PART 1:
Sa Saint Joseph High School Academy of Sison, nag-eskwela ang dalawang masayahing magkaibigan/bestfriends na si Jean at Lea.
Sa gilid nito ay may isang maliit na tindahan na kung saan palaging kumakain ng snak ang dalawa. ito ay tinawag na "Kwek-kwek". Sa harap naman nito ay may isang maliit din na tindahan na sapatosan na pagmamay-ari ng isang Japanese. May isang trabahanti dito na nag-ngangalang Ivan. Palaging kumakain ang dalawa dito sa Kwek-kwekan kaya palagi rin nilang makikita ang mga tao sa tindahan ng Sapatos. Sa pang-matagalan ay nagka-gusto na rin si Jean kay Ivan. Kaya tuwing makikita niya si Ivan ay para siyang mahimatay, pero baliwala lang ito ni Lea.
Isang Araw, nung patungong eskwelahan na sina Jean at Lea ay nakita ng dalawa si Ivan, at kinikilig si Jean pati na rin si Lea. Nung tinignan ni Jean si Lea ay parang nagagalit ang mukha nito. At pagdating nila sa eskwelahan... Nakaupo ang dalawa sa gilid sa bintana na kung saan makikita lang nila si Ivan. Pero nung klaseng 'yun ay hindi nakikinig si lea sa klase at iyak ng iyak. Nagtanong si Jean ", Lea, anong problema mo? Sa tagal nating pag-sasama ngayon ko lang kitang nakitang umiyak". Pero denedma nalang ito ni Lea at tumawa, "Hahaha! Wala lang ito Jean, Acting lang!". Pero nung oras na 'yun ay nalilito si Jean at may napapansing kakaiba kay Lea, pero binaliwala lang nya ito dahil sa isip niya ay ganyan talaga si Lea hilig niyang mag-joke. At pagkatapos ng klase... "Uy Jean uwi na tayo" sigaw ni Lea kay Jean, "Ah, sige mauna ka na ay pupuntahan lang ako" sagot naman ni Jean. "Ha? Bakit hindi mo na ba ako sasamahan pauwi?" tanong ni Lea. "Hindi naman sa ganun Lea, bibili lang ako ng Sapatos, baka mainip ka sa pag-hihintay sa akin." Sagot na naman ni Jean. "O.k!, Bye!", Sigaw ni Lea. Pero wala nang klase sina Jean at Lea sa hapon, dahil 'yun ang schedule nila.
Pagdating ni Lea sa bahay umiyak siya dahil hindi niya masabi kay Jean ang totoo na boyfriend niya si Ivan, dahil mahirap lang si Ivan at isang trabahanti lang ng isang maliit na tindahan. Tiningnan ni Lea ang kanyang Cellphone. May nag-text, si Ivan at sabi: Lea sana patawarin mo ako sa sasabihin ko. Break na tayo!". Nagulat si Lea sa sinabi ni Ivan. Sumigaw siya kasabay ang kanyang emosyon, "Ivan, dahil ba ito kanina hindi mo ako pinansin at hindi rin kita pinansin? Dahil kay Jean?" Iyak nang iyak si Lea hanggang pagka-tulog at hindi makapaniwala sa mga nagyayari. At pagdating ng bukas...
Hindi na nagkasabay sina Lea at Jean patungong eskwelahan. At pagdating ni Lea sa eskwelahan, ay nakita ni Lea na umuna si Jean at palaging nakatingin sa pa sa labas nakita rin nyang Jolly na Jolly si Jean at sobrang Happy. At nakita ni Jean si Lea," Ah, Lea, nandyan kana pala, ba't malaki 'yung Eye bug mo? Pero hindi sumagot si Lea, at umiyak na naman. "O, anong problema mo na naman Lea? Ba't araw-araw ka nalang umiiyak?" Tanong ni Jean. "Ikaw Jean bakit ka Masaya ngayon?" Nagtanong si Lea. "Kami na Lea, kami na ni Ivan!".Nagulat si Lea. Ngayon niya lang naramdaman ang pait ng mga nangyayari dito.
Pagkatapos ng klase, umuwi na ang dalawa at hindi na nag-sama, dahil sinabi na ni Lea kay Jean na hindi na sila Bestfriend. Umuwi si Lea nang palaging umiyak pati na rin pagdating sa kanilang bahay... Paglipas nang ilang oras, Alas 9:00 pm na. Walang nagawa si Lea kundi tawagan si Ivan at. Tinawagan niya ito at sinabihang pupunta sa kanilang bahay. Biglang sumigaw si Lea "Hahaha! 'Buti nalang wala ang mga boardmate ko!". At sa wakas dumating na si Ivan. Nung tiningnan ni Ivan si Lea parang may kakaiba itong kilos. Naguat si Ivan na may dala si Lea na Malaking Kutsilyo. Hindi napigilan ni Ivan at lumipat sya at....
ABANGAN ANG PART 2.....................
PART 2 TITLE: Katawan sa Libingan