03

34 4 2
                                    

HIS POV

"basta mamaya ah 5pm sa park libre kita" natuwa naman ako kay Rhein, dahil manlilibre siya! Aba isang malaking himala

Pagkatapos naming maglakad pauwi ay hinatid ko na siya sa kanila at sakto naman natadnan ko sila tita na busy sa kanilang trabaho, may Korean barbeque restaurant kasi sila Rhein,

"Jinhwan iho napadalaw ka, kumain ka na ba?" Ngiting tanong ni Tito

"Opo hinatid ko lang si Rhein, hindi na po nagmamadali po ako , sige Rhein mamaya na lang bye"

At nagmdaling umalis , nang biglang tumunog ang phone ko

"Hello?"

"Enebe hyung hehehee tama na " rinig ko sa kabilang Linya

"Hello???!"

"Jinhwan asan ka na bilisan mo magsisimula na ang practice"

"Oo alam ko papunta na ako"

*****
5PM

"okay 10 minutes break" sigaw ng aming trainer

Hays salamat naman at may pahinga, natutuwa ako kasi isa isa ng natutupad ang mga pangarap ko, pangarap naming dalawa ni Rhein

laking gulat ko na lang na napansin kong 5pm na, shit! Yung usapan namin ni Rhein, sigurado akong naghihintay na yun sa mga oras na ito , sakto namang pumasok ang among trainer ,

"Hyung! " sigaw ko sa kanya, "baka pede namang hiramin saglit ang phone ko, may itetext lang ako importante" sabi ko ngunit hindi niya ako pinayagan imbes pinagalitan pa

"Phone? Kaya ko nga kinuha ang phone niyo para makapag focus kayo sa practice,saka isa pa pampagulo lang yan pede niyo naman mamaya kuhanin pagkatapos ng practice niyo"

"Sorry hyung " tanging sagot ko

"Okay let's go back to our practice , Hanbin! Ikaw dito blah blah blah"

9pm, tapos na ang practice at naibalik na din ang mga phones namin,

Dali dali akong pumunta sa park, at sakto naabutan ko pa siya pero tumalikod siya at nagsimula ng umalis

Susundan ko sana siya pero hindi ko nagawa kasi alam kong galit siya sa akin kaya tinext na lang siya,

****"
At ngayon tatlong taon na simula mangyari iyon, sana mapatawad niya ako kapag nakita ko siya o sana makita ko siya ulit,

Natupad ko na ang pangarap natin, sana masaya ka para sa akin, sana maging proud ka sa akin, at sana walang nagbago kung anong meron tayo noon

Rhein ako pa din diba?

" hyung! Samahan mo naman ako sa convenient store may bibilhin lang ako" sabi ni chanwoo

At dahil isa akong mabait na hyung um-oo naman ako

Habang nasa tindahan, abalang abala si maknae na pumili ng kaniyang mga bibilhin ng biglang may kumuha sa aking atensyon

Isang babaeng nakatayo sa may kalsada, naka white long sleeve, short at addidas super star at may mahabang tuwid na buhok, isa lang ang masasabi ko..... Ang ganda niya

Kaso nakayuko siya kaya hindi ko maaninag ang mukha niya,

"Hyung! Tara na!" Sabi sa akin ni chanwoo

Paglingon ko umayos ng tayo ang babae at biglang humarap siya

Hindi ko inaasahan ang nakita ko
.
.
.

Shet! Si Rhein! Grabe sobrang daming nagbago sa kanya, lalo siyang gumanda ngayon pero sana hindi nagbago ang kanyang ugali

Sana siya pa din ang dating Rhein, ang Rhein na best friend ko, ang Rhein na nagustuhan ko , ang Rhein na isa sa mga dahilan ng pagabot ko sa mga pangarap ko

Rhein, long time no see

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Long Time No See [ iKON FF ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon