puso niya..
LEESSON: Hangga't nandiyan pa ang taong mahal mo,pahalagahan mo siya dahil hindi mo masasabi kung kelan siya babawiin sayo. May iba-ibang paraan ng pagpaparamdam at pagpapakita ng pagmamamahal ang tao. Katulad ng bidang lalaki sa aking istorya. Siya yung tipo ng tao na extraordinary kung baga. Sa pagdududa at pakikipag-away,siguro dun niya nakikita kung gaano siya kamahal ni girl kaya niya nagagawa ito. Minsan kasi hindi sapat ang mga salita para ipakitang mahal mo ang isang tao. Yung sinasabi niya minsan ay hindi naman talaga yun ang ibig niyang iparating. Hindi lamang siguro sila magkaunawaan. At si girl, nararamdaman naman niyang mahal siya ni boy. Ang problema lang,lahat ng tao may hangganan. Maaring mapagod siya pansamantala o malamang sumuko na talaga. Hihintayin mo pa bang mawala siya bago mo ipakita ang tunay mong nararamdaman para sa kanya? Ang pag-ibig ay wagas. Hindi lahat ng uri ng pag-ibig ay masaya. Minsan, sa mga hirap,away o kung ano pa mang pagsubok ang pagdadaanan niyo,masakit man ang lahat ng ito? Dito niyo mismo mararamdaman na mahalaga ang isa't isa sa inyo. Matuto lang tayong umunawa dahil kapag nagmamahal ka mauunawaan mo ang hindi mo maintindihan at uunawain mo pa din kung kinakailangan. Mahal mo eh,ganun talaga. Ipaglaban niyo ang isa't-isa para masaya. <3