Mahal kita
salita na natutunan ko noong nakilala kitaMahal kita
Salita na nararamdaman ko sa tuwing kasama kitaMahal kita
Salita na gusto kong bigkasin ng paulit ulit sa iyong tengaMahal kita
Salita na naramadaman ko noong unang beses na nagtama ang ating mga mataNgunit ang salitang ito ay nawalan ng bisa
Noong nalaman ko na may mahal kang ibaAng nararamdaman ko sayo ay parang pintura
Na napakahirap tanggalin sa aking sistemaMakipagkaibigan
Ang tanging paraan upang ika'y malapitan
Hindi alintana ang sakit na mararamdaman
Makausap ka lang ng magdamaganSa tuwing ika'y nasasaktan
ako'y iyong nilalapitanSa tuwing wala ka nang masandalan
Ako ang iyong hinahagkanat sa tuwing ika'y nasasaktan
ang pag-asa ko't nadadagdaganOo alam kong makasarili
Pero mas gusto kong ika'y na sa aking tabiPero sa tuwing nandyan siya
ako'y iyong nakakalimutan naPara akong payong
na pag wala na ang ulan ay bibitawan na
Para akong kandila
na pag may liwanag na ay papatayin naSa tuwing kayo'y magkakalapit
Ako'y lihim na namimilipitSa tuwing kayo'y nakatingin sa isat isa
Ako ay lihim na nagdurusaAt sa tuwing hahawakan niya ang kamay mo
Unti unting nadudurog ang puso koPero sa paulit ulit na sakit
Puso ko ay tila namamanhidkaya patawarin mo ako kung ito ay nilihim ko
Dahil mas ginusto kong mapalapit sayoat ngayon ako'y pagod na
Ika'y aking pakakawalan naDahil sa lugar na pinangarap kong ikaw at ako,
Nagising ako ng walang ikaw at ako lamang ang nanditoNgunit tandaan mo
Na pag ika'y pinaluha niya
Ako'y nandito para itahan ka
Pagbinitawan ka niya
Ako'y nandito para saluhin kaDahil ako'y patuloy na aasa
Hanggang sa ang buong puso ko ay mamanhid na
At ang nararamdama ko sayo'y maglaho naDahil ang ikaw at ako ay hanggang kaibigan lang.
Uulitin ko.
Hanggang Kaibigan Lang