Author’s Note: To those who took love for a game, to those who lost, to those who won, this is for you. Suddenly got inspired to write in filipino. Masyado akong nainspire sa mga one-shots na sinulat nila ate Haymdora, Yooneese, MisaHolmes, Randomity at ni FathomlessBeetch. Sana magenjoy kayo. Let's get out of that angst feeling and get on with fluff. ᶘ ᵒᴥᵒᶅ
Tara, Laro Tayo.
What is love? Isn’t it just a game? What are feelings? Aren’t they just for playing with?
“Pitch, may nagkakagusto daw sayo.”
Inaayos ko yung bag ko, nilalagay ko yung math at physics na libro sa loob, “sige sabi mo eh.” Nagmamadali kong sabi.
“Gagi, gwapo!”
Zinipper ko na yung jansport kong bag sabay suot dito, kinawayan ko si Rinella, “aalis na ko ha? Try outs kasi ng basketball ngayon, manonood ako.” Sabi ko.
May try outs kasi para sa mga magvavarsity yung basketball team namin ngayon, at magttry out yung crush ko sa kabilang section.
“Di mo ba papansinin yung nagkakagusto sayo?”
“Next year kamo.” Sabi ko sabay karipas ng takbo palabas.
Pagkalabas ko sa room may grupo ng lalake na naglalakad at may napansin akong isa, maputi at medyo singkit, bigla siyang nagtago kaya di ko nalang pinansin.
“Buti nakaabot ka!”
“Oo nga eh, si ma’am kasi, inutusan pa akong isulat yung mga records nyo.” Sabi ko habang binababa yung bag ko sa gilid.
“Sakto ka, magsisimula palang!”
Umupo ako sa tabi ni Jinya, “Salamat,” tumingin ako sa paligid ko at sa mga gilid gilid at nakita ko siya nagwawarm up habang nakasuot yung blue nilang jersey na may number 08 pa sa likod sa baba ng apelyido nya.
“Baka matunaw.” Sabi ni Jinya.
ᶘ ᵒᴥᵒᶅ
“Hoy Pol ibalik mo nga yung panyo ko!” Sabi ko habang pilit na inaabot yung panyo ko sa kamay ni Pol, yung kaklase kong matangkad na trip na trip ako lagi.
“Abutin mo muna!” Sabi nya habang tinataas yung panyo ko.
Tumitingkayad naman ako, “Pag naabot ko ‘to kakaltukan kita sa lalamunan.” Sabi ko sakanya.
“Nice Marc!”
Napatingin ako sa gilid, tapos binalik ko yung tingin ko kay Pol, “Pol naman eh!” Sabi ko.
“Awts Marc, sakit non!” Sabi nung isa.
“Oo nga Marc, saket neto pre!” Sabi pa nung isa sabay akbay dun sa Marc.
“Sweet nila pre oh?”
Naabot ko yung panyo pero di ko nalang pinansin yung mga asar at kantyawan, baka di ako yun diba? Tinulak ko sabay suntok sa braso si Pol, “Pakamatay ka na mamaya.” Sabi ko sabay pasok sa room.
BINABASA MO ANG
Tara, Laro Tayo.
Teen Fictionsino nga ba ang mananalo? sa larong, unang mafall, talo?