Kaibigan lang

8 0 0
                                    

Mahal kita
salita na natutunan ko noong nakilala kita

Mahal kita
Salita na nararamdaman ko sa tuwing kasama kita

Mahal kita
Salita na gusto kong bigkasin ng paulit ulit sa iyong tenga

Mahal kita
Salita na naramadaman ko noong unang beses na nagtama ang ating mga mata

Ngunit ang salitang ito ay nawalan ng bisa
Noong nalaman ko na may mahal kang iba

Ang nararamdaman ko sayo ay parang pintura
Na napakahirap tanggalin sa aking sistema

Makipagkaibigan
Ang tanging paraan upang ika'y malapitan
Hindi alintana ang sakit na mararamdaman
Makausap ka lang ng magdamagan

Sa tuwing ika'y nasasaktan
ako'y iyong nilalapitan

Sa tuwing wala ka nang masandalan
Ako ang iyong hinahagkan

at sa tuwing ika'y nasasaktan
ang pag-asa ko't nadadagdagan

Oo alam kong makasarili
Pero mas gusto kong ika'y na sa aking tabi


Pero sa tuwing nandyan siya
ako'y iyong nakakalimutan na

Para akong payong
na pag wala na ang ulan ay bibitawan na
Para akong kandila
na pag may liwanag na ay papatayin na

Sa tuwing kayo'y magkakalapit
Ako'y lihim na namimilipit

Sa tuwing kayo'y nakatingin sa isat isa
Ako ay lihim na nagdurusa

At sa tuwing hahawakan niya ang kamay mo
Unti unting nadudurog ang puso ko

Pero sa paulit ulit na sakit
Puso ko ay tila namamanhid

kaya patawarin mo ako kung ito ay nilihim ko
Dahil mas ginusto kong mapalapit sayo

at ngayon ako'y pagod na
Ika'y aking pakakawalan na

Dahil sa lugar na pinangarap kong ikaw at ako,
Nagising ako ng walang ikaw at ako lamang ang nandito

Ngunit tandaan mo

Na pag ika'y pinaluha niya
Ako'y nandito para itahan ka
Pagbinitawan ka niya
Ako'y nandito para saluhin ka

Dahil ako'y patuloy na aasa
Hanggang sa ang buong puso ko ay mamanhid na
At ang nararamdama ko sayo'y maglaho na

Dahil ang ikaw at ako ay hanggang kaibigan lang.

Uulitin ko.

Hanggang Kaibigan Lang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 20, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Words Left UnspokenWhere stories live. Discover now